Part 1. Kris Bernal’s reunion TV project with Aljur Abrenica is a romantic-comedy—minus Rhian Ramos

Kris Bernal on her next relationship: "Kahit showbiz o non-showbiz, hindi ko naman iniisip na… yung differences nila. As long as makita ko yung hinahanap ko. At para sa akin, yung worth ng pagod ko, ng effort ko, at ng pagmamahal ko. ‘Yon!”


Ang sweet nina Kris Bernal at Aljur Abrenica nang mabungaran ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 29, sa pantry malapit sa Studo 7 ng GMA Network, kung saan umere ang last episode ng Showbiz Central.

Nagsi-share sila sa iisang hamburger at softdrinks in can.

“Hindi kasi niya ako binilhan!” natawang sabi ni Kris nang biruin namin tungkol sa ganung nakakakilig na eksena nila ni Aljur, na parang tagpo sa isang pelikula o soap opera.

Bumalik na ulit ang dating sweetness nila sa isa’t isa na nabuo nang maging magka-loveteam sila?

Sabi ng young actress, “Hindi naman sa bumalik. Ganun talaga kami ni Aljur, e.

“Ever since na nagkasama kami at naging close kami, sweet talaga kami, e.

“Kumbaga, siguro sa paningin ng iba, parang iba na ang dating.

"Pero sa amin, ganun naming i-treat ang isa’t isa, e. Ganun yung friendship namin.

“At kahit kami, hindi namin binibigyan ng malisya ‘yon.”

NEW PRIMETIME SERIES. Ano na pala ang update sa napabalitang bagong primetime series na muling pagtatambalan nila ni Aljur?

“Yung seryeng pagsasamahan namin, tuloy na tuloy na po iyon.

“Nae-excite nga kami, e, kasi it’s a good project.

“And it’s a big project for us. It’s a good comeback project for us.

“Pressured!” nangiting sabi pa ni Kris.

“Pero… basta! Maganda yung proyekto.

“But medyo pressured din kami. Pero I’ll give my hundred percent performance do’n.”

Nabalita noon na makakasama nina Kris at Aljur sa teleserye si Rhian Ramos, ngunit ibinalita ni Kris sa PEP na may pagbabago na sa casting.

“No, actually it was changed.

“Kasi nung una, usap-usapan pa lang, e, na magsasama ulit kami ni Aljur sa isang serye.

“E, siyempre may mga changes. May mga kailangang…

“Kasi pinaghahandaan talaga ng GMA, e. Gusto talaga nila, parang yung pagbabalik namin, malaki talaga. Yung maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, may mga pagbabago.

“Nong una, alam ko supposed to be kasama namin si Ms. Rhian. But I think they also have bigger plans for Rhian.

“So, baka kaming dalawa muna ni Aljur.

“Pero sa ngayon, hindi pa rin confirmed, e. Kaya hindi ko pa rin masarado,” saad ng 23-year-old actress.

Ano ang tema ng bagong seryeng pagtatambalan nila ni Aljur?

“I cannot tell much yet about the show. Pero yung character ko, it’s something different na hindi ko pa nagawa.

“Basta siguro ang maibibigay ko lang na hint… siguro nakikita sa ibang shows ko na kikay at maarte ako. At sa bagong gagawin namin ni Aljur, it’s the exact opposite of what I really am.”

Comedy-romance ba ito?

“Nahuhulaan niyo na!” napabungisngis na sabi ni Kris.

“It’s ano talaga… something really, really new. It’s exciting ‘coz dream ko rin ito, e.

“It’s a romantic-comedy,” pakumpirma na niya.

“Light lang siya, yeah! So I hope magawa ko siya nang maayos. Kasi it’s my first time to do a comedy.”

TOGETHER AGAIN. Single ngayon si Kris. Sa muling pagtatambal nila ni Aljur, kahit may ibang nali-link ngayon sa aktor, hindi maiaalis na may mga fans na mag-ilusyong baka posible pang magkagustuhan sila sa totoong buhay din.

Ano ang masasabi ni Kris dito?

“Uhm… lets’ see. But as of now, we’re happy being friends lang. And, a… tingnan natin.

“At saka ayoko kasing manggaling sa akin, e. Kasi sa lalaki dapat ‘yong nauuna.

“Ayoko namang manggaling sa akin. So tingnan natin.

“Pero kami kasi ni Aljur, sobrang focused namin sa work. And ‘yon ang priority namin.

“At saka we’re happy about our friendship. Yung level ng friendship namin.”

May mga admirers at mga manliligaw si Kris, pero bakit tila wala siyang napupusuan sa mga ito at tumatagal na loveless pa rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maybe… ewan ko. Honestly, I’m very picky!” sabay bungisngis niya.

“Mapili ako. At saka talagang kapag sinasabi kong may nanliligaw, nanliligaw pa lang, kinikilala ko talaga.

“So, minsan yung ibang tao, sinasabi nila na, ‘Ang tagal naman ng panliligaw na ‘yan!’ Bakit daw hindi pa sinasagot.

“E, talagang kinikilala ko, e. Siyempre, pagtagal, mas nakikilala mo…

“Alam mo yung gusto mo, e. Alam mo yung goal mo. Alam mo yung makakabuti sa ‘yo.

“Kaya wala pa. Wala pa,” pahayag ng StarStruck winner.

This time, mas gugustuhin ba niyang non-showbiz na lang ang sunod niyang maging karelasyon?

“Actually ano naman, e… kahit ano. Kahit showbiz o non-showbiz, hindi ko naman iniisip na… yung differences nila.

“As long as makita ko yung hinahanap ko. At para sa akin, yung worth ng pagod ko, ng effort ko, at ng pagmamahal ko. ‘Yon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN