Friends Aiko Melendez and Pops Fernandez "taking their time" when it comes to their lovelife

Parehong single ngayon ang magkaibigang Pops Fernandez (left) at Aiko Melendez (right), pero hindi naman daw sila nagmamadali."We’re taking our time this time around," sabi ni Aiko. Pabirong sabad naman ni Pops: “Ako, I’m not taking my time, pero wala lang talaga.”


Namataan ng PEP ang magkaibigang Pops Fernandez at Aiko Melendez sa gala premiere ng Cinemalaya entry na Sta. Niña sa Cultural Center of the Philippines noong July 24.

Bagamat pinagkaguluhan ang magkaibigan ng mga nakapilang manonood ng pelikula, napagbigyan pa rin nila ng maiksing interview ang ilang media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naroon daw sila para suportahan ang entries ng Cinemalaya, kabilang na ang pelikulang pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sabi pa ni Pops, “First time kung makapanood sa Cinemalaya, kaya nae-excite ako.”

Balak din ba nilang gumawa ng indie movie in the future?

"We’re planning. Siguro, I’ll be part of it. She’s my line producer,” sagot ni Aiko, sabay turo kay Pops.

Sabi pa ni Aiko, suspense-drama ang nais nilang gawing pelikula kapag maayos na ang lahat.

Kaya naman daw nagpapapayat na talaga ang mother of three para sa gagawing movie.

“Nagpapapayat talaga ako, kasi gagawa ako ng movie ulit. May new soap din, so I have to get back in shape again,” sabi ng magaling na aktres.

Si Pops naman ay hindi gaanong aktibo ngayon sa kanyang singing career dahil mas pinagtutuunan nito ng pansin ang kanyang production outfit.

Kamakailan nga lamang ay nag-produce sila ng celebrity golf tournament for a cause.

Ibig bang sabihin nito ay pinaninindigan na niya ang kanyang pagiging producer?

“Trying, tingnan natin,” sagot ng tinaguriang Concert Queen.

LOVELIFE. Inusisa ng PEP kay Aiko ang napapabalitang may bago raw siyang dini-date ngayon.

“Si Pops ang bago kong lovelife—she should know!” natatawang sabi ni Aiko.

Sa nakarating na kuwento sa PEP, ang bago raw dini-date ni Aiko ay isang miyembro ng banda, na nakarelasyon na rin ng ilang female celebrities.

Pero parang clueless si Aiko sa issue. Aniya, “Parang wala namang ganun.”

Wala raw talaga siyang lovelife ngayon, pati na ang kaibigang si Pops.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Pops, Kaya kami magkakasama ngayon. Obviously, kami na lang muna ang magdi-date.”

Na sinundan naman ni Aiko ng:We’re taking our time this time around.”

Pabirong sabat ni Pops: “Ako, I’m not taking my time, pero wala lang talaga.”

Sa tanong ng PEP kung okay ba sa kanila na tatanda silang single, nagkatawanan lang ang magkaibigan.

Tugon ni Pops, “Nowadays, that is no such thing naman, di ba, it doesn’t really matter.”

Dagdag ni Aiko, “Age doesn’t matter, ’no? When you’re in love, you’re gonna be in love with the right person, in the right time, no age requirements.”

Usap-usapan naman ng ilang movie observers, ’Bilog talaga ang mundo.’ Dati rati kasi ay walang makakaisip na magiging good friends ang dalawang single ladies.

Si Aiko ay nakipaghiwalay sa asawang si Jomari Yllana, habang si Pops ay naging seryosong karelasyon ni Jom, bagamat sa iba namang panahon.

Ngayon, magkaibigan nang muli sina Aiko at Jom. Nag-family vacation pa sila together kamakailan, kasama ang kaisa-isang anak nilang lalaki at ang dalawa pang anak na babae ni Aiko.

May nagtatanong nga sa kanila kung magbabalikan pa sila, na hindi naman tinutuldukan ng dalawa.

Si Aiko at Pops naman ngayon ay magkaibigang matalik na, at ngayon nga ay magkasamang nanood ng Cinemalaya festival.

At kung sakali, magiging star pa si Aiko sa comeback movie niya na ipo-prodyus ni Pops.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN