Julie Anne Jose on successful loveteam with Elmo Magalona: “Siguro nga, may magic and chemistry kami.”

Ipalalabas na ngayong buwan ang launching movie ng tambalang Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, ang Just One Summer. Nang tanungin kung may pressure silang nararamdaman, sagot ni Julie Anne: “If magiging hit man po yun or not, so be it, di ba? Hindi naman po natin masasabi kung ano talaga ang mangyayari. But we’re still hoping for the best nga po and hoping and praying na magustuhan ng iba.”


Simula bukas, August 4, ay tuwing Sabado na ng hapon mapapanood ang youth-oriented program nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona sa GMA-7, ang Together Forever.

Nagkaroon ng pagbabago sa araw at timeslot ng ilang programa ng Kapuso network, at isa ang Together Forever sa nakasama rito.

Mula sa original timeslot nilang Sunday afternoon ay malilipat na ito tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ng Startalk.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa taping ng Together Forever kahapon, August 2, sa Antipolo, sinabi nitong wala na yung pressure na naramdaman nila noong una.

Saad niya, “Nag-e-enjoy naman po ako. As weeks go by, parang mas lalo pang tumitindi at gumaganda ang story.

“Nakahinga naman na ako noon kasi iba’t ibang story naman at different cast.

“Medyo pinu-focus lang namin ngayon yung sa upcoming movie, yung Just One Summer.

“Malapit na rin mag-showing yung movie, at nag-last shooting day na rin kami noong Wednesday. Kulang na lang dubbing at musical scoring, yun, tapos na.”

Ang Just One Summer ang launching movie ng tambalan nina Julie Anne at Elmo para sa GMA Films.

Finally ay natapos na nila ang pelikula at malapit na ngang ipalabas.

Sabi ni Julie Anne, “Isa po talagang fulfillment na natapos na namin ang movie.

“Ang tagal-tagal na naming sinu-shoot, parang since April pa yata, due to the weather. At sa awa naman po ng Diyos, natapos na rin namin.”

BATTLE IN THE BOX-OFFICE. Ngayong buwan din ipalalabas ang youth-oriented movie ng Star Cinema, ang The Reunion. Dagdag pressure ba ito sa kanila?

“Ako po, I’m just hoping for the best at, sana, magustuhan ng mga tao at magkaroon ng maraming magagandang feedback at review,” sabi ng young singer-actress.

Ipinarating namin kay Julie Anne ang aming obserbasyon na siya yung tipo ng tao na hindi madaling magpadala sa stress o pressure. Tama ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa 18-year-old Kapuso star, “Kasi po, ako, whatever happens, mag-hit man or not, kumbaga, gusto ni Lord yun. Yun ang will Niya. Yun ang gusto Niya na mangyari.

“If magiging hit man po yun or not, so be it, di ba? Hindi naman po natin masasabi kung ano talaga ang mangyayari.

“But we’re still hoping for the best nga po and hoping and praying na magustuhan ng iba.”

JULIEMO MAGIC. Hindi matatawaran ang tiwala ng GMA network sa loveteam nina Julie Anne at Elmo.

Bukod sa malaking exposure nila sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas, binigyan pa sila ng sarili nilang TV show at pelikula.

Napag-uusapan o naitatanong ba nila sa isa’t isa kung ano ang meron sila at ganito kalalaking opportunities ang ibinibigay sa kanila ng GMA-7?

Sabi ni Julie Anne, “Siguro kasi, minsan napag-usapan din namin yun, pero never naman na tinatak namin sa isip namin na we’ve been given so much opportunity, so we should, like, grab it or take advantage of it.

“Pero siguro, ang masasabi ko, two years na rin kaming magkasama ni Elmo at ang dami na rin naming experiences together. We’ve been through a lot of things.

“Sobrang daming intrigues, issues, and yet mas marami namang opportunities na dumarating, mga shows and projects.

“Thankful lang din kami at siguro, masasabi ko lang, meron siguro kami na, yun nga, yung magic namin sa isa’t isa."

Patuloy niya, “Parang our loveteam started in Party Pilipinas, and it’s really unexpected and experimental also.

“Si Mo, na-discover sa Party Pilipinas through rapping.

“Ako naman, galing ako sa SOP, nag-reformat, nag-Party Pilipinas, and I was given a chance to be a mainstay of the show.

"And the production team to build up a tandem—yun nga, kaming dalawa ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Experimental, e. It’s a different team-up. Siya rap; ako naman, kanta.

“So, parang pareho kaming nagdya-jibe sa isa’t isa and, nowadays, parang bihira ang gumagawa ng ganoon.

“And I was not really expecting that we will go this far. So, thankful talaga kami.

“So, siguro nga, may magic and chemistry kami.”

THE LOVETEAM. Napag-uusapan din ba nila ni Elmo ang posibilidad na paghiwalayin sila ng network balang-araw?

Sagot ni Julie Anne, “We thought about it even before pa. Kumbaga, ‘Paano kung mabubuwag?’

“Well, siguro, desisyon naman po kasi yun ng management or network kung paghihiwalayin po kami.

“But we’re still going to do our job and be professional.

“At kami naman po ni Elmo, hindi naman porke’t… if ever na mabuwag, e wala na, di ba?

“Siyempre, magkaibigan naman kami ni Mo. Siyempre, sa tagal na rin namin, mas nagiging close pa kami sa isa’t isa.”

LAUREN YOUNG. Ayaw namang magbigay muna ng komento ni Julie Anne sa napapabalitang paglipat sa GMA-7 ni Lauren Young.

Si Lauren ay nali-link kay Elmo, at may nagsasabi pa ngang girlfriend na ito ng binata.

Hindi kaya maging threat sa loveteam nina Julie Anne at Elmo ang napipintong paglipat ni Lauren sa Kapuso network?

“I don’t know po. Hindi ko naman po alam ang plano,” sagot ni Julie Anne.

“Si Lauren naman, na-meet ko na po siya before, and she’s kind naman po.

“At saka, depende naman po yun sa desisyon ng management.

“And so far po, ang dami pa po naming ano ni Mo… may movie pa nga po kami.

“At siguro po, yun ang magiging turning point sa loveteam namin, kung ano po ang mangyayari. Yung sa movie po siguro.

“At saka, kami naman po ni Mo, may different career rin po kami aside sa loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mo, may iba rin po siyang projects. Ako rin po, may iba.

“So, parang masasabi ko lang na we’re really working hard for us to be here in the industry.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN