Part 2. Isko Moreno on running for senator after being vice mayor of Manila: “Kung ako naman, e, sa tingin ng Pilipino, pupuwede, e, bakit naman hindi?”

Isko Moreno says he is honored to be the running mate of former president Joseph "Erap" Estrada: “Well, it’s an honor. It is an honor to be a running mate of a former president of the country, malaking bagay yun.”


Sa patuloy na pahayag ni Vice Mayor Isko Moreno sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkuwento ito tungkol sa pagtakbo niya bilang bise alkalde ulit ng Maynila.

Sa susunod na eleksyon, ka-tandem ni Vice Mayor Isko si former President Joseph ‘Erap’ Estrada, na tatakbong mayor.

Pinabulaanan ni Isko ang mga espekyulasyong siya ang tatakbo bilang mayor.

“Now going back to that argument, if I’m really interested in the mayorship, and this is what I call mathematical computation— mathematically speaking or mathematically, practical for me.

“What is practical for me sa career ko is just to wait. Why?

“The incumbent mayor has two terms, I have two terms.

“Kung kami’y magsasama [ni Manila Mayor Alfredo Lim], 2016 wala na siya. Hopefully, ako na, di ba?

“Pero joining President Erap, it is mathematically impractical for me.

“Why? For political reasons, ha? It is mathematically impractical for me, why?

“Pag, awa ng Diyos nanalo ako for my third term, and our law speaks of three consecutive terms, you have to stop, or you go up or you go down—that’s our law.

“Now, by 2016 tapos na ako. Sa 2016, second term pa lang si President Erap, so tapos na yung career ko. Tama ba ako?

“Ano na ako, dead on the river! But see, my point is that I have to set aside my personal interest, personal privileges, my career.

“I put my career at stake, see?"

LEADERSHIP CHANGE. Sa pagtakbo niya bilang mayor, ibig lang daw niyang magkaroon ng pagbabago sa liderato ng siyudad.

“Why am I doing that? Because I believe, I mean my principle, and I believe that we need to put somebody there new, di ba?

“Bago naman, maiba naman.

“So it is nothing personal, that’s nothing personal against the administration.

“Kaya lamang, dala ng mga… siguro iba ang interes nila sa paggo-gobyerno, ayaw nilang umalis dahil siguro masarap ang mantika, which is I don’t know… nakakalungkot.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mantika?

“Privileges, privileges.

“Nakakalungkot, but sometimes leaders should know when to stop... Leaders should know.

“At all sectors, ha? Sometimes you should know when to stop.

“If you wanna do something better, you should know also when to stop and give it to somebody else.

“Hindi dahil sa mas mahina ka sa akin, na mas malakas ako, mas marami akong idea… Bakit, hindi naman tayo pareho ng utak, e.

“So, iyon yung point ko kaya kung bakit siguro it’s time to choose a new leader."

POLITICAL DECISION. Bakit hindi siya tumakbong mayor?

“Hindi pa ako ready.”

“Manila is so diverse with regards to demographics, so many problems at all levels: economics, financial, development and even the surroundings itself.

“Kailangan mo diyan ng isang beterano.”

Hindi ba niya kaya?

“Well, tingin ko there will be time for everything, for me. All you have to do is to be patient, di ba?

“Meron man akong mga bagay na gustong gawin, baka hindi ko rin makuha. Why?

“Unlike in the case of President Erap, who used to be the President, who has so many connections from the national government, that we can utilize resources of the national government.

“What are those, for example? I’ll give a very specific resource that we can tap if President Erap will be elected as mayor.

“The president of PDP-Laban, the leadership of PDP-Laban is the Vice President [Vice President Jejomar Binay]...

“Which at the same time, being the vice-president he is also the chairman of HUDC, Housing Urban Development Council.

“Under that, there is Pag-IBIG, NHA, Home Mortgage... and one of the main problems of the city is housing.

“The informal settlers along the roads, highways, bangketa, under the bridge and open public lands na tinirhan na ng tao.

“Which is... sino yun? Ako yun mismo for that matter, isa ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So tingin ko isang problema namin iyon na magandang masolusyunan sa pagkatao ni President Erap.

“Kasi in the first place magkaibigan sila ni Vice President Jejomar Binay.

“And he has the knowledge of running a country for two years."

LEADERSHIP FACTORS. Ikinumpara ng vice mayor ang accomplishments ni Presidente Erap sa mga ibang nanungkulan.

Sabi niya, “Remember and check your records, for two years during the time of the leadership of President Erap, check your records...

“Wala kang nakitang tumaas ang kuryente, wala kang nakikitang tumaas ang tubig, wala kang makikita na tumaas ang LRT.

“And in fact baligtad, ha? Ang LRT nung panahon ni President Erap, bumaba.

“So lahat ito mababa. These are basic utilities na kailangan ng mga tao, kaya doon mo makikita yung sense of leadership, may malasakit sa kapwa.

“And if we talk of those things, we are talking of mayaman, mahirap, middle-class.

“Ikaw may kuryente, hindi ka naman mahirap. May tubig kang binabayaran, pero hindi ka mahirap.

“Minsan sumasakay ka ng public utility vehicle, pero hindi ka rin mahirap. Ganun din yung mahirap, ganun din yung mayaman.

“So, doon mo makikita yung sense of leadership, yung tunay na malasakit sa tao.

“So that’s what I saw in President Erap, and I think we need those types of leadership.

“In my personal belief, we need those types of leadership, yung may tunay na may malasakit sa tao.”

PRESSURE. May pressure ba na ang ka-tandem niya ay isang dating pangulo ng Pilipinas?

“In a way, yes! Well, it’s an honor. It is an honor to be a running mate of a former President of the country, malaking bagay yun.

“Hindi lahat nagiging presidente, mabibilang mo sa daliri ng kamay at paa natin ang naging presidente ng bansa.

“And running with him is quite a challenge simply because marami siyang ideas pag nagkukuwentuhan kami, na minsan… iyon yung sinasabi ko sa ’yo na hindi pa ako handa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga bagay pa ako na hindi nakikita na, ‘Oo nga ano?’ Napapa-oo nga ka.”

“Because these people, or in the case of President Erap, who used to be the mayor for 17 years of San Juan, na which used to be nothing.

“San Juan is just parang barangay lang ng Metro Manila, but look at San Juan now.

“Number two in the list, out of sixteen; number two out of the thirty-eight in the entire country. See?

“Yes number two, number one is Valenzuela. See?

“Do I make sense now? I think I am making sense, di ba? Kasi iyon yung tipo na minsan, ‘Ah nakakataba naman ng puso, ka-tandem niya ako!’"

L.A. ENCOUNTER. Naabutan si Vice Mayor Isko sa Los Angeles. Ano ang ginawa niya roon?

“Nagpahinga lang ako saglit, nandito ako since last week. Nag-ano lang ako, may mga kinausap akong mga Filipino community.

“Wala naman, bonding-bonding lang, ‘Kumusta kayo?’

“Yung mga ibang kilala namin na taga-Maynila, pinasyalan ko.”

May specific purpose ba siya sa pagdalaw sa mga Pinoy sa LA?

“Wala naman, bonding lang naman iyon,” ang natatawang sinabi pa ng vice mayor.

AGE DOESN’T MATTER. Hindi kaya pagkatapos ng term ni Isko bilang vice mayor ay lumundag na siya patakbong senador?

“Kung ako naman, e, sa tingin ng Pilipino, pupuwede, e, bakit naman hindi?

“Sapagkat ang kwalipikasyon naman ay ika’y Filipino national, can read and write, and you must be thirty-five years old at the very minimum, and I am now 37.

“And a natural-born Filipino, because in a national office you must be a natural-born, in a local elective office at the very least naturalized.

“Puwede iyon, pero in a national office, kailangan natural-born. So iyan lang naman ang kwalipikasyon.”

VINDICATED. Natanong naman ng PEP si Vice Mayor Isko tungkol sa mga artistang nasa pulitika, na nasasangkot rin sa intriga at kontrobersiya, tulad ni Quezon City councilor Roderick Paulate…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, talagang kaming mga artista…

“Noong araw binaboy din naman ako, malungkot ang mga pangyayari sa buhay naming mga artista na nasa gobyerno.

“Mainit ang mata sa amin dala ng interes ng iba.

“We might be suffering the same thing, it is not new to us. Later on, that there will be some batikos o paninira...

“Pero, ang maganda kasi dito, ang naninira yung kalaban mong pulitiko.

“At the end of the day, awa naman ng Diyos, kahit binaboy nila ako nung mga nakaraang eleksyon...

“Nilagyan pa nila ako ng poster na naka-brief and so on and so forth.

“E, pinahalagahan pa rin ng mga taga-lungsod ng Maynila yung mga panahon na inukol ko sa opisina, paglilingkod sa kanila at sa trabaho ko.

“So iyon lang, nakakatuwa lang na immediately after the election, parang you feel relieved, nare-relieved ka na vindicated ka.

“People will just not believe in this type of mockery or lambasting or paninira lang talaga.

“Look at President Erap, plunder ang finile [filed] sa kanya ng kalaban niya sa pulitika...

“Only to find out later on, come 2010 election, he got 11 million votes, second to the winning president.

“If President Noynoy Aquino hindi tumakbo, malamang siya ulit ang Presidente natin. And that is a show of vindication.

“At the end of the day, the people will decide on our faith, nasa taumbayan kung kami ay talagang pahinga na o sige pa.

“Ganun lamang, and I believe in that. Kahit na anong paninira sa iyo, hindi ’yan tatalab.

“Dahil kung ang nagsasalita niyan pulitiko lalo na trapo, yung matatanda na sa pulitika, e, hindi masyadong pinakikinggan ng mga tao ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN