Lovi Poe plays sexy nurse in Benchingko Films’ Kama; says she enjoys being single

Lovi Poe is among the stars who took part in Benchingko Films, a festival of short films that was part of the 25th anniversary of the clothing brand Bench, which the singer-actress endorses.


Bahagi ng 25th anniversary celebration ng Bench ang pagpapalabas ng anim na short films sa mini-festival na pinamagatang Benchingko Films.

Nakasama sa paggawa ng short film ang Kapuso star na si Lovi Poe, isa sa celebrity endorsers ng clothing brand.

Kama ang titulo ng short film na sinalihan ni Lovi.

Nang dumating si Lovi sa Mall Of Asia (MOA) Center Stage, kunsaan ginanap ang premiere night ng Benchingko short films, naging matipid muna ito sa pagsagot kung ano ang role niya sa Kama.

“Basta…secret,” sabi ng 23-year-old singer-actress, na anak ni Fernando Poe Jr., ang yumaong Action King ng Philippine movies.

Yun pala, tampok si Lovi sa three-part musical tungkol sa salitang “Kama”—Kamachohan, Kamalasan at Kamanyakan. Isang sexy nurse ang ginampanan ni Lovi.

Sexy ngunit cute ang mga eksena ni Lovi.

May eksena pang naghuhubad ng kanyang nurse uniform ang dalaga, hanggang sa ang matira na lang na suot ay ang kanyang underwear.

Kaya pala sa pakikipag-usap ni Lovi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press bago nagsimula ang Benchingko festival, nasabi niyang: “Kakaiba siya. Medyo kinabahan ako at first.

“Pero siyempre, pinagkakatiwalaan ko naman ang Bench.

“For me kasi, when I started with them, parang everything started falling into place.

“The moment na nilagay nila ang billboard ko noon, first time na tinayo, parang bigla, everything started.

“Hindi na ako nagdalawang-isip talaga, ginawa ko agad!”

September 2010 nang maging Bench Body endorser si Lovi.

In-unveil sa buwan at taon na iyon, sa Guadalupe, Makati City, ang malaki niyang billboard na nagpapakitang suot niya ang isang itim na two-piece lingerie ng clothing brand.

Sa kabila nang todo at matinding pagbabantay ng naglalakihang event marshals at security guards ng MOA (na ikinairita pa nga ng mga nag-i-interbyung media), natanong pa rin si Lovi tungkol sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw sa kanyang pagiging single ngayon ang morenang singer-actress.

Sa ngayon ay pakikipag-date lang muna raw ang ginagawa niya.

“Yes, dating…it’s fun,” ani Lovi, na napapabalitang “exclusively dating” kay Jake Cuenca, isang Kapamilya actor at kapwa Bench endorser.

Bukod sa Kama, tampok din sa Benchingko Films ang:


Perya ni Piolo Pascual;


Horse Power ni Coco Martin;


Star Teacher ni Lucy Torres-Gomez;


Kontrabida 101 ni Bella Flores;

at 25Bens, kunsaan bida ang mismong founder at CEO ng Bench na si Ben Chan.

Mapapanood din ang Benchingko Films online sa pamamagitan ng pagdalaw sa Bench website na www.benchtm.com/benchingko at sa kanilang YouTube account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN