Alice Dixson "tired" of answering questions on rumored separation from husband Ronnie Miranda

Simula nang bumalik sa showbiz si Alice Dixson noong 2011 ay hindi na siya napahinga sa trabaho. Kaya sabi ng aktres, sa susunod na taon ay sisiguraduhin niyang makakapagpahinga siya.


Nag-enjoy si Alice Dixson sa pagiging contestant sa “Pitong Pares” segment ng Game ‘N Go kahapon, July 29.

Kasama niyang naglaro ang kanyang co-stars sa Enchanted Garden, na sina BB Gandanghari, Gladys Reyes, at Alex Gonzaga.

Panay ang tawa ni Alex kahit nakakaramdam ng tensiyon tuwing naga-ground siya kapag mali ang naisasagot sa tanong.

Pagkatapos ng laro, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumustahin si Alice tungkol sa pag-celebrate ng kanyang birthday noong Friday, July 27.

“It was good. Quiet lang. Very, very solemn, kumbaga!” sabay tawa ng 43-year-old actress.

“Actually, I didn’t celebrate. Kasi nag-taping kami [for Enchanted Garden] no’ng Friday. Inabot kami ng midnight.

“So they surprised me. The cast and the production, they surprised me with cake, and kinantahan nila ako nung matapos yung last scene namin.”

Ano ang special birthday gift na natanggap niya?

“Well, I got flowers siyempre. And I got a lot of… ang pinaka-special sa akin were the cards that came.”

Galing Canada? Mula sa kanyang asawa na si Ronnie Miranda?

Tumawa nang malakas si Alice at sinabing, “Next question, please!”

Nagtaka kami sa reaksiyon ni Alice kaya tinanong namin kung hiwalay na ba sila ng asawa.

“No! C’mon! Of course naman there’s ano… that’s a silly question. Next question, please?” tawa ulit niya.

Binati ba siya ng mister sa kanyang kaarawan?

“Of course! Oo naman. Tinatanong pa ba ‘yon?”

Kailan ba sila huling nagkita?

“Nagkita kami nung… kailan ba ako umuwi [sa Canada]? Last month and a half ago.

“Oo, bago kami nag-start ng taping for Enchanted Garden, nando’n ako.”

SEPARATION RUMOR. Matagal nang usap-usapang hiwalay na diumano si Alice sa kanyang mister, kaya sunud-sunod na ang projects ng aktres sa Pilipinas.

Sa Canada naka-base si Ronnie, isang businessman.

Ano ba ang kanyang nararamdaman na hanggang ngayon ay may ganun pa ring intriga kahit maraming beses na niyang itinanggi ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Alice, “Uhm… wala. Actually, manhid na ako sa ganyan. Matagal nang isyu ‘yon. Nung 2002 pa ‘yan.”

Hindi ba niya ikinaiirita na hindi mawala-wala ang tsismis na hiwalay na sila?

“I get tired of it. I get tired of answering the same thing over and over again.

“Pero baguhin na lang ninyo yung tanong niyo para maiba naman!” natawang biro ng beauty queen turned actress.

TAKING A BREAK. Enjoy raw si Alice ngayon sa tuluy-tuloy na pagiging active niya mula nang bumalik siya sa showbiz noong 2011.

Ikinatutuwa ng Bb. Pilipinas-International 1986 na hindi siya nawawalan ng offers.

“Yeah, and I’m very grateful that TV5 is still giving me shows.

“Pero next year, I think… hindi naman sa magla-lie low ako, pero I don’t think I’m gonna be as busy. By choice ‘yon.

“Kasi sunud-sunod ang mga projects ko this year. Wala naman talaga actually akong pahinga.

“Nagpunta ako ng Canada, weeks lang. Ang dami kong commitments na kailangan ding gampanan do’n—like with my real estate company, my relatives.

“Mahirap din yung sunud-sunod ang trabaho, di ba? Kahit sino naman.

“So I’d like to take a break for a while din,” saad niya.

Paano kung sa 2013 ay may magandang projects na namang ialok sa kanya ang TV5 o ang ibang network o movie companies?

Sagot ng aktres, “Alam mo, wala na akong mahihiling pa.

"Sa tingin ko, wala nang mas gaganda pa sa mga breaks na ibinigay sa akin.

“I did my first primetime TV drama na Babaeng Hampaslupa.

“After nito, I did my first kontrabida role, at napakaganda ng role na ‘yon opposite Lorna Tolentino, sa Glamorosa.

“And then my first afternoon soap [Isang Dakot Na Luha].

“Tapos ngayon, itong Enchanted Garden, my first fantaserye.

“I don’t know. Ano pa ba ang puwede nilang ibigay sa akin na… first pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may maisip kayo, just suggest, di ba?”

FROM RUSTOM TO BB. Isa sa co-stars ni Alice sa Enchanted Garden ay si BB Gandanghari.

Noong si Rustom Padilla pa si BB ay naging leading man niya ito sa The Jessica Alfaro Story (1995) at nagkaroon pa sila ng kissing scenes.

This time ay iba na. Naninibago ba siya na ngayon ay nagpapakababae na ang dating leading man?

“Ayun na!” natawang reaksiyon ni Alice.

“Honestly, frankly… siyempre, naninibago ako.

“Pero sa unang pagkakataon na nakasama ko siya ngayon, hindi talaga kami nakakapag-usap.

“So I’m looking forward to… yung magkuwentuhan ulit kami. Kasi right now, puro trabaho.

“I’ll let you guys know. After a few weeks, tanungin niyo na lang ulit ako.”

Sa palagay ba niya, walang magiging pagbabago sa friendship nila ngayong babae na ang imahe na gustong i-project ni Rustom, bilang si BB Gandanghari na?

“Well, one of the things na awkward for me is nagbago siya ng name, di ba?

“And ang narinig ko rin dati, sabi niya, patay na yung Rustom.

“So I know him, but I don’t know him, di ba?”

Ano ang tawag niya ngayon kay BB?

Nangiti lang si Alice. Hindi alam kung paano pa niya sasagutin ang tanong.

OTHE PROJECTS. Ang Enchanted Garden lang ba ang project na pinagkakaabalahan niya ngayon?

“I have one more shooting day sa Just One Summer sa GMA Films with Elmo Magalona. Mag-uumpisa na kaming mag-promote ng movie na ito next Saturday.”

Open ba siya sa indie films?

“Of course!” mabilis niyang sagot.

“Well, actually nga pala, but I can’t tell you anything about it pa… May nakapagsabi sa akin na they’re gonna be getting me for a foreign-Filipino film. Pero hindi pa final.”

What about a hosting job?

“Gusto ko ‘yan,” sabay ngiti ni Alice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If ever, siguro gusto kong mag-host ng lifestyle show. O kaya health or maybe an entrepreneur show. Yung interviewing young professionals… things like that.

“Actually, I had an offer to do another fantaserye din with another network, pero hindi nag-work out.

“I can do it. Kaya lang, kapag kapareho ng format [gaya ng sa Enchanted Garden], baka kasi magkasabay ng airing.”

TIMELESS BEAUTY. Hanggang ngayon ay napapanatili pa rin ni Alice ang kanyang ganda, na kung ituring ng maraming tagahanga niya ay isang “timeless beauty.”

May mga lalaki pa rin ba kayang sumusubok magpapansin sa kanya kahit may asawa na siya?

“Actually, may mga nagpapa-cute, pero ang mga guys kasi kung makakalusot… right?

“But I’m not the type naman to reciprocate.

“And I’m very guarded, maraming nakapaligid sa akin,” nakangiting sabi ni Alice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN