Sherilyn Reyes’s wish for daughter Anya Sabrina’s first birthday: “Sana hindi niya mapagdaanan ang mga pinagdaanan ko."

“Siyempre, bilang magulang, kung puwedeng huwag masaktan ang anak mo, di ba? But then, paano naman sila matututo sa buhay kung hindi mo sila pababayaan?” says Sherilyn Reyes on her birthday wish for daughter Anya Sabrina.


Punong-abala sa first birthday celebration ng anak na babae nila ni Chris Tan ang aktres na si Sherilyn Reyes.

Ani Shey (palayaw ni Sherilyn), kahit na may kinuha na silang organizer ng birthday party ng anak nilang si Anya Sabrina o Eia, sila pa rin ni Chris ang nag-asikaso ng ilang bagay.

“Actually, napaka-O.C. niya [Chris]. Kumuha na nga kami ng party organizer, nagpunta pa rin kami para sa ingress. Kasi nga, nag-i-event kami.”

May sariling events productions and management agency sina Sherilyn at Chris, ang 1TWO17 Production and Management Services.

Hands-on at talagang involved sa pagha-handle ng events ang mag-asawa. Pero sa kuwento ni Sherilyn, mas “O.C.” (obsessive-compulsive) o mas mabusisi sa kanya ang asawang si Chris.

“Nandito kami kaninang umaga at dahil may ibang suppliers na wala pa, gusto niyang bumalik nang mas maaga pa,” patuloy na kuwento ni Sherilyn sa PEP, sa birthday party mismo ni Eia.

Ginanap ito sa dalawang function rooms ng St. Francis Shangri-La Place, nung Sabado, July 28.

“Sabi ko, ‘Alam mo, nagbayad tayo ng party organizer para sila na ang mag-ano niyan. May sakit pa ’ko, puyat pa ’ko dahil nag-taping ako ng My Daddy Dearest kahapon, so, gusto ko, dumating na lang ako,’” sabi raw niya kay Chris.

PREPARATIONS FOR THE PARTY. Six months ago pa raw, nakipag-meeting na si Sherilyn sa party organizer para sa first birthday party ni Eia.

“Yung party organizer, Kidstarkastle, [yung may-ari] schoolmate ko sa high school sa Cebu. So, palagi kaming nagko-communicate.

“’Tapos sabi ko, ngayon lang naman kami magpa-party nang ganito. So, siya na ang kinuha ko kasi, friend ko naman siya.

“’Tapos, yun, na-excite ako. Yung invitation, yung ad works…Kasi, ang tagal na sila ang gumagawa ng invitation ko at give-aways. Sa kanila ko inoorder.

“Nakakatuwa rin…kasi sa Instagram, nag-post ako ng mga pictures, talagang sine-share ko sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Instagram, yung Instamug, na-touch ako sa kanila kasi, nagbigay ng numbers of mug na talagang dinesign [design] nila kay Eia.”

Hiwalay na kumpanya ang local na Instamug at ang U.S.-based Instagram.

Ang Instagram ay nagmula nung 2010 bilang isang photo-sharing program na nagkaroon ng sariling social networking site. Ginagamit ito ng mga taong naka-iPhone, iPad, iPod Touch, at naka-Android camera phones na may Instagram program.

Habang ang Instamug naman ay isang Quezon City-based company na nagbebenta ng mga coffee mugs na may photos mula sa Instagram accounts ng mga gustong um-order sa kanila.

Patuloy na kuwento ni Shey, “Galing Bataan pa. They came all the way from Bataan para i-deliver. Hinayang na hinayang ako kasi nasa Tagaytay ako nagti-taping.

“Gusto ko sana magpasalamat in person, kaso, one o’clock in the morning na yata ako nakarating.

“May ninang na nagpadala ng gift sa Italy na pinabitbit sa neighbor.

“Yung mga balloons naman, in-order-an ko ng 20 balloons sa States. Ninety-eight ang binili niya [Chris].

"So, talagang sabi ko, ‘Wow, talaga namang na-excite siya ng kaka-click sa order.’ Ito yung mga foil balloons na Hello Kitty. Kaya yung mga hindi magagamit, ibibigay ko na lang sa pamangkin niya.”

KIDDIE DREAM. Biro ng PEP kay Sherilyn, mukhang childhood dream niya ang ginawang birthday party sa anak.

“E, kasi, hindi naman ganito ang mga parties natin dati, di ba?

“Naaalala ko sa Moms, binigyan din nila ako ng parang kiddie party sa birthday ko, kasi gustung-gusto ko talaga ng kiddie party,” pagbabalik-alaala ni Sherilyn.

Ang Moms ay ang QTV-11 talk show nina Sherilyn, Manilyn Reynes, at Lani Mercado noong 2005 hanggang 2009.

“Tapos, itong PinkBox salon, galing kay Carmina [Villarroel] kasi ninang siya, ’di ba?”

Si Carmina at ang anak nitong si Cassy ay endorsers ng fashion accessories store na PinkBox.

“Si Chris, ni-request niya lang talaga ang Pinkberry [frozen yogurt]. Yun ang pinagkaabalahan niya. Everything else, ako na,” sabi pa ni Sherilyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHY HELLO KITTY. May kwento rin ang My Daddy Dearest star kung bakit Hello Kitty ang theme na napili nila.

“Meron akong fan na naging friend ko na na-meet ko sa Japan. Nagdapala siya sa akin ng isang box na Hello Kitty, na hanggang four years old si Eia, meron siyang damit. Lahat, kung anu-ano.

“Kaya sabi ko, definitely, Hello Kitty baby siya, bukod pa sa gusto ko ng Hello Kitty!”

Natutuwa si Sherilyn dahil mukhang aware raw ang anak nila na special day niya noong Sabado.

“Mukhang alam niya. Kasi usually, nagwa-warm-up sa tao. Umiiyak pa nga kapag nagugulat.

“Pero ngayon, mukhang feel na feel niyang birthday niya,” natatawang kuwento ni Shey.

RULES BEND FOR EIA. Prinsesang-prinsesa raw ito sa kanila.

“Prinsesa talaga siya. Even yung rules namin sa bahay, medyo nagbe-bend kapag sa kanya.

“Kasi yung tatay na nag-set ng rules, siya mismo ang bumabali ng rules.

“Siyempre, kapag may bawal, kapag hindi puwede, hindi puwede.

“Pero kapag kay Eia, kahit hindi puwede…ay, sige, puwede na lang.

“Although, baby pa naman…kailan mo sasanayin yan?” tanong niya raw kay Chris, na talagang tila ini-spoil ang bunso at nag-iisa nilang anak na babae.

Ngayong tapos na raw ang first birthday party ni Eia, ang kasal naman nila ni Chris sa simbahan ang aasikasuhin raw nila.

Sa December 10 nakatakda ang kasal nila. Although, may big event din daw kasi silang inaasikaso.

BIRTHDAY WISH FOR EIA. Sa huli, tinanong ng PEP kay Shey kung ano naman ang birthday wish niya sa bunsong anak.

Natatawang sabi niya, “Ang wish ko, sana hindi niya mapagdaanan ang mga pinagdaanan ko.

"Siyempre, bilang magulang, kung puwedeng huwag masaktan ang anak mo, di ba?

“But then, paano naman sila matututo sa buhay kung hindi mo sila pababayaan?

“Ang sa akin lang, sana makatapos siya ng pag-aaral, o kung hindi man, she finds something na worth it na ipagpalit ang pag-aaral niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like kaming mag-asawa, hindi man kami nakatapos, pero mga go-getter kami.

“Sana maging maganda rin ang buhay niya at ma-sustain niya ang buhay na ’binibigay namin sa kanya ngayon.

“Mas mahirap yung iba ang nakasanayan mo sa magiging buhay mo paglaki.

“At kung puwede, yung mga pagkakamali niya, mas konti sa mga pagkakamali ko.

“Simple lang naman ang gusto ko sa mga anak ko, lalo na kay Eia,” hiling pa ni Sherilyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN