Sarah Lahbati still on getting-to-know-each-other stage with Richard Gutierrez: "Gusto ko po muna siyang makilalang mabuti."

Nali-link ngayon ang young actress na si Sarah Lahbati sa co-star niya sa Makapiling Kang Muli na si Richard Gutierrez. Pero ayon kay Sarah, wala pang namamagitan sa kanila ng aktor.


Isang pocket presscon ang ipinatawag ng GMA Artist Center para sa contract star nilang si Sarah Lahbati.

Ginanap ang presscon kahapon, July 31, sa Casa Filipino sa Scout Torillo, Quezon City.

Marami sa dumalong press ang nakapansin sa pagiging blooming ngayon ni Sarah, kaya nagbiro ang veteran columnist at talk show host na si Lolit Solis kung ito ba ay dahil kay Richard Gutierrez.

Maugong kasi ang balitng nililigawan si Sarah ni Richard, ang kanyang leading man sa primetime series na Makapiling Kang Muli.

Totoo ba na “binabakuran” na siya ni Richard kahit saan siya pumunta at kahit anong gawin niya?

“Hindi naman po totoo!” natatawang sagot ni Sarah.

“Dumalaw lang siya sa technical rehearsal para sa opening number namin sa Party Pilipinas last Sunday.

“Minsan din, lumabas kami noon nina Geoff [Eigenmann] at Carla [Abellana].”

Pero lagi silang nakikitang magkasama, may taping man o wala.

At paano niya ipaliliwanag na siya ay special guest sa Pinoy Adventures, na kinunan sa Bukidnon, gayong solong host lang sa programa si Richard?

Sabi ni Sarah, “Nagulat din po ako nang sinabing magge-guest ako sa Pinoy Adventures.

“Mahirap po ang mga ginawa namin doon, lalo yung drop zone, pero nag-enjoy ako,” sabi niya.

Pero ayaw pang umamin si Sarah na may “something” na sa pagitan nila ni Richard.

Aniya, “Magkasundo kami ng ugali ni Richard, magkasama kaming mag-Muay Thai, mahilig din kaming mag-travel… kahit dito lang sa Metro Manila kung libre sa work.

“May common friends kami, kaya kung minsan, magkakasama kami sa party.

“Noong birthday ni Ate Ruffa, inimbita ako ni Chard.”

Si Ruffa Gutierrez ang nakatatandang kapatid ng Kapuso actor.

RICHARD’S FAMILY. Sa palagay ba niya ay boto sa kanya ang pamilya ni Richard?

“Ayaw ko pong isipin na boto na agad sila sa akin, baka sabihin may something na kami ni Chard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nakita ko naman na mababait silang lahat, down to earth, approachable,” sabi ni Sarah.

Nagkakilala na ba sila ng mommy ni Richard na si Annabelle Rama?

“Yes po. She’s very sweet,” sagot ng StarStruck V winner.

“Minsan nga raw, dumalaw siya sa taping namin, wala po ako noon, nagdala raw siya ng sampung lechon Cebu and sweets.

“Nakikita ko rin po kapag nasa Party Pilipinas siya kung gaano niya alagaan ang mga apo niya, sina Lorin at Venice.

“Kaya nagtataka rin ako... mali ang perception nila kay Tita Annabelle kasi matsika siya kahit kanino.”

WHAT SHE LIKES ABOUT RICHARD. “Chard” ang tawag ni Sarah kay Richard; “Sarah” o “Sam”—na palayaw niya—naman ang tawag sa kanya ng aktor.

Ano ang nagustuhan niya kay Richard?

Ayon sa 18-year-old actress, “Nagustuhan ko sa kanya ang pagiging mabait niya sa kahit sinong tao, lalo na sa maliliit sa production.

“He has a big heart, he is passionate to his work, very professional.”

Mahilig daw magbigay ng gifts si Richard. Ano na ang mga naibigay sa kanyang regalo nito?

“Wala po naman. Basta kapag may taping kami, lagi siyang may dalang food, chocolates, and sweets for everyone on the set.

“Alam po niyang mahilig ako sa chocolates and sweets.”

So, ano na ang level ng relasyon nila ngayon ni Richard?

“Nasa stage pa rin kami ng getting-to-know-each-other. Gusto ko po muna siyang makilalang mabuti.

“Okey lang na mabagal, basta sure,” sabi ni Sarah.

MEET THE PARENTS. Since mahilig sila parehong mag-travel, wala bang balak si Richard na pumunta sa Switzerland, kung nasaan ang pamilya ni Sarah?

“Pinaplano rin niya na pumunta sa Switzerland dahil hindi pa raw siya nakapupunta doon.

“Gusto ko rin namang makauwi at madalaw si Daddy, kasi dapat uuwi siya rito, pero nag-Ramadan.

“At pagkatapos, kailangan na niyang bumalik sa work niya sa Morocco.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang Muslim ang Moroccan father ni Sarah.

Nakilala na ba ng daddy niya si Richard?

“Nag-meet na po sila two months ago nang dumalaw dito si Daddy.

“Napanood niya si Chard sa Pinoy Adventures at bilib na bilib siya sa mga ginagawa niya.

“Then, dumalaw si Daddy sa taping namin [ng Makapiling Kang Muli], kaya matagal silang nagkuwentuhan ni Chard.

“Magte-take na kami, nagkukuwentuhan pa rin silang dalawa.

“Very respectful at mabait daw si Richard, sabi ni Daddy.”

How about her mom, boto ba naman ito kay Richard?

“Alam naman po natin ang mga nanay, very protective sila sa mga anak nila.

“Her advice to me, i-enjoy ko lang daw at mag-ingat ako at the same time.”

May iba bang nanliligaw sa kanya?

“Wala naman po. Mayroon pong nagti-text, may mga taga-showbiz din, pero hindi ko naman siniseryoso.”

Kung maging totohanan na ang panliligaw ni Richard sa kanya, madali kaya siyang mapapasagot nito?

“Mahihirapan muna siya dahil makikita niya ang values at standards ko,” nakangiting sagot ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN