Jericho Rosales says about girlfriend Kim Jones: "She’s the most beautiful girl in my eyes."

Jericho Rosales enumerates what he loves about girlfriend Kim Jones: "Sporty. We share the same faith, of course. She’s very down-to-earth. She loves talking to people. She loves to learn. She loves to travel. Basically, everything that I love…She loves music. She loves watching movies, like me. She loves surfing and soccer, like me. She loves me. I’ve never felt so loved."


December last year nang unang aminin ni Jericho Rosales na isang half-British half-Filipino ang kanyang bagong girlfriend, na hindi pa niya pinangalanan noon.

Pebrero naman nang unti-unti siyang nagbigay ng clue tungkol sa identity nito.

"I’ll give you a little clue. She’s in the business din, but not an artista.

“[She’s] 24 years old.”

"Host siya sa ETC, ng isang fashion lifestyle show called Etcetera,” paglalahad ni Echo noon.

Kahit pa giveaway na ang clue na ito, hindi pa rin binabanggit ni Jericho ang pangalan ng kasintahan, hanggang noong March 4, sa interview niya sa The Buzz.

Dito na niya opisyal na ipinakilala si Kim Jones, isang Half-British Pinay na lumaki sa Australia.

Unang nakitang magkasama sa publiko sina Jericho at Kim noong March 14 sa MYX Music Awards na ginanap sa Music Museum.

Nakita rin sila sa lamay para kay Dolphy, ang yumaong King of Comedy.

Sa ekslusibong panayam naman ng PEP.ph kay Jericho kahapon, July 28, tinanong namin kung gaano katagal na ang relasyon nila.

Si Kim ang tinanong ni Echo, “Babe, how long have we been together?"

Tapos, pagbaling ni Echo sa amin, sabi nito, “Almost a year now. One year na.”

“No!” angal ni Kim, dahil hindi pa raw sila umaabot ng isang taon.

Paliwanag naman ni Echo, “We’ve known each other for more than a year. October, last year.”

Oktubre 2011 nga raw noong, officially, pumasok sila ni Kim into a relationship.

What does he like most about Kim?

“Kasi si Kim, she’s very… She’s the most beautiful girl in my eyes. That’s true. Really."

Pagpapatuloy niya sa mga katangian ng kasintahan: "Sporty. We share the same faith, of course.

"She’s very down-to-earth. She loves talking to people.

"She loves to learn. She loves to travel. Basically, everything that I love…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She loves music. She loves watching movies, like me. She loves surfing and soccer, like me.

"She loves me. I’ve never felt so loved.

“She just inspires me…you know, to be better pa…just to get better every day at everything I do.

"And she always pushes me to…she reminds me of what I am and what I’m here for. Ganun siya.

“And she also has a kind heart and a good brain, siyempre…very intelligent. Sobrang intelligent and 20/20 vision.

"So, tuwing feeling ko, pag hindi ko na mabasa yung ibang bagay...” kuwento niya, si Kim daw ang pinapabasa niya.

Dahil wala namang perfect relationship, naitanong namin kung ano ang mga bagay na madalas nilang pag-awayan.

“Just basically about me being late. Or sometimes when I make her wait…

"Hindi ko naman sinasadya but…yeah. So, I’ve changed. Don’t make girls wait. That’s the lesson!” bawi ni Echo.

Ano naman ang pinaka-sweet na bagay na ginawa ni Kim para sa kanya?

“She made me a present last Christmas and…it’s the sketch of two of us…siya gumawa. She gave it to me, she painted it.

“Inisketch niya muna, then she painted it. It’s the frame na kaming dalawa…hand-made by her,” kwento ni Echo, na mukhang lubos na na-touch sa regalong natanggap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN