Nora Aunor on passing of friends Dolphy and Mario O’Hara: "I hate goodbyes."

Malaking karangalan daw para sa Superstar na si Nora Aunor ang pagkakasali ng pinagbibidahan niyang pelikula na Thy Womb sa Venice International Film Festival. Aniya, "Kahit hindi manalo, malaking karangalan pa rin ’yon.”


Bumalik nang muli sa bansa ang Superstar na si Nora Aunor noong Agosto 1, Miyerkules, bandang 5:50 a.m., lulan ng Philippine Airlines (PAL).

Galing sa Amerika ang aktres.

Sa kaabalahan at pagod din niya sa biyahe, hindi agad nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Nora sa airport.

Pero kinahapunan, sandali namin siyang nakausap sa kanyang condo unit sa Eastwood, Quezon City.

ON MARIO AND DOLPHY. Ito ang unang pagkakataon na nakapagsalita si Nora sa PEP tungkol sa damdamin niya sa pagyao ng dalawang taong naging malapit sa kanya—ang direktor na si Mario O’Hara at ang Comedy King na si Dolphy.

"I hate goodbyes," makahulugang sabi ni Ate Guy.

Pumanaw si Direk Mario noong June 26, 2012, na siya ring araw ng pag-alis uli ni Nora papuntang States, para sa follow-up check-up ng kanyang vocal chords.

Nang pumanaw naman si Dolphy noong July 10 ay nasa U.S. na ang aktres.

Pero ilang beses naman daw niyang dinalaw sa ospital sina Direk Mario at Dolphy bago pumanaw ang mga ito.

Pero ang kuwento ni Ate Guy, the night before Mario’s death: "Nagparamdam si Direk Mario. Dinalaw niya ako dito.

“Dalawang beses nangyari ’yon, may kumatok sa pinto.

"Talagang narinig ko yung katok na napakalakas, tok... tok... tok... wala namang nag-iingay sa labas.

"Pangalawa, binuksan ko na yung pinto. Wala namang tao.

“Nung dumating si John, after thirty minutes, ’Ikaw ba yun?’" tanong daw ni Guy.

Sabi ni John Rendez, hindi naman daw siya ang kumatok.

Si Jerry O’Hara, Mario’s younger brother, ang nagpaalám kay Nora na yumao na ang direktor.

Kuwento ni Nora tungkol kay Direk Mario, "Nung huli naming pagkikita, tumabi ako sa kanya, ’Direk, lakasan mo ang loob mo. May gagawin pa tayo, yung Luna Rosa.’

"Humawak talaga siya sa akin nang mahigpit, tapos umiyak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol kay Dolphy, sabi ni Nora, "Si Pareng Dolphy, kumpare ko yun... mahal ko yun.

"Nung araw, pag walang-wala ako, siya ang tinatawagan ko. Hindi ako nagdadalawang-isip diyan.

"Di ba, marami siyang taong natutulungan? Isa na ako roon."

Nagkatambal sina Dolphy at Nora sa tatlong pelikulang iprinodyus ng Comedy King para sa RVQ Productions: Kaming Matatapang Ang Apog (1975), Jack En Jill Of Da Third Kind (1978), at My Bugoy Goes To Congress (1987).

THY WOMB IN 69TH VENICE FILMFEST. Malaking balita rin sa pagdating ng Superstar ang tungkol sa pagkatanggap ng pelikulang Thy Womb sa main competition ng 69th Venice International Film Festival sa Italy.

Si Nora ang bida sa indie movie na idinirek ni Brilliante "Dante" Mendoza.

Gaganapin ang festival mula August 29 - September 8.

(CLICK HERE to read related story.)

Kasabay nito ang pagkakaroon din ng special retrospective screening ng ilang klasikong Pinoy films sa Venice filmfest:


Himala (1982), in its restored HD copy, na pinagbidahan ni Nora at dinirek ni Ishmael Bernal.

At ang Genghis Khan (1954) ni Manuel Conde, ang unang Filipino film na nag-compete sa Venice.

Parehong National Artists sina Conde at Bernal, na itatampok ang mga pelikula sa Venice International Filmfest ngayong taon.

Sa pangyayari ay masayang-masaya si Nora.

"Siyempre naman. Malaking karangalan para sa sinumang artista na mapasali sa international competition ang kanyang ginawang pelikula.

"Kahit hindi manalo, malaking karangalan pa rin ’yon,” saad niya.

Nakatakdang magtungong Venice sina Nora, Brillante, at mga kasamang artista ng Thy Womb.


Patatapusin lamang ang September 3 premiere night sa Greenbelt 3 Cinema ng Captive, na idinirehe rin ni Direk Brillante.

HIMALA AND OTHER FILMFEST TRIUMPHS. Napag-usapan na rin sa panayam ng PEP kay Ate Guy ang mga international filmfest competitions na nasalihan ng mga pelikula ng aktres.

Tulad ng Himala, na main competition entry din noong 1983 sa Berlin at Chicago International Festivals.

Sa Chicago ay nanalo ang Himala ng Bronze Hugo Prize, samantalang sa Berlin ay isa lang puntos daw ang naging lamang ng best actress winner, isang Russian actress, kay Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi ni Direk Bernal, noong nabubuhay pa ito, na "very slim chance" lang talaga na masungkit ni Nora ang international best actress award, dahil sa hindi pag-attend ni Nora sa event sa Berlin.

"E, hindi nila ako binigyan ng kasama kaya hindi ako natuloy," pag-alala ni Ate Guy.

Si Direk Bernal ang um-attend bilang direktor ng obra.

Noong 1995 naman, muling naparangalan sa ibang bansa ang pelikulang tampok si Nora. Ito’y ang The Flor Contemplacion Story ni Joel Lamangan.

Ito’y nagwagi ng Best Picture at Best Actress (Princess Pattatten statuette) prizes sa Cairo International Filmfest sa Egypt.

"Doon naman, pina-attend nila ako kasi dun naman, alam na kung sino ang nanalong best actress," banggit ni Guy.

Iyon din ang unang pagkakataong nanalo ng international acting award si Nora.

Nang sumunod na taon, nanalo uling best actress si Nora, sa Penang, Malaysia naman, para sa Bakit May Kahapon Pa? (1996), na idinirehe rin ni Joel Lamangan,

"Nung time na ’yon, may kampanya kay Erap [then Vice President Joseph Estrada]. Hindi niya ako pinayagan," sabi ni Ate Guy. Si Guy at Erap ay naging item at one time.

Si Gary Valenciano, na nagkatoong nasa event, ang tumanggap ng tropeyo para kay Ate Guy.

BONA IN CANNES. Bukod sa mga nabanggit, may naunang international filmfest na kung tutuusin ay kauna-unahan talagang pagdalo ni Nora abroad.

Ito’y para sa pelikulang Bona (1980) ni Lino Brocka, isa pang National Artist for Film, na napabilang sa Directors’ Fortnight ng prestihiyosong Cannes International Film Festival sa France.

Non-competition ang nasalihan ng Bona, but Nora was present to grace the event.

At na-interview rin daw siya doon ng foreign media.

Kinabahan din daw si Nora, bagama’t mayroong interpreter sa media conference.

"Siyempre, naman... of course!" natatawa niyang pag-alala.

THEATER COMEBACK. This year, binigyan ng pahintulot ni Nora, bilang dating producer, na maisadula ng Philippine Educational Theater Association (PETA) ang Bona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ito ay bilang 45th anniversary season-opener ng progresibong theater company.

Ang stage version ay mula sa panulat ni Layeta Bucoy at sa direksiyon ni Soxy Topacio.

Tampok bilang Bona si Eugene Domingo. Si Edgar Allan Guzman ang magsasabuhay ng role ni Phillip Salvador, na isang small-time actor na naging object ng obsession ng fan na si Bona.

Sa August 24 ang opening ng Bona sa PETA Center sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Pupunta raw si Nora sa opening bilang pagsuporta kina Eugene at Edgar Allan, na pareho niyang nakasama sa mini-seryeng Sa Ngalan Ng Ina.

Ayon din kay Ate Guy, gusto na niya uling lumabas sa isang stage play.

Tatlong dula ang natampukan ni Nora noong 1990s: PETA’s Minsa’y Isang Gamu-Gamo at DH (Domestic Helper), at ang The Trojan Women.

Sabi ng aktres, "Nami-miss ko na ang pag-perform uli sa stage.

"Ang pangarap ko nga lang, na gusto kong matupad sa isang taon, isang malaking pelikula, tapos isang stage play, at isang malaking concert.”

SINGING CAREER ON HOLD. As to Nora’s wish for a big concert, or plans to revive her singing career, hindi muna ito matutuloy this year.

"Let her act muna," sabi ni Boy Palma, Nora’s personal manager.

"TV5 has big plans for her, tulad ng pelikula ng Studio 5 and, possibly, a teleserye.

"We still don’t know which one she’ll do first. At marami siyang guestings for TV5 shows, tulad ng Untold Stories.”

Baka matuloy na rin daw yung guesting ni Nora sa programa ni Sharon Cuneta na Sharon, Kasama Mo Kapatid.

Nag-confirm naman si Boy hinggil sa pagge-guest ni Nora sa unang telecast ng Ang Latest Update ng TV5 bukas, August 4.

THE VOICE. Marami ang naghihintay ng ulat tungkol sa pagpapa-opera ni Nora ng kanyang lalamunan, na dahilan ng pagpunta niya sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP inquired about the steps taken by Ate Guy matapos ang una niyang pagpunta doon noong January 2012.

"Therapy pa lang naman yung noon. Hindi pa yung actual operation.

"Kaya nga ako pinabalik uli para sa check-up, kung puwede nang maoperahan,” sabi ng Superstar.

Matapos mag-shooting ng Thy Womb ay pumunta uli ng States si Ate Guy noong Mayo, matapos ng kanyang kaarawan.

Pero hindi uli natuloy ang operasyon. Imbes ay tumulong si Nora sa paglulunsad ng TV5 channel sa U.S.

This time, hindi na naman natuloy ang operasyon, pero hindi nagdetalye ng mga dahilan si Ate Guy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN