Aga Muhlach on running for congressman of Camarines Sur: "Kung may gagawin kang ganitong pagtulong e dun mo na gawin sa pinanggalingan ng pamilya mo talaga.”

"Tayo naman, bilang isang artista, never naman ako nanloko ng tao. So, bakit ko pa naman gagawin ngayon yun? Na ngayong tumanda na ako, saka pa ako manloloko?” sabi ng aktor na si Aga Muhlach sa desisyong pasukin ang mundo ng pulitika.


Matagal nang usap-usapan ang pagsabak ni Aga Muhlach sa pulitika.

Hindi man niya hayagang inamin noon na tuloy na tuloy na ang planong ito, marami ang nakapagsabing palagi na raw nag-iikot si Aga sa lugar ng kanyang ama at lola sa Goa, Camarines Sur.

Nagparehistro na rin si Aga bilang botante sa San Jose, isang barangay sa munisipalidad ng Goa.

Nayong araw, August 3, nakatakdang manumpa si Aga sa Liberal Party, bilang miyembro ng partido ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aga noong Abril ng taong kasalukuyan, nagpahayag na siya ng kagustuhang maglingkod sa bayan ng kanyang mga ninuno.

(CLICK HERE to read related story.)

AGA IN BICOL. Noong Mayo, nakapanayam muli ng PEP ang Pinoy Explorer host bago siya lumipad patungo sa Wil Time Bigtime launch sa Los Angeles, California.

Dito ay nagsalita siya tungkol sa madalas niyang pagbisita sa Bicol, partikular na nga sa Camarines Sur.

Marami nga raw ang natutuwa dahil “nakaka-bonding” nila ang aktor.

Sabi ni Aga tungkol dito, “Yes, masayang-masaya rin ako, sa mga katulad kong Bicolanos at Bicolanas. So, maraming-maraming maraming salamat sa inyong lahat.”

Noong una ay hindi pa kinumpirma ng 42-year-old actor ang posisyong kanyang tatakbuhin sa 2013 elections.

Sabi ni Aga, “Siguro, in time I will announce it. Alam naman na nila sa Bicol kung ano ang tatakbuhan ko.

“Sa ngayon, malayo pa naman ang pagpaparehistro. Sa October pa iyan, but, you know, we’re all set.

“Dun na ako naka… dun na ako nakatira talaga, and umuuwi lang ako dito [Maynila] kapag may trabaho ako.

“Masaya, masaya… Sa mga taga-Bicol, gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat.”

Handang-handa na talaga siyang maglingkod sa kanyang mga kababayan sa Bicolandia?

“Yup, I’m ready for anything, I’m ready for anything.

“I’m just happy kapag nagpupunta ako dun, nakita ko naman na masayang-masaya sila…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At marami talaga ang nag-uudyok sa akin na… they want me there.

“And ang sabi ko naman, gusto ko rin pong gawin yun…

“I mean, mahilig din naman ako [tumulong] sa tao, ‘no. Pagtulong lang, wala naman talagang problema yun.”

SUPPORTIVE WIFE. Gaano naman ka-supportive ang misis niyang si Charlene Gonzalez sa planong ito?

“My wife is very supportive of me—anything I do,” pagmamalaki ni Aga.

“Sinabi niya nga sa akin, ‘My love, if you’re really serious, kung gusto mo talagang pasukin ‘yang mundo ng pulitika, pag nagdesisyon ka, ipikit mo lang mata mo.

"Huwag ka nang makinig sa mga paninira, gawin mo lang ang gusto mong gawin.’

“Meaning, ano ba talaga ang gusto mong gawin, gawin mo para sa mga kababayan mo—yun ang gawin mo talaga.

“Tulungan mo sila nang totoo, hindi ka mangangako ng ganito, na hindi mo gagawin. Make sure na ibigay mo yung para sa kanila.

“Sabi ko, e, tayo naman, bilang isang artista, never naman ako nanloko ng tao.

“So, bakit ko pa naman gagawin ngayon yun? Na ngayong tumanda na ako, saka pa ako manloloko?”

AGA IN CONGRESS. Sa huli, inamin na rin ni Aga na sa mababang kapulungan ang posisyong kanyang tina-target.

“I’m really targeting Congress talaga. And the projects that I can do for… dun sa lugar namin, dun sa distrito namin,” sabi niya.

Bakit sa Bicol siya nagdesisyong kumandidato?

“Taga-Bicol kasi kami talaga. Taga-Goa kami—ang aking pamilya, ang papa ko [Cheng Muhlach], ang lola ko.

“So, siyempre, kung may gagawin kang ganitong pagtulong e dun mo na gawin sa pinanggalingan ng pamilya mo talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN