Vandolph on what he misses most about his father Dolphy: “The whole Dolphy—whole. Buo talaga. His laugh, joke, love... everything."

Sa pananaw ng iba, nag-iwan si Dolphy ng kanyang tatak sa bawat anak niya. Sabi nga ni Vandolph (nakaitim na T-shirt): “Lahat kaming magkakapatid, kapag pinagsama-sama mo, Dolphy yun!”


Si Vandolph ang sinasabing pinaka-paboritong anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, kaya naman hindi maipagkakaila na apektado pa rin hanggang ngayon ang dating child star sa pagkawala ng ama.

“I miss my dad so much, sobra," sabi ni Vandolph sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo, July 29.

"Yung damit niya, inaamoy ko… yung ganoon.

“Alam naman ng dad ko kung gaano ko siya kamahal.

"Ever since, as a kid, hanggang sa paglaki, bineybi ako noon."

Ito raw ang dahilan kung kaya’t hindi siya masyadong nagpapa-interview sa press noong nakaburol hanggang sa mailibing ang kanyang ama.

“So, medyo nagtago rin ako sa press. Ayoko noong….”

Kuwento pa ni Vandolph, “Nagpahinga na ‘ko, nakita siya ng anak ko sa dream niya na, ‘Lolo’s far away and he’s sleeping, resting,’ sabi niya.

“Sabi ko, ‘Lolo’s sleeping.’

"’He’s far na,’ sabi ng kid ko.”


QUALITY TIME. Ipinaalala ni Boy ang sinabi ng partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla sa eulogy nito sa Dolphy Theater.

Sa labinwalong anak daw ng Comedy King, napakasuwerte nina Vandolph, Nicole, at Zia dahil sila ang nabigyan ng mas mahabang atensiyon ng kanilang ama.

Si Vandolpy ay anak ni Dolphy kay Alma Moreno, samantalang sina Nicole at Zia ang mga anak ni Dolphy kay Zsa Zsa.

Totoo raw na very fair ang trato ni Dolphy sa mga anak, pero somehow, "very special" ang trato nito kay Vandolph.

Sabi ni Vandolph dito, “Kasi, ginawa rin akong Panchito nun. Ginawa rin akong tampal-tampal, batok-batok nun.

“At saka yung mga movies namin, talagang nag-hit.

"At saka, malambing talaga ako sa tatay ko, para akong pusa.

“Kapag nagagalit yun, ‘Wag kang galit, ikaw naman.’

"Wala na... wala na akong gaganunin, mga anak ko na lang.”

WHAT HE WILL MISS MOST. Tinanong ni Boy si Vandolph kung ano ang pinakanami-miss niya sa ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Him,” ang mabilis niyang sagot.

“The whole Dolphy—whole. Buo talaga. His laugh, joke, love... everything.

“The way he tells me na, ‘Ganito ang porma mo dapat… ito dapat.’”


Sabi ni Vandolph, ang style nga niya nung araw na yun sa The Buzz ay pormang Dolphy.

Yung suit daw niya ay bigay ng ama two years ago.

“Sabi ko, ‘Pa, parang kasya sa akin ‘yang suit mo. Sakto.

"Sinukat. Tapos, ’Sige na, sa iyo na.’ Yun lang.”

DOLPHY’S LEGACY. Si Dolphy ay kilala ng marami bilang isang mabuting tao. Kung kaya’t bilang isang anak, ano ang baon ni Vandolph mula sa ama?

Una, bilang aktor:

“Lalo kong mamahalin ang trabaho ko. Laging sinasabi sa akin ng tatay ko, ‘Just continue making people happy.’

“So, ako, yun ang sinasabi ko talaga. Ipagpatuloy ko ang pagpapatawa. Ipagpatuloy ko yung legacy na tinuloy niya.

“Lahat kaming magkakapatid, kapag pinagsama-sama mo, Dolphy yun!”

Pangalawa, bilang ama:

“Siyempre, I’ll be a good father, like my dad. Kung paano niya ako pinalaki, ganoon ako.

“And siyempre, sorry Pa, ha, hindi ko na daragdagan ng eighteen ang anak ko! Okay na ‘ko sa apat.

"Yun, isa pa sa lesson na sinabi niya, ‘Easy-easy lang.’

“I’ll just give a good education to my son. Magandang schooling, na hindi ko rin natapos dahil with what happened to me.

“Tatay ko rin, hindi rin natapos. But he loves to read and watch kaya ang input sa kanya, grabe.”

Dagdag niya, “I should be a better person, and I will be.”


FOR DADDY DOLPHY. Ngayon, ano ang dasal ng puso ni Vandolph?

“Ako, ang palagi ko lang dinadasal sa tatay ko, bantayan niya ang mga anak ko. Ilayo niya sa kapahamakan.

“Huwag niyang ipaulit ang pinagdaanan ko, lalo na when it comes to cars."

Ang tinutukoy ni Vandolph ay ang car accident noong November 2001, sa Pozorrubio, Pangasinan, na muntik na niyang ikamatay at ikinasawi ng nobya niya noong si Desiree Raquiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta angel ko na siya. Angel na namin siyang lahat.

“Sa lahat ng desisyon na ginagawa ko, I always think of my dad. ’Kung ako si Dolphy, ano ang gagawin ko sa sitwasyong ito?’”

Sinabi noon ni Dolphy sa isang interview na gusto niya, na kapag naaalala siya ng mga tao, may ngiti.

Kung si Vandolph ang tatanungin, paano niya gustong maalala ng mga tao ang ama?

“With a smile,” tugon din niya.

“Kaya tayong mga Filipino, kapag may problema tayo sa buhay, like ako, kapag may problema ako, nag-iisip na ako ng isang scene ni Erpat na natatawa na ako.

“Iba yung smile, iba yung saya. Iba yung nabibigay na kaligayahan sa tao.”


WORDS OF APPRECIATION. Sa huli, ano ang gustong sabihin ni Vandolph sa mga tao, at kay Dolphy?

“First of all, thank you po sa lahat ng nakiramay at nagbigay ng dasal.

"Sa mga umiyak, ’eto lang po… Alam po natin na nandiyan lang siya sa tabi natin at palaging magpapasaya ng buhay natin.

“I just want to thank everybody for loving my dad so much.

“At sa pumila sa Heritage [Memorial Park and Crematorium], sobrang thank you.

"Magkasama na sila ni Daboy [Rudy Fernandez], nagkukuwentuhan.

“Sina Panchito nga, sinita niya, ‘O, bakit nandito kayo? Dapat nandoon kayo, a!’’” biro niya tungkol sa mga namayapa na ring mga artista.

Humingi rin si Vandolph ng paumanhin sa pagtanggi niyang magpa-interview noong nakaburol pa ang ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN