Matt Evans expects daring and sexy role in Precious Heart Romances: Isla episode

Sa pang-apat na pagkakataon sana, sasalang muli si Matt Evans sa Star Magic Olympics. Sa hindi inaasahang pangyayari, naaksidente siya at hindi nakadalo. Natalo ang Green Team niya. Apektado ba siya ng kanilang pagkatalo? Sabi niya: “Medyo-medyo, pero siguro may purpose din naman why it happened, di ba?”


Hindi nakarating si Matt Evans sa ginanap na Star Magic Olympics sa Celebrity Sports Complex noong nakaraang Hulyo 29, Linggo.

Naging bulung-bulungan tuloy ang aksidenteng nangyari kay Matt isang araw bago ang sportsfest.

Nasa press conference si Matt para sa bago niyang pelikulang The Reunion, noong nakaraang Hulyo 31, Martes, na ginanap sa Dolphy Theater, ABS-CBN.

Nakapanayam dito exclusively ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matt at inusisa tungkol sa nangyaring aksidente sa kanya.

Ani Matt, “It happened a day before the Olympics…

“Practice pa lang namin nina Zanjoe [Marudo], para nga paghahanda nga namin sa Olympics kinabukasan.”

“Pero, okay naman na ako now, medyo malaki-laki lang yung damage, pero okay naman na wala masyadong masamang nangyari sa akin.

“Tinahi siya ng limang stitches dahil sa sugat sa ulo. Pero yung CT-scan, okay naman daw, wala namang fractures sa bones.”

THE ACCIDENT. Ano ba ang nangyari during that practice?

“Actually, it’s all an accident, kasi nagdi-dribble kami at nagpapa-practice.

“Tapos, nang dadamputin ko yung bola… ayun, bigla akong nadulas.

“That’s the reason kung bakit hindi ako naka-attend ng Star Magic Olympics. Green Team sana ako, kasama ko nga sina Zanjoe.”

Malaking factor ba ang aksidente ni Matt sa pagkatalo ang Green Team?

“Hindi ko alam… hindi ko alam. Siguro para sa akin, isang malaking factor sa sarili ko.

“Kasi nga, pinaghandaan ko yung Olympics na yun, tapos ayun nga ang nangyari.”

Gaano ka-disappointed si Matt na di siya naka-attend ng Star Magic Olympics?

“Medyo-medyo, pero siguro may purpose din naman why it happened, di ba?”

“Nakikibalita naman ako kina Zanjoe kung ano nangyari sa Olympics mismo, e.

“Saka, pangatlong Star Magic Sports Fest ko na nga sana ito, pero ayun nga ang nangyari.

“Pero na-enjoy ko naman yung mga Olympics last year. Pero ayun nga, medyo nadismaya nga lang ako nang kaunti dahil hindi ako naka-attend this year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PHYSICAL CONDITION. Medyo okay na ba si Matt ngayon after the accident?

“Yes, okay na ako. Medyo may bandage pa nga lang ang ulo ko kaya ganito yung suot ko. Tinatakpan ko pa yung ulo ko.”

GAY ROLE. Kasabay ng sportsfest na ito, pinaghahandaan din ni Matt ang pelikulang The Reunion. Ano ba ang role niya dito?

“Ako dito si Jay, gay role yung ginagampanan ko rito, best friend ako ni Jessy Mendiola rito.

“Sobrang masaya at kwela ang movie na ito, sobrang ’binigay ko yung best ko rito bilang gay.”

First time ba niyang gumanap bilang gay sa isang pelikula o show?

“Sa MMK [Maalaala Mo Kaya], gumawa na ako ng drama na gay role din.

“Pero dito sa pelikula, ibang klaseng gay role ang gagampanan ko—ibang atake naman ang makikita ninyo rito.

“Na-enjoy ko naman yung role ko rito bilang gay, gusto ko talagang lagyan ng kulay yung role ni Jay dito.

“Isa siya kasi sa mga strength ng barkada, kung bakit nagkakaroon ng turning point si Jessy sa pag-ibig niya—mga ganun.”

ROLE MODEL. Habang ginagawa ni Matt yung gay role, sino ang naiisip niyang aktor o sino ang peg niya na dati nang nag-gay role?

“Kumbaga, lahat ng info na nakukuha ko in different aktors na napapanood ko bilang gay ay ini-a-apply ko na lang.

“Tapos with the help nung feedback ni Direk at nung mga kasama ko… tapos pag nagustuhan nila, I stick to it na lang.”

Kasali rin si Matt sa Precious Heart Romances: Isla episode. Kilalang seksi at daring ang seryeng ito.

Paano pinaghahandaan ni Matt ang kanyang gagampanan dito at sinu-sino ang mga makakasama niya?

“Yung Isla naman, medyo kakaiba rin naman yung role ko roon. Nag-start na taping namin.

“Ginagawa na namin siya, hopefully maipalabas na rin. Kasama ko rito si Jessy Mendiola, Mateo Guidicelli, at Jewel Mische.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Precious Heart Romances ito, kaya medyo seksi ang dating ng mga eksena.

“Kaya kailangan ko talagang mag-exercise at mag-work out para maganda ang katawan ko sa screen.

“Kasi medyo may mga topless at sexy scene kami rito,” panghuling saad ni Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN