Young director Frasco Santos-Mortiz uncomfortable about being identified with influential relatives in ABS-CBN

Director Frasco Santos-Mortiz says he rose from the ranks in showbiz and did not use his father’s influence. Looking back, he says: “Ako, ginagawa ko na lang ang the best na magagawa ko para lang i-prove na karapat-dapat ako sa mga opportunities at sa mga projects na ’binibigay sa akin. Nag-Star Records ako for eight months, fresh from college. Then lumipat ako ng TV promo, dun ako tumagal ng five years.”


Hindi maiwasang mabigyan ng kakaibang kulay ang mga magagandang proyektong ginagawa ng batang direktor na si Frasco Santos-Mortiz dahil sa kanyang pangalan.

Si Frasco ang direktor ng bagong pelikula ng Star Cinema, ang The Reunion, na ipapalabas sa August 15.

Sinasabi ng iba na ang katungkulan at koneksiyon ng kanyang ama at mga tiyahin ang nagsilbing pasaporte ni Frasco para makapasok sa bakuran ng ABS-CBN.

Ang ama ni Frasco ay si Edgar "Bobot" Mortiz, isang may katungkulan sa administrasyon ng Kapamily network at direktor ng gag shows na Banana Split at Goin’ Bulilit.

Siya ay pamangkin ni Malou Santos, ang managing director ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Higit sa lahat, siya ay pamangkin ni Charo Santos, ang mismong presidente ng ABS-CBN.

Sina Charo at Malou ay mga kapatid ni Millet Santos-Mortiz, ang ina ni Frasco.


Sa presscon ng The Reunion noong Martes, July 31, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inamin ng baguhang direktor na may advantages at disadvantages ang dala-dala niyang pangalang Santos/Mortiz.

“Ang advantage siguro ay, dahil nasa position ang dad ko, mas madali akong nabigyan ng opportunity na magdirek kasama niya.

“Ang negative naman dun, siyempre, may mga tao na hindi maiwasan na ang tingin, ’Kaya lang siya nandiyan kasi anak siya ng ganito, pamangkin siya ni ganun.’

“Ako, ginagawa ko na lang ang the best na magagawa ko para lang i-prove na karapat-dapat ako sa mga opportunities at sa mga projects na ibinibigay sa akin."

FROM THE RANKS. Pagkatapos nito ay inisa-isa ni Frasco ang naging trabaho niya sa ABS-CBN bago siya naging direktor.

“Nag-Star Records ako for eight months, fresh from college.

"Then, lumipat ako ng TV promo, dun ako tumagal ng five years.

“Rank and file talaga, from the bottom. Nabigyan lang talaga ako ng break nung ginawa ng dad ko yung Goin’ Bulilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Frasco, gagawa ako ng show, parang Tropang Trumpo, baka gusto mo mag-second direct sa akin.’

“Sabi ko, ‘Sige po.’

"Sinubukan ko naman, na-enjoy ko, tapos naging successful yung show.

“Tapos, nagtuloy-tuloy na, tapos nagkaroon na ako ng drama…

“Nag-Eva Fonda ako with Cristine Reyes, Gudtaym with Vhong Navarro, Goin’ Bulilit, Banana Split… nagsimula talaga ako sa ibaba.”


INITIATION. Nagsimulang magdirek ng pelikula si Frasco sa horror movie na Cinco, pero ang The Reunion ang kauna-unahang full-length movie niya.

Kuwento niya, “Sobrang kabado nung nagsimula kaming mag-shoot, pero nung nakita ko na yung parang kalalabasan ng pelikula, parang medyo na-relax na ako.

“Ibang experience kasi yung TV from movie so talagang ano… nangangapa ako sa simula.

“Pero after nung first shooting days, nakuha ko na yung approach, so nag-enjoy na kami sa project."

TEDIOUS PROCESS. Ayon kay Direk Frasco, mahaba ang pinagdaanang proseso para magawa at matapos ang pelikulang The Reunion.

“Kami-kami—ako, yung writer, si Ice de Guzman, maraming pinagdaanan yung pelikula.

“Dapat nung una isang barkada movie, then Kanto Boys The Movie.

“Tapos nung tumagal, ‘Mag-isip tayo ng barkada movie na gagamitin nating theme song yung mga kanta ng Eraserheads.’

“Nag-isip kami ng kuwento. Dun nabuo yung The Reunion, parang experiences nung high school na iaano [merge] namin sa experiences ng high school ngayon."

SAME AGE. Dahil hindi sila nagkakalayo ng edad ng cast members ng pelikula, di ba nagiging kampante ang mga ito at nakakalimot na siya ang direktor?

“Naku, sobrang saya!" bulalas niya.

"Hindi nalalayo yung edad ko sa kanila, so parang tropa lang kami.

“Hindi rin ako yung direktor na mainitin ang ulo, so puro kalokohan lang kami sa shooting.

“Ang nakakatuwa dun, nagre-reflect yung saya nila behind the scenes dun sa ginagawa namin.

“Ang maganda sa mga artista ko, kahit tropa ang turingan namin, alam nila pag trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandun ang respeto nila dun sa mga katrabaho nila. Sa akin, bilang direktor nila, sa creative team…

“So, pagadting sa trabaho, ‘Ooops, tigil muna sa kalokohan, trabaho muna uli.’

“Ang maganda naman dun sa hindi nalalayo ang edad namin, nagbabatuhan kami ng mga ideas kung paano gagawin ang isang eksena.

“Naging collaborative yung ginawa naming pelikula, walang nasusunod na isa lang.

“Kumbaga, bawat isa ay may say sa ginagawa namin,” saad ni Direk Frasco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN