Phil Younghusband returns from London after meeting with Chelsea Football Club

Masayang ibinalita ni Phil Younghusband na tuloy na tuloy na ang pagtatayo ng Chelsea FC Soccer School sa Pilipinas. Ito ay bahagi ng international expansion na ginagawa ng Chelsea Football Club ng England, kung saan nag-aral noon sina Phil at kapatid na si James Younghusband.


Nakabalik na sa bansa ang Azkals football player na si Phil Younghusband mula sa kanyang biyahe sa London, England, kamakailan.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, July 28, sa birthday party ng anak ni Sherilyn Reyes, nagkuwento si Phil tungkol sa mga ginawa niya roon sa loob ng dalawang linggo.

Aniya, “I was there to meet with the Chelsea Football Club because they’re going to put up a Chelsea football school here in the Philippines.

“We had a meeting with Chelsea about the plans for the school, and I also had to sort out some personal things over there.”

CHELSEA FC SOCCER SCHOOL PHILIPPINES. Noong May 15, sa pagtatapos ng summer camp ng Younghusband Football Academy sa SM Mall of Asia, pormal na inanunsiyo ni Phil, at ng kapatid na si James Younghusband, ang pagtatayo ng Chelsea Soccer School sa Pilipinas.

Matagal nang pangarap ng magkapatid na makapagtayo ng isang formal football school sa bansa tulad ng Chelsea Football Academy sa England, kung saan sila nag-aral noon.

Ayon kay Phil, “Before football became popular [in the Philippines], to get Chelsea to invest in the Philippines, they would charge a lot of money.

“But now they’ve approached us with an interest to start a school, and it shows how far football has come along in the Philippines.”

Layunin umano ng paaralan na mabigyan ng formal training ang mga kabataang nais maging professional football players.

“It’s about creating more opportunities for kids, for the youngsters. One of the things in the Philippines, sometimes, is there is a lack of opportunity.

“As I said before [in other interviews], me and my brother played 60-70 games per year in England.

"But here in the Philippines, they only play 15-20 games a year, so we’re trying to create as many opportunities [to play].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, with Chelsea, they could beef up the quality of coaches they bring, being the high level club that they are.

“It will give the kids the chance to become better football players.”

Dagdag pa ni Phil, layunin din ng paaralang makapag-produce ng mahuhusay na manlalaro na isasabak sa malalaking international football tournaments sa mundo.

Pinag-aaralan pa sa ngayon kung saan itatayo ang paaralan.

Ito ay magiging ikatlong remote campus ng Chelsea Football Academy sa Asia. Ang dalawa pa ay matatagpuan sa Hong Kong at Malaysia.

AZKALS IN 2016 OLYMPICS? Samantala, nanghinayang si Phil na hindi niya naabutan ang simula ng 2012 Summer Olympics nang siya’y nasa London.

Nakabalik kasi siya sa Pilipinas isang araw bago ng opening ceremonies na ginanap sa Olympic Park, Stratford, England, noong July 27 (July 28 sa Pilipinas).

Para sa isang atleta gaya ni Phil, isang karangalan ang makatuntong sa Olympic stadium at iwagayway ang bandera ng Pilipinas.

Isa raw ito sa mga pangarap niya, na sana’y mabigyang katuparan sa susunod na Olympic games.

“I hope so!” sagot ni Phil nang tanungin ng PEP kung may chance bang mapanood ng mamamayan ang Azkals sa Olympics.

“I mean, last time we didn’t enter, so hopefully next year—I think the qualifier is next year—hopefully, we’ll be entered and we can be there in the next Olympics in 2016 in Brazil.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN