Jason Francisco on breakup with Melai Cantiveros: “Okay na kami, naka-move on na kami sa isa’t isa.”

Melai Cantiveros and Jason Francisco walked together at the red- carpet event of “Benchingco” short films. The former couple were asked if they were back together. From Melai: “Ewan sa future, pero ngayon mas gusto namin ng happiness sa iba…” From Jason: “Di ko alam.”


Sabay na dumating at lumakad sa red carpet ng “Benchingko” short films noong Biyernes, July 27, sa Center Stage ng Mall of Asia, ang dating magkasintahan na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Tanong at pagtataka ng media: Bakit kaya magkasabay silang dumating?

Sagot ni Melai na may halong patawa, “Nagkasabay kami kasi napahiya kami kapag mag-isa-isa kami dito, e.

“Kasi dati, pag may event ang Bench, magkasabay kami.

“Pero friend naman kami kaya sinabayan na namin ang isa’t isa namin.”

Sabat naman ni Jason, “Nag-usap lang kami kung puwede kami magsabay kasi nakakahiyang lumakad pag mag-isa lang.”

Parehong endorser ng Bench ang dating Pinoy Big Brother housemates.


STILL FRIENDS? So, napanatili pala nila ang kanilang pagkakaibigan kahit nagkahiwalay na sila?

Tugon ni Melai, “Oo naman, yung friendship namin, yun naman ang hindi nawala. Ang nawala lang ay yung intimate relations… char!”

Ang “char” ang paboritong expression ni Melai na lagi niyang idinudugtong kapag siya’y nagsasalita.


AZKAL SUITOR. Inusisa rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Melai kung totoong nililigawan siya ng isang miyembro ng Azkals, ang national football team.

May mga balita kasing madalas silang magkasama ng isang Azkal player.

Sagot ni Melai, “Hindi, uy, wala namang nanligaw, hindi totoo yun… just a lie.”

So, magkaibigan lang sila?

“Nagti-text kami, pero hindi nanligaw."

Kapag niligawan kaya siya ng Azkals player na ito ay may pag-asa ito?

“Siguro, kasi guwapo naman siya," tugon ni Melai.


NO PROBLEM. Ibinaling naman ng PEP kay Jason ang kasunod na katanungan. Hindi ba siya nasasaktan sa mga balitang may bagong nanliligaw sa ex-girlfriend niya?

“Bakit naman? Okay na kami, naka-move on na kami sa isa’t isa,” sagot ni Jason.

Posible kayang magkabalikan sila?

Si Melai ang naunang sumagot.

Aniya: “Ewan sa future, pero ngayon, mas gusto namin ng happiness sa iba…"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Jason: “Di ko alam.”


RYAN BANG. Kay Melai naman: totoo bang niligawan siya ni Ryan Bang?

Tumawa nang malakas ang komedyana at sinabing, “Hindi totoo yun, e. Siyempre ang laki ng ulo ni Ryan Bang, baka madaganan ako. Char lang!

“E, hindi… friend lang kami nun.

"Di ba, bunso natin si Ryan Bang?” baling niya kay Jason.

Sagot naman ni Jason, “Oo, bunso namin.”

Pakiramdam ba ni Melai ay ang ganda-ganda niya sa dami ng nali-link sa kanya?

Sagot niya, “Marami talaga nali-link pag single, pero pag may bf [boyfriend] ka, walang mali-link sa ’yo.”

Bakit hindi na lang sila magkabalikan ni Jason?

Sagot ni Melai, “E, kasi, kailangan muna naming huminga.

“Kasi lagi kami nag-aaway dati, pero baka sa future puwede naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN