Part 2. Kris Bernal on short-lived romance with Jolo Revilla: "Talagang may mga bagay na hindi nagwu-work… Not meant for you or mas may mabuti pang ibang ibibigay Siya sa ‘yo.”

Noong isang taon ay na-link si Kris Bernal kay Jolo Revilla, pero bigla na lang naputol ang magandang samahan nila. Hindi matukoy eksakto ni Kris kung bakit hindi natuloy sa isang seryosohang relasyon ang namagitan sa kanila ni Jolo.


Dati ay nabalitang nanligaw kay Kris Bernal ang young actor-politician na si Jolo Revilla.

Inakala pa nga ng marami na magiging sila.

Pero tila naudlot ang pagkakamabutihan nila, at hanggang ngayon ay marami ang naiintriga kung ano nga ba ang nangyari.

Lalo pa’t may naging isyu na habang nanliligaw si Jolo kay Kris, bigla ring na-link ang anak ni Senator Bong Revilla sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Ito ba ang dahilan kaya mas maingat ngayon si Kris sa pagkilatis ng manliligaw niya?

Nangiti at sandaling nag-isip ng isasagot si Kris.

“Actually, wala akong alam tungkol diyan. Hindi ko alam ‘yan," na ang tinutukoy ay ang Jolo-Jodi rumored affair.

“Wala. Wala akong alam tungkol diyan.

“Ayokong magbitaw ng salita. Kasi hindi rin naman ako sigurado. Mahirap din, e.

“So, para na lang siguro from my past experiences, may mga natutunan ako.”

Pero bakit nga ba nauldot na maging sila ni Jolo?

Sa panahong nanliligaw ang binatang ama sa kanya, naging obvious na gusto rin ni Kris that time ang aktor. Parang ang naging dating, may nadiskubre siya kay Jolo na hindi niya nagustuhan.

Natawang muli si Kris.

“Wala naman akong na-discover na masama.

“Sa totoo lang, mabait naman si Jolo at saka loyal siya. At saka napaka-approachable niya.

“Mabait siya. Wala akong masabi sa kanya.

“Pero ‘yon nga, talagang may mga bagay na hindi nagwu-work.

“At may mga bagay na… gusto ni Lord. Not meant for you or mas may mabuti pang ibang ibibigay Siya sa ‘yo. Baka gano’n.”

WHAT MAKES KRIS HAPPY? Wala man siyang special someone ngayon, blooming pa rin si Kris at mukhang inspired lagi.

Ano ang nagpapaligaya sa kanya ngayon?

“Work and family,” sagot ni Kris.

“Kasi unang-una, successful ang Hiram Na Puso. Tapos magkakaroon ulit ako ng bagong show.

“Alam mo ‘yon? Sunud-sunod, so wala talaga akong reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ang ganda rin ng pagbi-buildup sa akin ng GMA. Talagang ramdam ko yung pagmamahal nila sa akin. Yung pag-aalaga nila.

“And napaka-supportive din ng family ko.”

FRUGAL KRIS. Masinop sa kanyang kinikita si Kris. Matipid siya at hindi maluho kaya nakakapag-ipon nang husto.

“Sa totoo lang, sa five years ko sa showbiz, kuripot ako!” sabay tawa ng young actress.

“Hindi ako magastos, e. I value money talaga. Oo, grabe.

“Ako na siguro ang pinaka-kuripot na artista! Ha-ha-ha!

“Wala akong driver. I drive… yeah, kahit sa mga tapings ko. Ako lahat.

“Ganun ako katipid. Iniisip ko yung mga ganung bagay na makaka-menos ako kung wala na lang driver.

“O ng kung anumang kailangan ko, na kung kaya ko namang wala, magtitipid talaga ako. Ganun ako.

“Gaya rin sa sasakyan ko, I can buy yung mas mahal. Pero hindi, e.

“I’d rather save it for my future than buying mga mamahaling kung anu-ano.”

May sariling bahay o condo na ba siyang naipundar?

“Wala pa. Ayoko kasing mag-invest sa bagay na hindi ako sure. Baka masayang lang yung pinaghirapan ko.”

Twety-three years old na siya ngayon. Kailan niya planong bumukod from her family at mamuhay nang solo?

“Hindi ko alam, pero matagal pa siguro. Matagal pa.

“Kasi ngayon, talagang… kaya ko namang maging independent.

“Pero kailangan ako ng pamilya ko, e. At kailangan ko rin sila.

“So mag-i-stay ako hangga’t kailangan nila ako. ‘Yon ang motto ko,” nakangiting sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN