Bangs Garcia says it’s possible to fall for Kean Cipriano: "Sobrang click yung personalities namin."

Bangs Garcia on her ideal man: “Honestly, wala po akong ideal man. Ang sa akin lang po, ang gusto ko ay God-fearing, gusto ko ay matalino. Gusto ko ay I can learn something from him, kasi I’m very talkative e, kaya gusto ko yung nakaka-cope up with me sa conversation.”


Aminado si Bangs Garcia na si Kean Cipriano ang naging pinaka-close sa kaniya sa lahat ng mga artistang lalaking kasama sa cast ng pelikulang The Reunion.

Sa presscon ng pelikula ng Star Cinema kagabi, Hulyo 31, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound, naitanong sa buong cast kung kanino sila maaring mai-in love sa tunay na buhay sa mga kasama sa cast.

Sagot ni Kean: “Si Bangs talaga, hindi ako nagbibiro. Kung puwede lang sanang magka-developan, game ako. Timing lang talaga, e.”

Maging si Bangs ay si Kean din ang pinili.

Paliwanag ng sexy actress: “Kasi siya yung pinaka-nakakausap ko sa set. Mas marami kaming bonding moments compared to the other guys.

"Mas nakikilala ko si Kean nang husto compared to the other guys. So, Kean.”

POSSIBLE RELATIONSHIP? Hindi pa natatapos ang presscon ay nagpaalam na si Bangs dahil kailangan niyang bumalik sa taping ng kinabibilangan niyang ABS-CBN afternoon teleserye, ang Kung Ako’y Iiwan Mo.

Mabuti na lang at pinagbigyan pa niya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang press para makausap siya tungkol sa naging sagot nila ni Kean sa presscon.

Kaagad tinanong ng PEP si Bangs kung posible bang mauwi sa totohanang relasyon ang magandang pagtitinginan nila ni Kean.

“Ang masasabi ko lang, walang imposible,” matipid na sagot ni Bangs.

So, ibig sabihin, puwede talaga?

“Tingnan natin.”

Single ba siya ngayon?

“I am entertaining.”

So, puwede niyang i-entertain si Kean bilang manliligaw?

“Puwede. Puwede naman. Anything’s possible, and there’s time for everything.”

Ano ba ang mga nagustuhan niya sa Callalily band vocalist?

“Sense of humor niya. He’s really smart and no dull moments with him.

"Sobrang click yung personalities namin.

"And pareho kaming may artistic side. Kung siya sa music, ako naman po sa painting.

"And we both act.

“So, we share something in common, and we have something na puwede naming i-share sa isa’t isa para matutunan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba magbabago ang image ng kanyang ideal man? Ang past boyfriends niya kasi ay professionals o di kaya’y involved sa business.

“Honestly, wala po akong ideal man,” sabi ni Bangs.

“Ang sa akin lang po, ang gusto ko ay God-fearing, gusto ko ay matalino.

“Gusto ko ay I can learn something from him, kasi I’m very talkative e, kaya gusto ko yung nakaka-cope up with me sa conversation.”

Nakikita niya ba ang qualities na ito kay Kean?

“Yes, oo. Wala pong dull moments with him.”

CLICK AS LOVETEAM. Magka-loveteam sina Bangs at Kean sa The Reunion.

Ayon kay Bangs, isa sa challenge na hinarap niya sa shooting ng pelikula ay ang una niyang pakikipagtrabaho kay Kean.

“Yung unang shooting for me is a challenge kasi first time ko ngang makatrabaho si Kean.

“Pero alam naming nag-click kami kaagad the first day pa lang.

"Alam namin na may connection kami kaagad kung paano namin gagawin… ie-execute yung mga eksena.

“With the help of Direk Frasco [Mortiz], ayun, mas napaganda yung chemistry namin. Kaya maraming-maraming salamat kay Direk Frasco.

“Siyempre, kasi matagal ko na ring nakatrabaho si Direk since Let’s Go days pa lang, close na kami ni Direk hanggang ngayon sa Luv U.”

Ang Let’s Go ang teen-oriented show ng ABS-CBN noon.

Bilang ka-loveteam, ano ang na-discover niya kay Kean?

“Sobrang saya ko kahit first time kong makatrabaho si Kean.

“Okay siyang ka-partner, sobrang gentleman.

“Sobrang good as a partner, as a leading man, kasi inaalagaan niya ako as a leading lady.”

Nag-click daw talaga sila as loveteam, pero wala pa naman daw ibig sabihin ang pagiging close nila sa isa’t isa sa nakaraang The Reunion concert, na launching din ng soundtrack album ng movie, na inspired ng ’90s Pinoy rock band na Eraserheads.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN