Chris Tan on wife Sherilyn Reyes: “I think I’m very lucky. I’m very blessed na nahanap ko siya.”

"Sabi ko nga sa kanya the other day, ‘We’re starting our next decade. Kasi, tapos na tayo sa first decade.’ Kaya magsisimula na kami ng next decade," says Chris Tan about wife Sherilyn Tan, partly hidden by their son Quirsten (foreground). Also in the photo is their daughter Anya Sabrina.


Dalawang function room ng St. Francis Shangri-La Place ang pinagdausan ng first birthday party ni Anya Sabrina, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Sherilyn Reyes at Chris Tan.

Isang bonggang Hello Kitty theme party ang ibinigay ng mag-asawa para sa kanilang unica hija, kahapon, July 28.

Pinaghandaan talaga at pinagkagastusan ang birthday party ni Eia, palayaw ni Anya Sabrina.

Bukod sa magandang production design sa venue at mga toy prizes, personalized loot bags, at party performers, napakarami ring kiddie booths at food booths na inihanda sina Sherilyn at Chris para sa kanilang mga bisita.

Dumating halos lahat ng mga celebrity ninong at ninang ni Eia, tulad nina Angelu de Leon, Carlene Aguilar na kasama ang buong pamilya, Isabel Oli, Phil Younghusband, Rita Avila, Sunshine Cruz, at Regine Velasquez.

Si Chris, isang dating Philippine Basketball Association (PBA) player, ang unang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi ni Chris, madalas na siya ang hands-on sa pagpe-prepara ng mga parties at mga surpresa parasa pamilya nila.

Pero sa pagkakataon daw na ito, hinayaan niyang ang misis na si Sherilyn ang maging punong-abala para sa birthday ng kanilang anak.

“Si Shey [palayaw ni Sherilyn] lang lahat, e. Hindi ako nakialam ngayon.

“Donation ko lang talaga is Pink Berry. Kasi, she said, she wanted to go all-out, kasi first girl namin.

“Hindi kasi ako masyado into big parties.

“Unang-una, ayoko ng paikut-ikot ka. So, sabi ko, sige, bahala ka.

“Tapos sabi niya, ano raw ang gagawin ko? Sabi ko, akin na ang Pink Berry.

“For the first time, ang event namin, siya talaga. Hindi ko siya pinakialaman,” simula ng dating basketbolista, na ngayon ay may-ari na ng 1TWO17 Production and Management Services.

Ang maganda pa raw sa paglipat kay Shey ng responsibilidad, hindi na-stress si Chris sa party na ito.

DIFFERENT FEELING FOR BABY GIRL. Masaya naman si Chris sa pagkakaroon ng anak na babae. Ibang-iba raw pala ang pakiramdam na may baby girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron na kasi silang dalawang anak na lalaki, sina Paolo, 13, at Quirsten, 9.

Sabi ni Chris, “I never thought it’s gonna be this good.

“Sabi ko nga kay Shey, yung dalawa kong anak, mahal ko sila. Even noong baby pa sila, mahal ko.

“Pero ito [Eia], iba ang attachment ko sa kanya. Ewan ko kung bakit, hindi ko talaga alam. Hindi ko rin alam kung dahil babae lang.

“Hindi nga kami makabiyahe.

“Two weeks ago, booked kami for Hongkong. Pero sabi ko kay Shey, huwag na lang tayong umalis.

“Nag-U.S. kami nung February. So, nagpakabit ako ng CCTV [Closed-Circuit Television camera] sa bahay para makikita namin siya anywhere.

“Parang ang hirap umalis. Unlike before, kapag gusto naming umalis, aalis lang kami.

“Sasabihin namin sa dalawa [Paolo at Quirsten], ‘Let’s go!’ Sila na ang magpa-pack. Pero ngayon, iba, e,” pahayag ni Chris.

GETTING READY FOR THEIR WEDDING. Ngunit kahit daw nandiyan na si Eia, para kay Chris, si Sherilyn pa rin ang pinaka-priority niya.

“Siya pa rin…siya pa rin,” aniya.

Kung hindi man in-charge si Chris sa first birthday party ng anak na babae, siya naman ang in-charge sa church wedding preparation nila ni Sherilyn sa December.

Civil wedding kasi ang nangyari sa kanila nung 2003.

Hindi rin agad sila nakapagpakasal, dahil bago sila nagkakilala ay pareho silang kasal sa ibang tao.

Nung December 2008 na-grant ang church annulment ni Shey, habang si Chris ay November 2011 naman nakakuha ng annulment.

“Yung sa wedding, ang usapan talaga namin…siya ang pumili sa wedding gown.

“Sa makeup artist, ako ang pumili. Si Juan Sarte. Siyempre, bakit mo naman aayawan si Juan, di ba?

“Ngayon, alam na niya ang venue, reception. Pero yung flow, hindi pa.”

Biro ng PEP kay Chris, posible kayang masayang ang makeup ni Sherilyn sa paglakad nito sa aisle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas malamang kasi na iyak nang iyak ito patungo sa altar.

Sagot na pabiro ni Chris, “Tingin ko, masasayang ang makeup ko!

“Honestly, it’s a dream of mine to see her walk the aisle. Na tinitingnan ko talaga siya.

“Di ba, ang daming movies na napapanood, at sabi ko, ’Kailan kaya kami?’

“And it’s long overdue! And I really feel, she’s a woman that really deserves that kind [of wedding].

“Di ba, palagi ngang sinasabi na ang coronation ng babae, yung wedding? And, I really think, she deserves it.

“As a woman, as a person, as a mother, as a wife, wala na akong masabi.

“So, I really want to give that to her talaga.”

A PERFECT HUSBAND AND FATHER? Diretsuhang sinabi ng PEP kay Chris na tila napaka-perpekto niyang asawa at ama.

Nahiya naman ito sa hayagang papuri sa kanya.

“Hindi, hindi…

“Ang dami ngang nagsasabi na ang ganda raw ng samahan namin.

“But I always say, ako, individually, I’m nothing.

“Shey, individually is nothing.

"Pero kami, pag kami, ok kami, e.

“So, once you find that soulmate, iba talaga,” may ngiti sa mga matang sabi ng dating cager.

“Di ba, palagi nating sinasabi na ’girlfriend ko, asawa ko.’

“Pero iba pa rin kapag sinabi mong soulmate mo.

“Ramdam naman natin yun, parang perfectly made.

“I think I’m very lucky. I’m very blessed na nahanap ko siya.”

Sa loob ng 11 taon nilang pagsasama, masasabi raw nilang pareho silang excited harapin pa ang mga susunod na taon na magkasama pa rin.

“Sabi ko nga sa kanya the other day, ‘We’re starting our next decade. Kasi, tapos na tayo sa first decade.’ Kaya magsisimula na kami ng next decade.”

GRATEFUL TO GMA-7. Kahit na may events and management business sila ni Sherilyn, wala naman daw problema kay Chris kung tumatanggap pa rin ng acting assignments ang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napag-usapan namin na basta may offer na ok, lalo na sa GMA, we really can’t say no to GMA.

“They’ve been great kay Shey.

“Ilan ba naman ang bumalik, nanganak, bumalik, nanganak ulit, tapos bumalik ulit?

“Tapos, yung mga ’binibigay na roles sa kanya, magaganda! So, we can’t say no to blessings.

“As much as possible, control lang.

“Like after this Daddy Dearest [pre-primetime series ng GMA-7], pahinga muna.

"Then alis muna kami for a while, then kapag may show, ok. Kapag wala, ok lang din.

“Hindi naman kami nag-e-aim nang sobra na kailangan, sobrang yaman.

“Ang sa amin, we just enjoyed what we have, so thankful na kami roon.”

BIRTHDAY WISH FOR EIA. Para sa birthday girl nila na si Eia, ano ang wish niya rito?

“All the best and, modesty aside, I hope she’ll find the right person in life.

“Kung tutuusin mo, yun naman talaga ang dream ng parents.

“For her to find the right person, na sana she doesn’t go through what we had to go through to find each other.

“Sana kung makita niya yun, iyon na yun!

“Pero, siyempre, heartache, hindi mo naman maaalis yun. Pero sana, ako, kayanin ko,” sabi ni Chris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN