Kean Cipriano on possibly courting Bangs Garcia: “Ayoko namang makaistorbo, kaya timing dapat.”

Kean Cipriano on being a musician first: “Ako, nagpapasalamat lang ako sa Star Cinema na alam nila kung saan ako galing, alam nila ang mga pinaggagawa ko before. Alam nila na at the end of the day, pagtulog ko, paggising ko, bokalista ako ng banda, musikero ako. I am Kean Cipriano of Callalily."


Tila kinilig at hindi makapaniwala si Kean Cipriano nang makarating sa kanya ang sinabi ni Bangs Garcia na puwedeng i-entertain ng sexy actress ang Callalily vocalist bilang manliligaw.

“Talaga? Sinabi niya yun? Then, let’s see what happens!” tuwang-tuwang sabi ni Kean.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa presscon ng kinabibilangan niyang Star Cinema barkada movie, ang The Reunion, na ginanap kagabi, Hulyo 31, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Magkapareha sina Kean at Bangs sa naturang pelikula, na idinirek ni Frasco Mortiz.

Sa presscon nga ay naitanong sa buong cast kung, sa tunay na buhay at mai-in love sila, kanino sila mai-in love sa mga kasama nila sa cast?

Sagot ni Kean: “Si Bangs talaga, hindi ako nagbibiro. Kung puwede lang sanang magka-developan, game ako. Timing lang talaga, e.”

Maging si Bangs ay si Kean din ang pinili at sinabi pang kay Kean siya naging pinaka-close kumpara sa ibang lalaking artista sa The Reunion.

(CLICK HERE to read related story.)

NOT FOR LOVETEAM’S SAKE. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Bangs, sinabi nito na nakikita niya kay Kean ang qualities ng ideal man niya: God-fearing, matalino, at masarap kausap.

Ano naman ang masasabi ni Kean dito?

“Thank you, thank you. Bangs, thank you,” ang tanging nasabi ng singer-actor.

Ano naman ang nakita ni Kean kay Bangs at ito ang pinili niya na posible siyang ma-in love?

Sagot niya: “Ano’ng hindi mo makikita kay Bangs? Alam mo yun, ang ganda-ganda ni Bangs, e.

“At yung personalidad din niya kasi, sobrang okay niya.

“Sabi ko nga, parehas kaming Gemini.

“We had our very good conversations. Yung humor namin, pareho. Tapos ma-trip din siya sa music. Parehas kami ng wavelength.

“Thank you kay Bangs sa sinabi niyang puwede, ha. Na-appreciate ko yun.”

Matapos nga niyang malaman na puwede niyang ligawan si Bangs, ano na ang move na gagawin niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga ang sabi ko, e, timing. Kailangan may proper timing.

“Kasi hindi mo puwedeng basta ipilit iyan.

“Siyempre, busy yung tao. She’s doing a soap now.

“At alam natin na hindi madali yun, kasi yung tapings nila, alam mo yun, rapid yun, e.

“Ayoko namang makaistorbo, kaya timing dapat.”

Gusto ring linawin ni Kean na hindi nila sinasabi o ginagawa ito ni Bangs dahil magka-loveteam sila sa The Reunion.

“Pero nakakatuwa, di ba? Alam mo yung feeling na hindi namin pinipilit na, ‘Hoy, maging mag-loveteam tayo for this movie, ha, para sa promo natin.’

“Alam mo yun, nagkataon lang na kami yung naging magka-loveteam. Pero ayun, swak, di ba?” saad niya.

May kissing scene daw sila sa movie. Hindi ba sila nagkaroon ng ilangan ni Bangs?

“Hindi naman, kasi napag-usapan namin, nagkaintindihan kami.

“Napag-usapan namin na kahit na may ginawa kaming kissing scene… pinag-usapan namin nang diretso na… Kumbaga, nagpakilala kami sa isa’t isa na walang bahid ng pretensions.

“‘Hi Bangs, ako si Kean. Tayo yung magkasama dito sa project na ito, so aalagaan kita.’”

TRIBUTE TO ERASEHEADS. Samantala, bilang isang bokalista ng bandang Callalily, malaking karangalan daw kay Kean na gawin ang pelikulang The Reunion, na may soundtrack na tribute sa ‘90s Pinoy rock band na Eraserheads.

Bukod sa pagiging isa sa mga bida ng pelikula—kasama sina Enchong Dee, Enrique Gil, at Xian Lim—ikinatuwa rin ni Kean na napabilang ang Callalily sa inilabas ng Star Records na The Reunion: An Eraserheads Tribute Album.

“Ang laking blessing sa akin dahil nga, siyempre, nakakatawid ako from music to acting.

“Alam mo yun, malaking blessing yun na mabigyan ka ng opportunity na maging cast ng isang Star Cinema film.

“Tapos yung The Reunion, ang concept niyan has something to do with the songs of the Eraserheads, na sobrang laking bagay at influence sa musicality ko at sa buong pagkatao ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Eraserheads yung nag-move ng culture, ng scene na kung ano kaming mga banda ngayon, dahil sa kanila yun. Sobrang laki ng influence nila.

“Nasa cast ako, tapos kasama pa yung Callalily sa soundtrack album—alam mo yun, win-win for me, e.

“So, it all boils down na ang suwerte ko na nabibigyan ako ng magagandang projects. Napakaganda nitong project na ito kaya tinanggap ko.

“Pag binibigyan ako ng project na kaya kong panindigan, siyempre ibibigay ko yung more than 100 percent ko dun, kasi ibinigay sa akin, nagtiwala sa akin.”

MUSIC IS STILL HIS FIRST PRIORITY. Ayon kay Kean, ang The Reunion talaga ang first full-length movie niya sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Ang unang pelikula niya kasing Ang Babae Sa Septic Tank ay distributed lang ng Star Cinema noon.

Ang second movie naman niyang Praybeyt Benjamin ay co-produced ng Star Cinema with Viva Films.

Ngayong pangatlong pelikula na niya, tuluy-tuloy na ba talaga ang acting career niya?

“Ako kasi, nagpapasalamat lang ako na nabibigyan ako ng acting projects.

“Kasi ngayon, nag-a-ASAP ako, tapos nagpepelikula ako. Ang sarap, e, kasi naniniwala sila na kaya kong gawin yun.

“Ano lang… kung may magandang project na darating, kung pasok sa akin yung project, kung para sa akin yun, kung mapapanindigan ko yung role, I’ll do it.

“Kung bibigyan ako ng ABS at ng Star Cinema ng maraming acting projects, bakit hindi, di ba?”

Ibig bang sabihin nito ay mas magiging priority na niya ang pag-arte kaysa sa pagbabanda?

“No, my music will always be my first priority,” sabi ni Kean.

“Ako, nagpapasalamat lang ako sa Star Cinema na alam nila kung saan ako galing, alam nila ang mga pinaggagawa ko before. Alam nila na at the end of the day, pagtulog ko, paggising ko, bokalista ako ng banda, musikero ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am Kean Cipriano of Callalily.

“Pero pag may kumatok sa akin na invitation, na magandang project sa pagiging aktor, ay gagawin ko yun kasi nae-enjoy ko na, e. Alam mo yun?

“Kumbaga, parang nag-e-enjoy ko na rin yung craft ng acting, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN