Aljur Abrenica excited about reunion soap with Kris Bernal: "Siguradong-sigurado na po na balik-tambalan kami ni Kris."

Aljur Abrenica on working again with Kris Bernal: “Talagang maninibago ako kasi ngayon lang ulit kami magsasama. At marami nang nangyari sa mga buhay namin, e. Marami nang nanliligaw sa kanya. Hindi ko na kilala ‘yong iba.”


Kumpirmadong tuloy na ang pagbabalik-tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa isang bagong primetime series na gagawin nila sa GMA-7.

Pina-finalize pa lang sa ngayon ang bawat detalye, at kapag naayos na lahat ay kaagad-agad nang magsisimula ang taping para rito.

Sabi ni Aljur, “Sa totoo lang, excited na akong i-share sa lahat kung ano yung proyetong gagawin namin ni Kris.

“Pero hindi pa ako sigurado, e. Kasi baka mamaya, sabihin ko, tapos ma-disappoint yung mga tao.

“Bale ang masasabi ko lang, sure na sure na. Siguradong-sigurado na po na balik-tambalan kami ni Kris.

“At sigurado rin ako na magugustuhan niyo yung proyektong gagawin namin. Para po sa lahat ng naka-miss sa Al-Kris loveteam.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur matapos siyang mag-guest sa last episode ng Showbiz Central last Sunday, July 29.

Sa palagay ba niya, hindi sila maninibago ni Kris sa muli nilang pagtatambal lalo na’t medyo matagal din silang nahiwalay as loveteam?

Huli silang nagkatrabaho sa Machete noong 2011.

Ayon kay Aljur, “Sa tingin ko, maninibago ako. Kasi ano, e… iba noon, e. Iba kami noon ni Kris, e.

“Almost every day kaming magkasama noon. Alam namin yung nangyayari sa buhay ng isa’t isa.

“Ganun kami na kumbaga… mag-best friends. Magkadikit talaga. Para na kaming magkapatid.

“O kumbaga sa isang relasyon nga, para na kaming mag-asawa—bilang isang loveteam.

“Talagang maninibago ako kasi ngayon lang ulit kami magsasama. At marami nang nangyari sa mga buhay namin, e.

“Marami nang nanliligaw sa kanya. Hindi ko na kilala ‘yong iba,” sabay ngiti ni Aljur.

“Samantalang noon, alam ko lahat.

“So, sa akin din, marami nang nangyari sa akin, sa buhay ko.

“Pero hindi naman siguro magiging ganun kahirap yung muling pagsasama namin sa trabaho.

“Kailangan lang siguro ng time na mag-bond kami. Tapos makapag-workshop din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE MATURE. Mas mature na Aljur at Kris na ba ang makikita ng publiko sa muli nilang pagtatambal?

“Mukha! Mukha ngang mas mature yung gagampanan naming roles.

“At mahirap. Lalung-lalo na sa character na ipu-portray ni Kris.

“Mahirap yung role niya. Pero kapag sinabing Kris Bernal… magaling ‘yan, e.

“Kahit anong role, kahit na anong proyektong ibigay sa kanya, talagang napapanindigan niya.

“Very, very challenging din yung role ko para sa akin. Kasi ano, e… kung puwede lang sanang sabihin.

“Pero sobrang challenging yung mga character namin ni Kris,” saad ng Kapuso hunk.

RACHELLE ANN GO. Nali-link ngayon si Aljur sa singer na si Rachelle Ann Go. Talaga nga bang nagkakamabutihan na sila?

“Well, magkaibigan lang po talaga kami.

“Dati, hi and hello lang po kami. Pero nung nagpunta po kami sa States [para sa series of shows], siguro binigyan lang nila ng kulay yung pagsasama namin doon.

“Kadalasan kasi, kami lang yung magkasama dahil kami lang ang artista doon sa show sa Los Angeles.

“At mas naging close kami doon kasi napag-usapan po namin ay tungkol sa relihiyon.

“Siguro, binigyan lang po ng ibang kulay ‘yon. Friends lang po talaga kami. Opo.

“Nakakahiya naman po kay Rachelle.”

Pero napag-uusapan din nila ang tungkol sa pagli-link sa kanila?

“Oo, nagtatawanan na lang nga kami kapag nagkikita kami. Tinatawanan na lang namin yung ganyang isyu,” sabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN