Kim Chiu reveals courtship strategy of Xian Lim: “Yung family ko, sinusuyo niya, so nakakatuwa lang yung ganung feeling.”

Malaking balita noon sa showbiz ang hiwalayang Kim Chiu at Gerald Anderson. Kamakailan, naging matunog din ang naudlot na panliligaw ni Gerald kay Sarah Geronimo. Ang comment ni Kim: “Labas na ‘ko dun, wala na ‘ko dun. Sa kanilang dalawa na lang yun. Kung ano man ang mayroon sila, di na ako kasali dun.”


Para kay Kim Chiu, ang pagiging consistent ang isang ugaling nagpapalapit sa puso niya sa kaparehang si Xian Lim.

Pagkatapos ng pagsama nila sa seryeng My Binondo Girl, tuloy-tuloy na ang panliligaw ng aktor kay Kim.

Balita rin na pati ang pamilya ni Kim ay sinusuyo ni Xian.

Sa nakaraang Star Magic sports fest na ginanap sa Celebrity Sports Plaza noong Linggo, July 29, kinumusta si Kim ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa panliligaw sa kanya ni Xian.

“Consistent naman siya, nandun naman yung consistency sa kanya. Okay naman, masaya naman kami pag magkasama kami.

“Yung family ko, sinusuyo niya, so nakakatuwa lang yung ganung feeling.”

CLOSEST MALE FRIEND. Aminado naman si Kim na si Xian ang pinakamalapit na lalaki sa kanya sa ngayon, kaya tinanong namin kung may definite date kung kailan niya ito sasagutin.

“Siguro, oo naman, siguro. Siguro naman, siya ang pinakamalapit na lalaki sa puso ko.

“Wala namang definite date... time will tell. Masaya naman kami, ine-enjoy namin ang isa’t isa.”

BIRTHDAY SURPRISE. Sa mismong birthday celebration ni Xian noong July11, gumawa si Kim ng sariling version ng sikat sa YouTube na kantang “Call Me Maybe.”

Kasama ni Kim sa pagkanta ang matalik na kaibigang si Maja Salvador at ilan pang non-showbiz friends.

“Kaming magbabarkada kasi," sabi ni Kim tungkol kay Xian, "kasama namin siya sa barkada namin. Kasi magkakaibigan na naman kami nang matagal."

Pagpapatuloy ng top female endorser ng Star Magic, “So yun, nag-surprise kami ng birthday dinner sa kanya, kasi hindi siya masyadong nagse-celebrate ng birthday niya.

“Yung si Maja, tapos may YouTube account si Xian, sabi namin sa YouTube account niya na lang i-upload.

“Ang dami ng viewers! Katuwaan lang naman. Hayun… for fun.”

LOVE TANDEM. Habang nagpapatuloy ang panliligaw ni Xian kay Kim, dumarami naman ang projects na sila ang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nagte-taping na si Kim at Xian para sa seryeng Ina, Anak, Kapatid.

Kinumpirma rin ng young actress na tuloy na tuloy na ang pelikulang pagtatambalan nila ni Xian under Star Cinema.

“Gumagawa kami ng teleserye, Ina, kapatid, Anak and may upcoming movie din kami sa Star Cinema.

“Tuloy na tuloy na siya, I don’t know kung kailan siya ipalalabas, hindi siya for this year.”

Open book ang relasyong Kim at Gerald Anderson noon at kung gaano siya nasaktan nang nauwi ito sa breakup pagkatapos ng ilang taon.

Sa napabalitang huminto na sa panliligaw si Gerald kay Sarah Geronimo, hiningan namin ng reaksyon si Kim.

“Labas na ‘ko dun, wala na ‘ko dun. Sa kanilang dalawa na lang yun. Kung ano man ang mayroon sila, di na ako kasali dun.”

CINEMALAYA. Balitang naka-20 million pesos ang pelikulang The Healing, at hinuhulaan na magiging blockbuster ito.

Masayang-masaya si Kim na maging parte ng nasabing pelikula.

“Siyempre, masayang-masaya, and siyempre Gov. Vi [Vilma Santos] and Direk Chito Roño… combine mo yun, siyempre blockbuster movie na talaga siya.

“I’m happy and proud na kasali ako sa pelikulang ito, and first Grade A movie ko ito sa buong six years ko sa pagiging artista.”

Masaya si Kim na binigyan ng R-13 at R-18 na classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang The Healing.

“Of course, masaya din ako kasi mga nakakapanood, di lang puro R-18. Kahit yung mga bata—yung mga high school, mapapanood nila yung The Healing.

“Yung pinsan ko, kapatid ko, napanood nila, kasi R-13, pati yung ibang mga fans ko.”

SPORTS FEST. Isa si Kim sa nagpa-participate sa halos lahat ng games every year ng Star Magic sportsfest.

“Pantatlong year ko na ito. Heto, badminton na lagi kong nilalaro, saka volleyball.

“Siyempre, nakakatuwa kasi hindi naman kami laging nakakapaglaro ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka minsan lang kami pinagpapawisan nang ganito kalala.

“Ang sarap ng feeling na nakakalaro mo ang kapwa Star Magic artist mo, yung pawis ang sarap ilabas so ang sarap maglaro.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN