“The Acoustic Kid from Cebu” Lukas Enrique Magallano is Promil i-Shine Talent Camp grand winner

“I’ll be the most popular kid in the whole Visayas!” declares Grand i-Shiner Lukas Enrique “The Acoustic Kid from Cebu” Magallano.


Ang pitong-taong-gulang na si Lukas Enrique Magallano, na taga-Cebu, ang nanalo sa ABS-CBN talent search na Promil i-Shine Talent Camp.

Si Lukas ang kauna-unahang Grand i-Shiner.

Tinalo niya ang 11 pang finalists, na sinala mula sa naunang 50 applicants sa show.

Nagsimula ang i-Shine talent search nung Mayo, at sumailalim ang mga nasalang na 12 finalists sa iba’t ibang workshop.

Pinamahalaan ang anim na linggong workshop nina Karylle para sa singing, John Prats para sa dancing, Luis Manzano para sa hosting, at ang mag-amang director na sina Edgar “Bobot” Mortiz at Frasco Mortiz para sa acting.

Kahapon ng umaga, July 28, sa Studio 10 ng ABS-CBN ginanap ang grand finals.

Nanalo si Lukas ng P500,000, one year supply ng Promil Pre-School milk, at isang talent management contract sa Star Magic.

Si Lukas na rin ang magiging ambassador ng nabanggit na milk brand.

Pero bukod sa mga napanalunan ni Lukas kahapon, hindi maitatanggi na ang mga natutunan niya sa mga mentors ng show ay maituturing na rin niyang premyo.

Nang tanungin nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lukas kung ano ang mga ginawa niya sa i-Shine, mabilis nitong sagot: “I sing, dance, act, and host here.

“And this is my first day to be an idol!”

Hindi pa masyadong marunong mag-Tagalog si Lukas dahil tubong-Cebu. Nakikipag-usap na lang ito sa pamamagitan ng wikang Inggles.

Pero ani Lukas, nag-aaral na raw siyang mag-Tagalog.

Ano naman ang pakiramdam na maging kauna-unahang Grand i-Shiner?

“I’m very happy!

“When I won the i-Shine Talent Camp [title], I feel happy…with joy.

“And I get to win prize money!” masaya pa nitong pahayag.

Mabilis na, “Yes!” ang sagot ni Lukas nang tanungin ng PEP kung inaasahan ba niyang siya nga ang mananalo.

“I expect to be the winner. I’ll be the most popular kid in the whole Visayas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If I’ll be popular, all the people will like me, and I’ll be getting rich!”

Katulad daw ng idol niyang si Justin Bieber.

Ang Canadian singer daw talaga ang idol ni Lukas, ayon sa mga magulang niyang sina Maria Cristina at Luther Magallano. Hindi raw kasi nakakapanood pa ng local shows si Lukas kaya wala pa itong halos kilalang lokal na artista.

Tuwing weekends lang daw nakakapanood ng telebisyon si Lukas, pagkatapos nitong gawin ang mga aralin mula sa Abba’s Orchard Maria Montessori School sa Cebu.

At dahil weekends lang siya nakakapanood ng TV, isa sa paborito niyang local shows ay ang kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

“Well, I like ABS-CBN because I like Goin’ Bulilit, and Goin’ Bulilit is so funny!” aniya pa.

KARYLLE IS AN ANGEL. Sa lahat naman ng mga naging mentors niya, ang singer-actress / TV host na si Karylle ang kanyang pinakagusto.

“I like Teacher Karylle.

“Teacher Karylle is good. I like her singing, acting, dancing, and hosting.

“I like teacher Karylle because she sings very well. Like an angel singing.”

Ano naman ang gagawin niya sa napanalunang P500,000?

“I’m going to earn, save, spend, and donate it. I’m going to save it by keeping my money in a safe place and earn more,” paniniguro ni Lukas.

Wala ba siyang gustong bilhin?

“Well, a real bowling pin. Not a toy bowling pin but a real one, and I’m going to have a business.”

DREAM BIG, SAYS MOM. Matataas na pangarap agad ang gustong matupad ni Lukas. Turo raw iyon ng mommy niyang si Cristina.

Ayon kay Mommy Cristina, “dream big” ang lagi niyang sinasabi sa anak.

Kaya nga raw imbes na milyon lang ang pinapangarap, bakit hindi pa raw gawing bilyon ang pangarapin?

Magiging bahagi rin daw ng Goin’ Bulilit si Lukas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-uusapan pa ng parents niya kung paano ang magiging setup, dahil sa kasalukuyan ay sa Cebu sila nakabase.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN