Gerald Anderson not ready to talk about Sarah Geronimo: “There’s always another time for that. Today’s not the right time.”

Ayon kay Gerald Anderson, hindi pa ito ang tamang panahon upang pag-usapan ang isyu tungkol sa kanila ni Sarah Geronimo. Pero nangako naman ang young actor na, “Basta. Sasagutin ko lahat ‘yan.”


Panandaliang magbabakasyon muna ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

Ito ay sa gitna ng mga usap-usapan na tumigil na siya sa panliligaw kay Sarah Geronimo.

Umalis si Gerald kahapon, July 30, papuntang Egypt upang makipagkita sa kanyang ama doon.

“It’s just the time for my family. Medyo naging busy din ako, sobra.

"So, kailangan ko ring magbigay ng oras para sa pamilya ko,” sabi ni Gerald sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, bago siya maglaro para sa basketball championship ng Star Magic Games noong Linggo, July 29.

THE BLIND ITEM. Noong isang linggo ay pumutok sa showbiz ang magkakaugnay na blind items na inilabas ni Ogie Diaz sa kanyang personal Twitter account.

Bagamat “S” at “G” lamang ang ginamit niya para kilalanin ang mga taong involved sa kanyang blind item, lahat ng mga nakabasa nito ay nagsasabing sina Sarah at Gerald ang tinutukoy niya.

Ayon sa blind item: “Finally, nagpaalam na si G ke S na give up na siya, dahil ndi daw ma-please ni G si Mother Dear. Kaya super iyak daw si S. #Sad.”

(CLICK HERE to read related story.)

Sinubukan ng PEP na hingan ng pahayag si Gerald tungkol dito, subalit matindi ang pakiusap niyang huwag na muna siyang tanungin tungkol dito.

“Huwag muna ang isyu, today ang celebration, e. Huwag muna ‘yan.

“There’s always another time for that. Today’s not the right time,” nakangiting pakiusap ni Gerald.

Nang tanungin kung maayos naman ba ang relasyon nila ngayon ni Sarah—na nakasama niya sa dalawang pelikula noong nakaraang taon—sumagot si Gerald ng: “Basta. Sasagutin ko lahat ‘yan.

“Nakakahiya naman sa Star Magic, it’s our day of celebration, kaya huwag muna, huwag muna.”

VACATION. Sa mga sumunod niyang pahayag, sinabi niya na timing din ang pagbabakasyon niya ngayon dahil magkakaroon siya ng oras para sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay isang bagay na kailangan niya ngayon dahil, aniya, “Siyempre naman, lahat naman tayo dumadaan sa mga pagsubok sa buhay.

“At the end of the day, our family is the most affected.

“Sobra silang suportado sa akin.

“Kumbaga, sa lahat ng ginagawa ko, lagi silang nandiyan para sa akin.”

Sa kanyang bakasyon sa Egypt, plano ni Gerald na bumisita rin sa Israel o ang tinatawag na "Holy Land."

Parte raw ito ng pagpapatibay ng ispiritwal na aspeto ng kanyang buhay.

“Lahat naman tayo kailangan no’n, e,” ani Gerald.

“I mean, hindi naman araw-araw masaya tayo. Kailangan din natin si Papa God at ang pamilya natin.”

Isang linggong mananatili si Gerald sa Egypt kasama ang kanyang ama at nakababatang kapatid.

Ilang oras pagkatapos ma-interview ng PEP si Gerald ay ipinalabas ang interview ng ina ni Sarah, si Divine Geronimo, sa show mismo ng Pop Princess sa ABS-CBN, ang Sarah G. Live!.

Dito ay nagpahaging si Mommy Divine na tumigil na nga sa panliligaw si Gerald kay Sarah.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN