Bench launches 25 short films to celebrate its silver anniversary

Ben Chan on the 25 short films featured in Benchingko: “Iba-iba ang ginawa namin para hindi naman ma-boring yung mga tao. Para hindi pare-parehong drama, hindi pare-parehong comedy. One film is different from the other."


Dalawampu’t limang short films ang ilalabas ng Bench sa publiko kaugnay ng pagdiriwang ng 25th anniversary nila ngayong taon.

Ang sama-samang 25 short films ay binansagan nilang "Benchingko."

Nauna nang ini-launch ang anim sa mga natapos na short films noong Biyernes, July 27, sa Centerstage Cinema ng SM Mall of Asia (MOA).

Ang mga ito ay ang 25 Bens na pinagbibidahan mismo ng CEO at president ng Bench na si Mr. Ben Chan;


Kontrabida 101 na pinagbibidahan ni Bella Flores;


Perya tampok si Piolo Pascual; Kama ni Lovi Poe;

Horse Power ni Coco Martin;

at Star Teacher ni Lucy Torres-Gomez.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mr. Ben Chan, sinabi nitong gustong pasukin ng kanyang kumpanya ang ibang medium.

FILM VENTURE. Gusto raw nilang sumubok ng ibang putahe kaya nag-produce sila ng short films kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 25th anniversary.

Saad ni Mr. Chan, “Well, we wanted to do something different as always for Bench, na something new naman, different medium we haven’t done.

“We thought of films, and films is a good way to promote the brand online.

“This is going to be aired online. It’s not gonna be aired in the moviehouses.”

Anu-anong genre ang mapanood ng mga tao sa anim na pelikula?

“Iba-iba ang ginawa namin para hindi naman ma-boring yung mga tao. Para hindi pare-parehong drama, hindi pare-parehong comedy.

“One film is different from the other," sabi ng Bench owner.


SELECTED FEW. Walang naganap na pa-contest para piliin ang filmmakers at ang concepts nila para mapabilang sa "Benchingko."

Ayon kay Mr. Chan, kumuha talaga sila ng filmmakers na alam nilang may kakayahang makagawa ng isang kakaibang tema.

Kabilang sa mga direktor na ito sina Topel Lee (Perya), Borgy Torre (Horse Power at Kama), Marla Ancheta (Star Teacher), Joey Reyes (Kontrabida 101), at Ianco dela Cruz (25 Bens).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa naman ang businessman sa naging kinalabasan ng mga pelikula, at inaasahan daw niyang masa-satisfy at matutuwa rin ang mga manonood ng mga ito online.

May usap-usapang nagtataka raw ang ibang Bench celebrity endorsers kung bakit hindi sila kasali sa anim na pelikula.

Pero paglilinaw ni Ben, “Kasali sila.

“Kaya nga we have 19 films pa. Hindi pa lang nagagawa pa yung iba.

“Unang-una, mahirap kunin yung schedules nila. Hindi naman sa ayaw namin, minsan hindi sila puwede.

“E, kailangan na naming tapusin yung anim o yung lima. It’s not because who they are, but because of their schedules.”


Paano nila nakumbinsi si Lucy Torres na umarte gayong umaayaw sa ganitong offer ang kongresista ng Ormoc?

“Ayaw ba niya? E, anak ko ‘yan e! Wala siyang magagawa!” sabay tawa ni Ben.

Si Lucy ay naging malapit kay Ben nang pinakasalan ng heredera mula Ormoc si Richard "Goma" Gomez, ang unang big-star endorser ng Bench.

Sa mga nagdaang taon, buong pamilya na ni Lucy—mula mga magulang, mga kapatid, at ang anak na si Juliana—ay naging fixture na sa mga gatherings ng mga Chan. Si Ben din naman ay parating nasa mga okasyong hino-host nina Lucy at Goma.

FILM PRODUCER. Nililinaw naman ni Ben na hindi ito introduction para sa pagpasok ng Bench sa pagpu-prodyus ng pelikula.

“No, we’re not. Sabi nga ni Tito Dougs, ’Huwag mong papasukin ‘yan,’” pagtukoy ni Ben sa paalala ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano.

Si Tito Dougs ang manager noon ng ilan sa pinakamatagal nang Bench endorsers, gaya ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres.

Wala ba siyang planong mag-put up ng film festival na puwedeng mag-compete ang baguhang filmmakers, kagaya ng sa Cinemalaya, Cinemanila, at Cinema One Originals?

“Maybe. Maybe someday siguro… Pero, puro short films lang tayo.”

Magkakaroon rin ba ng "Benchingko Awards" para sa mga artista at mga direktor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, malamang hindi! Baka magkaroon pa ng tampuhan… Ako lang ang best actor!” biro niya.

Excerpts lang ng Benchingko Films ang mapapanood sa lahat ng Bench stores dahil sa kakulangan ng audio system. Mas maganda raw kasing panoorin ito online.

Ang anim na pelikula ay maari nang mapapanood online sa www.benchtm.com/benchingko.


BENCH FASHION SHOW. Ang Benchingko ay isa lamang sa mga patikim sa 25th celebration ng Bench.

Ang susunod daw dito ay ang pinaka-inaabangang underwear and denim fashion show tuwing dalawang taon.

“Yung big event, which is the fashion show, will be on September 14 and 15.

“It’s gonna be two nights para pagbigyan naman yung… kung minsan, wala nang makuhang ticket.

“This time, sa Arena, sa MOA na namin gagawin,” pahayag ni Ben.

Ang mga naunang Bench fashion shows ay ginanap sa Araneta Coliseum.

Ang theme daw ng fashion show this year ay Bench Universe, dahil na rin sa paglago ng Bench branches sa iba’t ibang panig ng mundo.

Hindi itinanggi ni Ben na posibleng hindi dumating ang mga international celebrity endorsers ng Bench sa big event dahil sa hirap kumuha ng schedules nila.

“Yung schedule din. Kung na-schedule namin nang mas maganda, baka puwede sila. Kaya lang hindi, e. So, sayang.

"But we have big stars naman here. So, okey lang.”


JENNYLYN MERCADO. Nabanggit din ni Ben na si Jennylyn Mercado ang latest addition sa roster of celebrity endorsers ng Bench.

Ipinagmamalaki na nga ni Jennylyn ang kakaibang pictorial niya, dahil bukod sa sexy, ngayon pa lang niya nagawa ang ganitong concept ng photo shoot.

Papuri naman ni Ben, “Kayang-kaya naman niya. She has the body, the looks.

"So, we’re happy to welcome her sa Bench Body.”

Lalabas na si Jennylyn sa big fashion show?

“Definitely,” kumpirma ni Ben.

Lalabas din bang naka-two piece o naka-lingerie si Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paalam muna tayo kay Luis [Manzano]," biro ni Ben patungkol sa boyfriend ni Jennylyn.


DOLPHY T-SHIRTS. Kabilang sa mga celebrities na dumalo sa launching ng "Benchingko" ang Quizon brothers na sina Eric, Ronnie, at Epy.

Pinuri ni Ben sa kanyang speech ang yumaong King of Comedy na si Dolphy, ama ng tatlong magkakapatid.

May collaboration ba ang Bench at ang Quizon family sa pagbebenta ng Dolphy T-shirts katulad noong mga nakaraang taon?

“Hindi pa namin sila nakakausap, e. Ang problema kasi, gaya nung lamay, yung mga T-shirts, hundred [pesos] lang.

“So, medyo mahirap kalaban.

"So, kakausapin namin sila.

“Pero meron pa rin naman kaming konti [Dolphy T-shirts]. Kasi matagal na naming ini-launch yun, e… years ago na rin.”


LOCAL VS. FOREIGN. Hindi lang local celebrities ang endorsers ng Bench.

Kabilang sa foreign endorsers ng local clothing brand ay ang Fil-Am R&B singer na si Bruno Mars, recording artist Jo Jonas, Pretty Little Liars star Lucy Hale...


The Vampire Diaries mainstay Michael Trevino, American Idol runner-up David Archuleta, Super Junior members Siwon and Donghae, at ang Hunger Games star na si Liam Hemsworth.

Sa dami ng local celebrity endorsers ng Bench, bakit kailangan pang kumuha ng foreign endorsers ?

Paliwanag ni Ben, “Kung titingnan mo ang history ng Bench, kahit may local kami, may international endorser din kami.

“Katulad ni Jerry Yan, nandiyan si Richardson, nandun rin si Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls… meron din kaming iba.

“So, it’s nothing new. Hindi naman namin sila papalitan.

“Siyempre, malaki ang utang na loob namin sa kanila.”

Isa sa dapat abangan sa mga darating na buwan ay ang pagkakaroon ng partisipasyon sa Bench ng American Idol runner-up at Fil-Mexican na si Jessica Sanchez.

Inamin ni Ben na nagpunta sila sa States at nag-shoot sila kay Jessica ng isang araw.

Hindi nagbigay ng detalye si Ben, pero abangan na lang daw ang paglabas nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN