Andrea del Rosario finishes entrepreneurship course, expands restaurant business, and returns to showbiz

Maraming gustong gawin si Andrea del Rosario. Naroong tapusin ang kurso sa entreprenership, i-expand ang restaurant business, at bumalik na naman sa showbiz. Ang dahilan ng sexy actress: “Bago ako maging businesswoman and mother, artista muna ang lola mo, di ba?”


Masayang ibinalita ng dating Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario na natapos na rin siya sa kanyang masters degree sa Entrepreneurship.

Kinuha niya ang kurso sa Asian Center for Entrepreneurship & Management Education (ACE-ME)-Ateneo, sa Rockwell Center, Makati City.

Matagal nang sinimulan ni Andrea ang pag-aaral, ngunit nahinto ito nang mahigit isang taon dahil nabuntis siya at sa Amerika siya nanganak.

Kuwento niya, “Sobra ang pasasalamat ko sa Diyos dahil natupad din ang isa kong hiling, na matapos ko itong kinuha kong masters degree in entrepreneurship.

“Marami nangyari sa buhay ko at hindi ko na inasahan na matutuloy ko pa itong pag-aaral ko.

“Siyempre, naging priority ko ang anak ko, na everybody knows na dumaan sa kakaibang pagsubok noong ’pinanganak ko siya.

“But thank God, I made it—I did it! Consultation na lang with my professors ang gagawin ko and I’m all set,” balita ni Andrea nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook.

ENTREPRENEUR. Isa si Andrea sa owners ng Longgasina Sorpresa, isang restaurant na nag-e-specialize sa iba’t ibang klaseng longganisa mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ngayong Setyembre, mag-e-enroll si Andrea sa isang culinary school sa The Fort para lumawak pa ang kaalaman niya tungkol sa pinasok niyang restaurant business.

“May alam na ako sa business side. Kahit sa marketing side of it, alam ko na.

“This time, yung nangyayari naman sa kusina ang gusto kong pag-aralan.

“Gusto ko kasi na buo ang alam ko sa pinasok kong business. Hindi madali ang magpatakbo ng isang restaurant.

“Kailangan lahat ng aspeto at sa kaliit-liitan na bagay ay alam mo.

“That’s why I’m going to take up culinary arts para may mga malaman naman akong puwedeng maidagdag sa menu ng Longganisa Sorpresa.

“Kailangan parati kaming may special sa menu para babalik-balikan kami ng maraming tao," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXPANDING BUSINESS. May tatlong branches na ang Longganisa Sorpresa: sa SM City North Edsa sa Quezon City; Mandaluyong City; at Pasig City.

Magbubukas na sila ng ika-apat sa Makati City.

“The business is doing very well, kaya nabiyayaan kami ng isa pang branch. Kaya thank you, Lord, for that.

“Parati naman akong nasa mga branches namin para alamin kung ano ang problema, ano ang feedback ng mga tao sa pagkain.

“I always check the kitchen kung maayos ba at malinis, ganoon din sa dining area ng mga customers. And I also talk to my staff.

“Gusto kong hingin ang mga suggestions nila para mas mapaganda pa ang takbo ng resto.

“Kailangan maging open ako sa mga comments and suggestions. Kahit na sabihing boss ka, kailangan ay bukas ang isipan mo sa lahat.

“Para maging maganda ang working environment ng mga kasama mo sa negosyo.”

May iba pang gustong simulan na negosyo si Andrea, pero priority daw niya ang nasimulan nang Longganisa Sorpresa.

“Kung ibang business, meron akong mga naiisip na simulan. Pero ayokong sabay-sabay. Mahirap na at baka may mapabayaan ako.

“Concentrate lang tayo sa Longganisa Sorpresa sa ngayon kasi parang baby ko ito, e. Constant ang pagtutok mo parati.

“Like what I said, it’s doing very well at gusto namin ay tuluy-tuloy ito.

“Kapag okey na siya talaga at puwede ko nang ipagkatiwala sa iba ang pagtakbo nito, doon tayo papasok sa ibang negosyo,” dugtong ni Andrea.

VACATION RESORT. Pinagkakaabalahan din ni Andrea ang renovation ng kanilang old family home sa Calatagan, Batangas.

Nasimulan na ang renovations last year at paunti-unti nang nagiging moderno ang hitsura nito.

“Major project ko ’yan noon pa. Sabi ko sa sarili ko noon na, ‘Ipapaayos ko ang lumang bahay namin sa Batangas kahit na ipangutang ko.’

“Doon kasi kami lumaking magkakapatid. Tapos, overlooking pa siya sa dagat kaya maganda ang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sayang naman kung ibebenta namin. Kaya kahit na paunti-unti ay pinapa-renovate ko siya.”

Nasa plano rin ni Andrea na ipaupa ang naturang bahay sa mga bakasyonista na dumadayo sa Calatagan on weekends.

“May ganoon akong iniisip din. Uso naman yun sa Batangas, e.

“Kapag maayos na maayos na siya, ipapa-rent ko yung house sa mga weekenders. Sayang din naman ang kikitain sa ganoon, di ba?”

Sa ngayon ay nagiging weekend getaway nila ng kanyang anak na si Beatrice ang bahay sa Calatagan.

PROUD MAMA. Noong kumustahin namin ang anak ni Andrea, malaki na raw ang improvement nito nang mag-two years old na ito.

“Nakakapagsalita na siya!” excited na balita ni Andrea.

“Before kasi, one word lang ang alam niyang sabihin. Tapos nagme-make sounds siya. Ngayon nakakabuo na siya ng short sentences.

“Nakakatuwa nga kasi lahat kami, nagugulat sa mga nagagawa na niya ngayon.

“Pinapasalamat ko nga kay Lord na after numerous surgeries sa kanya, heto at nakikita ko na ang malaking pagbabago sa kanya.

“She has fully recovered and she’s living a normal life.

“Kaya ayokong ma-miss ang anything na gawin ng anak ko. That’s why hangga’t maaari ay magkasama kami parati, so I wouldn’t miss a thing.”

BACK TO ACTING. Gusto na ring bumalik sa pag-arte si Andrea.

Binalita niya na baka isama siya sa isang drama series sa TV5, at may isang movie siyang sisimulan sa Viva Films.

“Bago ako maging businesswoman and mother, artista muna ang lola mo, di ba? Kaya nami-miss ko na ang umarte.

“Nakakapag-guest naman ako sa ibang shows, pero iba pa rin yung may regular kang nilalabasan.

“Para naman maiba paminsan-minsan ang ginagawa ko. Paminsan-minsan ay negosyo, minsan naman ay showbiz.

“Para mabalanse lang ang lahat sa buhay ko,” pagtatapos ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN