Xian Lim on courting Kim Chiu and her family: “Sana magustuhan nila ako… mabuti naman akong tao.”

Xian Lim on his intentions to Kim Chiu: “If ever mayroon siyang kailangan, problema, nandito ako para problemahin yun, kasama siya.”


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim Chiu, inamin niya na maikukunsidera niyang si Xian Lim ang pinakamalapit na lalaki sa puso niya.

Ayon nga sa aktres, consistent sa panliligaw ang kapareha, at natutuwa siya na sinusuyo rin ni Xian ang kanyang pamilya.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi naman naitago ng young actor ang tuwa sa sinabing ito ni Kim nang makapanayam siya ng PEP at Cinema News sa nakaraang sports event ng Star Magic noong Linggo, July 29, sa Celebrity Sports Plaza.

Saad ni Xian, “Siyempre, nakaka-touch naman. Masaya, kasi siyempre siya ang lagi kong kasama, siya yung kilala ng mommy ko…

“Kilala na siya ng mga kaibigan and same with on her side rin naman, kilala na ako ng family nila.

"Sana magustuhan nila ako… mabuti naman akong tao.”


XIAN’S PLEDGE. Nagbitiw rin ng salita si Xian na kahit ano ang mangyari ay hindi siya mawawala sa tabi ng kapareha.

“Isa lang ang sasabihin ko sa inyo, basta nandito lang ako para sa kanya.

“If ever mayroon siyang kailangan, problema, nandito ako para problemahin yun, kasama siya.

"Nandito ako para sa kanya."


YOUTUBE UPLOAD. Bukod sa birthday celebration na binigay ni Kim at ng mga kaibigan nila kay Xian, nag-upload din sila ng isang music video sa YouTube.

Marami ang natuwa sa upload ng sarili nilang version ng music video ng sikat na awiting “Call Me Maybe.”

Kuwento ni Xian, “That was shot before my birthday last July 11. Di ba, mahilig na talaga ako gumawa ng video?

“So, nakakatuwa kasi finally naka-upload na ako ng videos, and this time around, kasama na sila Maja [Salvador]."

Tinanong namin si Xian kung kaninong idea ito.

Sagot niya, “Even before, gusto ko na talaga gumawa ng video. Like kami ni Matteo [Guidicelli], nakagawa kami.

“Masarap kasi kapag mga kaibigan mo sa Star Magic ang kasama mo, hindi lang puro ako kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before, lahat ng videos ko, ako lang; ngayon, may kasama na ako.

“That’s why I really like it, nakakataba ng puso na nandun silang lahat. Like nung birthday ko, nandun silang lahat.

“Nakakatuwa, kasi I don’t celebrate my birthday. This time, ilang beses kong sinelebreyt. It’s two weeks’ celebration.”


EXPECTATIONS. Pagkatapos ng My Binondo Girl ay magkakapreha muli sina Kim at Xian sa seryeng Ina, Anak, Kapatid.

Wala bang pressure kina Xian sa expectation ng iba na dapat mas kagatin ito ng tao?

“Okay naman siya. We’re getting there, pero simula pa lang naman.

“You know, sa My Binondo Girl, in-enjoy lang talaga namin yung momentum—yung pagkagat ng tao.

“Well, this time, we’ll do the same pa rin, i-enjoy pa rin namin pero tututukan namin yung mga roles namin," pahayag ng young actor.

STAR MAGIC SPORTSFEST. Isa rin si Xian na nag-participate sa Star Magic sports fest, at ilan sa sinalihang games ng aktor ay volleyball at basketball.

“Three times na ako [sa sports fest]. I think this is my fourth time.

“Nakakatuwa kasi, di ba, everybody is working hard for Star Magic anniversary?

“This is once a year lang, so nakakatuwa na nandito lahat kami, playing sports, just having fun," sabi niya.

Interestingly, naging kalaban ng grupo ni Xian sa basketball championship ang grupo ni Gerald Anderson.

Si Gerald ay ang dating boyfriend ni Kim.


BARKADA MOVIE. Kasama si Xian sa cast ng pelikulang The Reunion ng Star Cinema, along with Enchong Dee, Kean Cipriano, and Enrique Gil.

Para kay Xian, ang pelikulang ito ay nagbigay rin sa kanya ng pagkakataon na magkaroon ng totoong mga kaibigan.

“This is a barkada movie and I had so much fun doing this film.

“I gained true friends in the business and grabe ang naging bonding naming apat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Light lang yung movie, umiikot sa istorya ng apat na magkakaibigan.

“Pero ang ganda ng pagkakagawa and I’m sure magugustuhan ito ng tao," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN