Susan Roces’s wish on 71st birthday: “Wala akong tanging wish kundi maging healthy at maging independent, na hindi ako umaasa na may aakay sa akin."

Susan Roces on her dream role: “Ako, sa ngayon, gusto kong i-project naman ang mga senior citizen na hindi lang basta sa bahay na lang na walang ginagawa, naghihintay na lang ng panahon kung kailan sila kunin ni Lord."


Gumawa ng paraan ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces upang makadalo sa gala premiere ng Cinemalaya 2012 entry na Sta. Nina, noong July 24 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Bida sa pelikula si Coco Martin, na gumaganap bilang kanyang apo sa current teleserye ng ABS-CBN na Walang Hanggan.

Gaano ka-supportive sa independent films si Miss Susan?

“From the very beginning, very supportive kami sa indie films because, actually, ang mga unang mga indie films, yung mga pinrodyus ng mga artista—FPJ [her late husband Fernando Poe, Jr.], Joseph [Estrada], ni Dolphy.

“Nung natapos na ang mga kontrata nila sa mga major studios, sila ang nagsimula.

“Na ayon sa panlasa nila at sa pakiramdam nila na magugustuhan ng mga manonood," saad ng beteranang aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May nagawa na ba siyang indie movie?

“Wala pa. Karamihan ng mga ginawa ko kasi nung simula ng aking career ay sa major studios.

“So, studio-produced yun, at base sa mga panlasa ng mga manonood nung panahong yun, more entertaining films,” saad ng dating Sampaguita Pictures contract star.

Gusto niya bang makagawa ng isang indie film?

Sagot ni Miss Susan, “Palagay ko, sa mga bawat artista sa ngayon, we are all looking forward na makagawa kami ng indie movie.”

DREAM ROLE. Meron ba siyang gustong tema o plot para sa isang indie film?

Lahad niya, “A, bilang artista, siyempre mga roles na hindi ko pa nagagampanan at naaayon sa edad ko ngayon.

"Kasi hindi ko na ‘ata mapu-portray yung hindi na nababagay sa edad ko.

“Bawat artista naman, merong mga roles na gusto nilang gampanan, dahil ang buhay ng tao, nag-iiba-iba, nagbabago sa paglipas ng panahon.

"Kaya hindi mawawalan ng role na gusto mong gampanan.

“Ako, sa ngayon, gusto kong i-project naman ang mga senior citizen, na hindi lang basta sa bahay na lang na walang ginagawa, naghihintay na lang ng panahon kung kailan sila kunin ni Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong i-project yung totoong senior citizens sa ngayon, na nakahanap ng bagong kalayaan, dahil napag-aral na niya, napagtapos na niya, ang kanyang mga anak.

“So, panahon na para isipin naman niya kung ano naman ang gusto niyang gawin sa sarili niya.

“Yun ang kinalalagyan ko sa kasalukuyan, na nagagawa ko na yung mga bagay na gusto kong gawin sana nung aking kabataan.

“Pero dahil sa pangangailangan siyempre, nag-prioritize ako, at inuna ko muna yung aking mga obligasyon bilang anak, bilang asawa, bilang kapatid.

“Ngayon naman, para sa sarili ko,” saad ng Queen of Philippine Movies.


BIRTHDAY WISH. Ipinagdiwang ni Miss Susan ang kanyang 71st birthday noong July 28, tatlong araw matapos naman ng 84th birthday sana ng kanyang kaibigang si Dolphy.

Ano ang wish niya sa kanyang kaarawan?

Aniya: “Wala akong tanging wish kundi maging healthy at maging independent, na hindi ako umaasa na may aakay sa akin—yun naman ang indie ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN