Jennylyn Mercado’s workload sends her to hospital

Matamlay si Jennylyn Mercado nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 29, sa huling episode ng Showbiz Central. Ayon sa Kapuso actress, tila hindi na kinaya ng kanyang katawan ang dami ng trabaho. Apat na shows ang ginagawa ni Jennylyn para sa GMA-7.


Pagkatapos umere ng huling episode ng Showbiz Central kahapon, July 29, sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa hosts ng programa na si Jennylyn Mercado.

Kahit parang matamlay ay bahagyang nangiti ang Kapuso actress nang matanong tungkol sa napabalitang pagpapaka-daring niya sa pictorial para sa isang bagong endorsement for an underwear line.

Paano nga ba siya napapayag?

“Ginagawa ko na naman dati sa mga magazine, so bakit hindi ko gawin sa endorsement?” sagot ng dating FHM cover girl.

Paliwanag pa niya, “Kasi ‘yong mga clothing lines na endorsement ko, puro mga casual. So yung ngayon, para maiba lang.”

Out na rin ngayon ang bago niyang album na Forever By Your Side, na siya ring title ng awiting carrier single nito.

“It’s an all-original composition kaya yung mga songs, hindi pamilyar sa inyo. Pero lahat naman sa anim na kanta sa album na ito, okey,” sabi ni Jennylyn.

UNDER THE WEATHER. Masama pala ang pakiramdam ni Jennylyn noong hapon na iyon.

Pinilit lang daw niyang magmukhang okey habang naghu-host ng Showbiz Central.

Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Papunta ako ng ospital. Ang taas ng lagnat ko.

“So medyo… sabi ko, parang hindi na yata kinakaya ng katawan ko ang load ng trabaho ko lately.

“Pero I hope sana okey, walang something ano…

“Kasi marami rin akong mga kagat ng lamok, e. So I hope walang ano…”

Ang ibig tukuyin ni Jennylyn ay ang sakit na dengue, na laganap ngayong tag-ulan.

Hectic ang working schedule ni Jennylyn lately.

Bukod sa Party Pilipinas at Showbiz Central—na mapapalitan na ng H.O.T. TV simula sa August 5, na isa pa rin siya sa hosts—nagsimula na ring umere ang Protégé, kunsaan siya ang journey host.

Patuloy pa ring umeere ang afternoon soap niyang Hindi Ka Na Mag-iisa.

May ginagawa rin siyang pelikula ngayon, ang The Bride And The Lover, para sa Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano man siya ka-busy, pinipilit pa rin daw ni Jennylyn na mabalanse ang lahat at magkaroon pa rin ng oras para sa kanyang mga mahal sa buhay, lalo na sa anak na si Alex Jazz.

Aniya, “Every Sunday after ng trabaho, family day.

“Like ngayon nga sana, aalis kami. E, nilalagnat nga ako, so hindi na tuloy.”

LUIS MANZANO. Ang boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano ay taas-baba ang lagnat, kaya na-confine sa ospital last week. Kumusta na ang kundisyon nito ngayon?

“He’s okay,” nakangiting sabi ng StarStruck alumna.

Nagbantay rin ba siya sa ospital gaya ng ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos, na lagi lang sa tabi ng actor-TV host?

“Oo,” maikling sagot ni Jennylyn.

Pagkatapos nito ay nagpaalam na si Jennylyn. “Kailangan ko na talagang tumakbo ng ospital,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN