Mary Grace Poe-Llamanzares on PNoy affirming FPJ’s earlier proclamation as National Artist: “...ngayon na manggagaling sa isang Presidente na tunay na marangal at may kredibilidad, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat."

Taong 2006 nang unang iproklama ng dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo si Fernando Poe Jr. bilang National Artist. Pero ang parangal ay di tinanggap ng pamilya ng yumaong action superstar.

Ayon sa anak ni FPJ na si Mary Grace Poe-Llamanzares, "Kasi naniniwala kami na ang isang karangalan ay dapat ibinibigay ng isang taong marangal."


Isa nang ganap na National Artist si Fernando Poe Jr.

Noong Biyernes, July 27, inaprubahan at pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Proklamasyon 435, na nagkukumpirma sa unang proklamasyon ng 2006, na nagdedeklarang si FPJ ay Pambansang Alagad ng Sining.

Matatanggap na ng pamilya ng yumaong Action King ng Philippine Movies ang medalyon at ang mga karampatang benepisyo na ibinibigay ng gobyerno sa isang National Artist.

Nakausap ng The Buzz ang anak ni FPJ na si Mary Grace Poe-Llamanzares.

Si Grace ang kasalukuyang chairperson ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB).

Ayon kay Grace, “Kami ay natutuwa at nagpapasalamat na, sa wakas, matatanggap na rin namin ang pisikal na medalya para sa National Artist.”

Sinabi rin ni Grace ang dahilan kung bakit hindi nila tinanggap ang parangal noong una itong igawad sa ama ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

“Kasi noon, hindi namin tinanggap, kasi naniniwala kami na ang isang karangalan ay dapat ibinibigay ng isang taong marangal.

“Kaya ngayon na manggagaling sa isang Presidente na tunay na marangal at may kredibilidad, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat.”

Matatandaang magkatunggali sa 2004 presidential elections sina FPJ at GMA. Matapos ng botohan, naghain ng protesta ang kampo ni FPJ laban kay GMA dala ng sinasabing pangmalawakang pandaraya sa botohan at bilangan.

Bagamat namatay si FPJ bago malitis ang kasong inihain, nakatatak na kay GMA ang akusasyong iyon. Nabuhay uli sa publiko ang sinasabing massive fraud and cheating nang mabunyag ang tinatawag na Ampatuan massacre ng 2009.

AMPATUAN MASSACRE. Noong Nobyemre 23, 2009, 58 na katao ang binaril, sinaksak, at inilibing gamit ang backhoe (excavating machine), sa Maguindanao, sa bayan ng Ampatuan, na hawak ng Ampatuan warlord clan.

Dahil kinalaunan ay may mga witness na naglabasan (kasama na ang ilang tauhan ng mga Ampatuan at isang kamag-anak nila), nabunyag na tinambangan ng mga armadong Ampatuan ang convoy ng katunggali nila sa pulitika, si Esmael Mangudadatu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang convoy—na sakay ang mga babaeng kamag-anak ng kandidato at 32 media na nagko-cover—ay papunta sa lugar kung saan magpa-file ng kandidatura si Mangudadatu bilang governador para sa 2010 national elections.

Bandang huli, tinawag ang pangyayari ng isang grupo ng mamahayag na "the worst single case of election violence in Philippine history." Nabansagan din ang Pilipinas na isa sa top "most dangerous places for journalists."

Sa mismong teritoryo din ng mga Ampatuan nangyari ang sinasabi ni FPJ na malaking dayaan noong 2004 presidential elections. Sa teritoryong ito ay zero si FPJ at ang kanyang mga kaalyado.

Kilalang mahigpit na magkaalyado sina GMA at ang mga Ampatuan.

TIMELY RECOGNITION. Napapanahon daw ang pagkakagawad ng National Artist sa kanyang ama, sabi ni Grace.

“Birthday ng mom ko bukas (July 28). So, ang ganda talaga ng timing. Maraming salamat.”

Noong Sabado, July 28, ay birthday ni Ms. Susan Roces, na minsang nang tinawag na Queen of Philippine Movies. Ngayon ay lumalabas ito sa top-rating at phenomenal ABS-CBN teleserye, ang Walang Hanggan.

Nang tanungin kung ano ang magiging selebrasyon nila, sabi naman ni Grace, “Nag-celebrate na kami nang mas maaga! Kasi akala niya, magti-taping siya sa may Bicol.

“Pero, na-postpone. Pero, usually kasi, kapag birthday niya, nagsisimba yun nang maagang-maaga.

“Tapos, simpleng pananghalian lang na kasama ang buong pamilya.”

Tinanong din si Grace kung ano ang birthday gift niya sa ina.

“The only thing I can do really for her is to be a good person and to do my best in my career, and also to be able to spend as much time that I can to be with her.”

MESSAGE FOR MS. SUSAN ROCES. Hiningan din ito ng mensahe niya kay Ms. Susan.

Aniya, “And you know, Mom, that I love you. Happy birthday.

“I’m proud, of course...to have a mother like you is such a great blessing for me…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I pray that you’ll have many, many happy years, and especially in your showbiz career.

“Congratulations on Walang Hanggan and happy birthday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN