Enrique Gil on success of Kathryn Bernardo-Daniel Padilla loveteam: “Mas feel siguro ng mga fans silang dalawa."

Hindi nababahala ang young actor na si Enrique Gil (nasa larawan) na mas tanggap ng mga manonood ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang seryeng Princess And I. Paliwanag niya, "Hindi ko masyadong inaano yung mga loveteam…”


Napag-usapan sa presscon ng The Reunion noong Martes, July 31, ang tungkol sa pagkakaibigan na nabuo sa male cast members ng pelikula na sina Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil, Kean Cipriano, at Matt Evans.

Bagamat naging close silang lahat, masasabi raw ni Enrique na mas naging magkaibigan sina Kean at Matt habang ginagawa nila ang pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enrique, sa backstage ng Dolphy Theater bago ginanap ang presscon proper, ipinaliwanag nito kung bakit sila mas nagkasundo nina Kean at Matt.

“Si Enchong kasi, sobrang pagod lagi galing sa mga trabaho niya, kaya laging tulog.

“Si Xian naman, laging nasa computer.

“Kami nina Kean, nina Matt… actually, lahat naman kami [magkakaibigan], pero yung mga jokes namin, mas maloko kami nina Kean.

“Mas niloloko namin yung mga tao. Nanggugulat kami.

“Pero sa tingin namin, mas nag-shoot up yung friendship namin nina Kean at Matt.”

Sa lahat ng male talents ng ABS-CBN, mas kilala si Enrique sa talent niya sa “Dougie Dance.” Tinanong namin kung tinuruan ba niya si Kean na mag-dougie dance.

“May tinuturuan kami, pero iba yung itinuturo namin, mga ganun-ganun lang.

“So, ganun lang yung natutunan sa amin ni Kean,” sabi niya.

BAGETS MOVIE. Aliw na aliw naman si Enrique sa The Reunion dahil para raw itong “bagets movie.”

Kaya nga kapag mapapanood daw ito ng mga taong inabot ang Bagets, maaalala nila ang 1984 youth-oriented movie ng Viva Films, na pinagbidahan nina Aga Muhlach, William Martinez, Herbert Bautista, JC Bonnin, at Raymond Lauchengco.

Sabi ni Enrique tungkol sa The Reunion, “Barkada movie ito na ’Bagets is back.’

“Kahit yung mga matatanda na, kapag napanood nila ito, mapi-feel nila na parang, ‘Bagets ‘to, a!’

“Maaalala nila yung childhood nila or yung dati nilang growing up...”

THREE MOVIES. Hindi lang The Reunion ang lalabas na pelikula ni Enrique sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawa pa siyang pelikulang nakatakdang ipalabas bago matapos ang taon.

Ang una ay ang Amorosa, kunsaan makakasama niya sina Martin del Rosario, Empress, Ejay Falcon, at Angel Aquino.

At ang pangalawa ay ang Metro Manila Film Festival 2012 entry na Strangers, na pagbibidahan nila ni Julia Montes.

Parehong suspense-horror ang tema ng dalawang pelikula.

“Pero magkaiba naman sila. Yung isa, parang white lady yung kuwento. Yung isa naman, medyo bampira kami doon," sabi ni Enrique.

Lumalabas na isa o dalawang buwan lang ang pagitan ng showing ng kanyang mga pelikula. Hindi kaya ma-overexpose siya dahil dito?

Ayon sa young actor, “Oo nga, e… kaya naman siguro. Kasi ibang characters naman ito. Sobrang iba.

“Si Bogs [sa Strangers], iba siya sa character na Rommel sa Amorosa.

“Magkaiba naman, makikita naman yung variety ng roles na ginawa ko.”

BUSY ENRIQUE. Bukod sa tatlo niyang pelikula, regular ding napapanood si Enrique sa primetime series ng ABS-CBN na Princess And I.

Kasama naman niya rito sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Khalil Ramos.

“I’m always busy," sambit ni Enrique.

“Kahit hindi ako nakakauwi minsan… Oo nga, dati nakakauwi pa ako, pero ngayon hindi na pala ako nakakauwi.

“So, parang in a way, it’s something good dahil may trabaho ka lagi. Saka people entrust their project to you. So, it pushes me more.

“Okey lang na hindi ako nakakauwi basta matapos lang ang project ko nang maayos.

“Maayos ko lang yung trabaho ko and just follow the flow, tingnan natin kung ano ang mangyayari. Just keep on going.”

TURNING POINT. Sang-ayon naman si Enrique na ang nagwakas nang teleseryeng Budoy ang naging turning point ng maganda niyang career ngayon sa Kapamilya network.

Gumanap siya rito bilang best friend at adopted brother ng bidang si Gerald Anderson.

“Oo, yung Budoy talaga ang masasabi ko. Siguro nakita yung sobrang darkness nung character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kasing mineet yung role ko, yung character ko bilang si BJ.

"So, siguro nakita nila na, ‘Uy, puwede na ito,’” saad niya.

Iba naman daw ang naibigay sa kanya ng pang-general patronage series niyang Princess and I, kunsaan gumaganap siya sa papel ni Jao.

“Oo, parang bumalik naman ako sa pagiging matinee idol or goody-two-shoes na mga loveteam-loveteam, tweetums.

“Okey naman siya, I mean, gusto ng tao yun. Tuwang-tuwa sila.

“Pag nakikita ako, ‘Uy, si BJ, o! Bakit mo naman inaaway si Budoy?’ Hindi naman sila nagagalit.

“Pero ngayon, ‘Uy, Jao, lagi ka naming pinapanood, pati lola ko.’

“Yun talaga ang sinasabi nila—‘lola ko, apo ko.’ Nanonood raw sila, favorite nila.

“Ang sarap ng pakiramdam na buo silang pamilyang nanonood sa show namin.

“Yun ang tipo ng show na buong pamilya ang nanonood.”

KATHRYN-DANIEL TEAM-UP. Yun nga lang, parang mas maraming nasusulat tungkol sa loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Princess And I.

“Oo nga, e,” nangingiting pagsang-ayon ni Enrique.

Kung yung iba ay gumagawa ng paraan para pag-usapan ang loveteam nila, si Enrique ay tila kuntento na lang sa kung ano ang napapanood sa kanilang dalawa ni Kathryn sa serye.

Paliwanag niya rito, “Gusto ko lang kasi na… I don’t know, e. Hindi ko masyadong inaano yung mga loveteam…

“I mean, hindi naman yung I’m not really giving it importance, pero ayoko lang kasi na parang…”

Pilit?

“Oo, basta ako, steady lang ako. Relax lang ako kung alin ang ibibigay sa aking… Ibigay natin ito, ibigay natin itong eksenang ito.

“Okey lang ako. Relax lang.

“Okey lang kung maging close kami ni Kathryn… close naman kami ni Kathryn, pero hindi to the point na dahil loveteam kami.

“Okey naman kami, we’re close but… I don’t know.

“Mas feel siguro ng mga fans silang dalawa [Kathryn and Daniel] dahil sa Growing Up, nagsama sila. E, the same age ’ata sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas nagwu-work sa mga mata ng iba yung team-up nila," saad ng 20-year-old actor.

Hindi kaya ayaw lang niyang matali sa isang loveteam kaya hindi niya masyadong pinu-push yung sa kanila ni Kathryn? Dahil gusto niyang masubukang maipareha sa ibang female stars ng Kapamilya network?

“Well, hindi naman sa ayaw matali sa isang loveteam. It really depends what comes out…

“You know, nag-loveteam kami ni Kathryn sa Way Back Home. Nag-last naman siya and okey naman.

“But you know, if something comes up and hindi siya masyadong mag-work, e, di the next one na lang. Ganun na lang po.

“Kahit ano na lang po ang mangyayari, dun na lang po.

“Basta ako, steady lang ako, relax lang.”

Hindi kaya dahil ayaw niyang diktahan ng fans at paikutin ang mundo niya sa gusto ng mga itong ipareha sa kanya?

“Well, hindi naman siguro po. Masaya naman sila sa amin.

"Wala naman silang sinasabi na, ‘Uy, anuhin mo na naman si Kat [palayaw ni Kathryn].’ Wala naman silang ganun.

"Kung what they see sa teleserye... sobrang saya naman nila kapag nakikita kami, kinikilig naman sila.

“I just don’t wanna push the issue anymore.

“Ang sa akin, whatever happens sa show, happens.

“Sa ngayon, relax lang kami, we’re good friends.”

UNFAIR. Hindi ba siya nagpapakita ng interes na ligawan si Kathryn o pakuluin nang husto ang loveteam nila?

Sagot ni Enrique, “Ayoko kasing pumunta sa sitwasyon na kapag wala akong time sa… minsan kasi wala akong time sa sarili ko.

“Napaka-unfair ko kung gagawa pa ako ng ganun, wala naman akong time sa sarili ko.

“Kasi po, commitment po yun, e.

“Kung papasok ako sa ganun or magku-commit ako sa ganyan, gusto ko po, ready na ako.

“Kasi unfair po talaga sa iba.”

Puwede bang sabihing pinipigil lang niya ang kanyang sarili na manligaw at ma-in love para sa career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, sa ngayon po talaga, yun po. Maraming nagsasabi nung ganun, pero totoo po yun.

“Wala kang time umuwi, bukas pupunta ka naman sa shooting...

"There’s not enough time for it," sabi ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN