Pokwang on her would-be suitors: “Kahit na ano, basta may respeto.”

Masaya si Pokwang sa breaks at training na ibinibigay ng Star Magic sa kanilang mga artista. Sabi niya: “Yun talaga ang ano [pinupursige] namin sa Star Magic—yung mga versatile ang mga artista nila. Yun talaga ang gusto ng Star Magic talaga, na lahat kami mabigyan ng roles na hindi mo akalain na magagawa pala namin.”


Hindi maiwasang abangan kung kailan talaga magkaka-lovelife si Pokwang.

Ito ay matapos kumpirmahin ng kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas na may bago nang boyfriend ito na pakakasalan sa pagtatapos ng taon.

Aminado naman si Pokwang na hanggang ngayon ay wala pa siya uling nagiging karelasyon.

Pero naniniwala raw siyang isa itong bagay na kusang darating kahit hindi niya hanapin.

“Ako, happy ako for Ms. Ai-Ai Pero ako, feel ko, malapit na siguro. Naniniwala ako na magiging masaya din ako balang araw.

“Hindi naman ako naghahanap, okay lang… ganun talaga. Kita mo si Ms. Ai, hindi niya hinanap yun, pero ’binigay ni God. So, ganun lang.”

AGE DOESN’T MATTER. Tulad ng Comedy Queen, hindi rin issue kay Pokwang ang edad, kung mas bata man sa kanya ang magiging susunod na karelasyon.

Tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nag-iingat din ba siya sa mga lalaking kasikatan lang niya ang habol.

“Kahit na ano, basta may respeto. Marami na akong natutunan sa buhay, ‘yun na lang ang dala-dala ko araw-araw.

Sa ngayon ay ine-enjoy ni Pokwang ang company ng mga kaibigan.

Hindi naman daw tutol ang anak niya kung saka-sakaling magka-boyfriend siya sa ngayon.

“With friends. Recently lumabas kami nila Angel [Locsin], ng Toda Max. Kami ni Ms. Kris [Aquino], nanood kami ng The Healing.

“Lumalabas ako pero puro mga kaibigan lang.

“Sa edad niyang [ng anak niya] fifteen years old, nakakaunawa na siya, deadma lang siya.”

Kasama si Pokwang sa pelikulang The Healing, na hanggang ngayon ay patuloy na pinipilahan sa takilya.

“Congrats sa lahat ng bumubuo ng The Healing, lalo na kay Gov. Vilma Santos, Direk Chito Roño, sa lahat ng cast, kay Kim [Chiu], sa Star Cinema.

“Maraming, maraming salamat sa lahat ng tumangkilik ng pelikula, hindi magiging blockbuster ang movie kung wala kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Pokwang na ang pagsasama nila ng Star For All Seasons sa The Healing ay naging simula ng kanilang matalik na pagkakaibigan.

“Of course, tuloy-tuloy na yun. Grabe si Gov. Vi… pag tinext mo, dalawa agad ang sagot at agad-agad.”

Pagkatapos ng The Healing, marami ang nakakapansin na medyo nalilinya sa mga seryosong roles si Pokwang, tulad ng sa Aryana.

Ang mga proyektong ito raw ang ikinatututwa ng komedyana dahil nakakatulong sa kanya para maging isang versatile actress.

“Yun talaga ang ano [pinupursige] namin sa Star Magic—yung mga versatile ang mga artista nila.

“Like si Kim, happy siya kasi hindi lang siya puro pa-tweetums sa The Healing—nanakot siya, nagdrama din siya.

“Ibang Kim ang ’pinakita niya sa The Healing.

“Yun talaga ang gusto ng Star Magic talaga, na lahat kami mabigyan ng roles na hindi mo akalain na magagawa pala namin.”

Sa kabila ng mga seryosong roles ay mukhang hindi pa rin matalikuran ni Pokwang ang comedy.

Sa ngayon ay may tinatapos siyang pelikula kasama sina Wally at Jose, ang dalawang sikat na mga komedyante mula Eat Bulaga!

“May ginagawa ako ngayong movie with Wally and Jose, Sa Iyo Ang Pritil, Sa Akin ang Bangkusay.

“On-going ang shooting namin. Wala pa namang definite date kung kailan dapat ipalabas.

“Nakatrabaho ko na sila before sa Pak, Pak, My Dr. Kwak… hayun mga baliw pa rin sila. Malalambing kahit mga barubal minsan."

Meron bang kumpetensiya sa kanilang tatlo?

“Kumpetesya? Wala naman, kasi may kanya-kanya kaming binigay na role.

“Yung mga ’binigay na roles sa amin, bagay na bagay sa pagkatao namin—tugmang-tugma!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN