Aga Muhlach reacts to criticisms of celebrity politicians; insists he’s not leaving showbiz

Aga Muhlach thinks it’s unfair to underestimate celebrities who run for public office: “Maraming nagtatanong, artista lang yan, anong magagawa n’yan? Hindi nila pwedeng sabihin na artista lang yan, anong magagawa niyan…Dahil nga, artista, tapat na naghahanap-buhay nga, and alam nila ang tao. Walang nagnanakaw na artista, walang, parang, corrupt talaga na artista."


Ganap nang sumumpa ang aktor na si Aga Muhlach sa ilalim ng Liberal Party (LP), alas-sais ng gabi, August 3, sa LP headquarters sa Cubao, Quezon City.

Sumumpa ito sa harap ni Liberal Party President Mar Roxas at ng iba pang mga miyembro ng partido.

Ito ay ilang oras matapos i-announce ni Aga ang kanyang desisyong tumakbo bilang representative ng ikaapat na distrito ng Camarines Sur sa darating na 2013 elections.

(CLICK HERE to read related article)

Buong suporta naman ang ipinakita ng kanyang asawang si Charlene Gonzales at ng anak na si Luigi Muhlach, at maging ng mga kaibigang sina Cesar Montano at Bayani Agbayani.

FROM SHOWBIZ TO POLITICS. Marami ang nagtatanong kung bakit nagdesisyon si Aga na pumasok sa pulitika.

Sagot niya: “Cause it’s about time na I pay it forward. It’s about time na…kasi half of my life, itinaguyod ako ng mga taong-bayan, ng buong Pilipinas.

“Parang ngayon naman, slowly, slowly, the next half of my life, I wanna give it back…and that’s pinaka-sincere na sagot ko talaga, basically.”

Isa pang malaking tanong ng mga tao ay: bakit ngayon?

“I think now is the right time. Now is the right time. Because when PNoy [President Noynoy Aquino] entered the picture, biglang yung nangyari sa kanya, nakita ko na pwede pala.

“Tapos nilalabanan niya yung korapsyon ngayon, pwede pala, sabi ko.”

Iginiit naman ni Aga na hindi niya iiwanan ang showbiz.

“No, no, no. Kasi sabi ko nga, ang industriya, ang indutriya ng pelikulang Pilipino, ang nagbigay sa ’kin ng pagkain sa la mesa.

“Ang mga taong sumusuporta sa’kin dun ang nagbigay sa ’kin ng pagkaing kinakain ko at ng aking pamilya.

“Yan ang aking hanapbuhay din. Hindi ko pwedeng iwanan ’yan, ’yan ang aking hanapbuhay.

“Ang tao, ang pulitika, hindi ko paghahanap-buhayan. Bawal paghanap-buhayan dapat yun. Kaya I’m just here to serve them,” wika ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling mahalal siya bilang Kongresista, paano niya pagsasabayin ang showbiz at pulitika?

“I’ll see when I get there, but right now my priority is both. Right now, mag-uumpisa na ang campaign, di ba?

“And ginagawa kong pelikula… may tinatapos ako ngayon, and by August I’m done with that movie.

"So next movie ko is next year, in two years’ time pa. There’s so much time.”

CELEBRITY POLITICIANS. Hindi na bago sa publiko ang mga artistang pinipiling sumabak sa mundo ng pulitika.

Nariyan sina former President Joseph Estrada, Senator Tito Sotto, Senator Bong Revilla Sr. at anak na si Senator Bong Revilla Jr., Governor Vilma Santos-Recto at marami pang iba.

Gayunpaman, marami pa rin ang kumukwestyon sa motibo at kakayahan ng mga artistang nagdedesisyong tumakbo sa public office.

Ayon kay Aga, “Maraming nagtatanong, artista lang yan, anong magagawa nyan? …Hindi nila pwedeng sabihin na artista lang yan, anong magagawa niyan…

“Dahil nga, artista, tapat na naghahanap-buhay nga, and alam nila ang tao. Walang nagnanakaw na artista, walang, parang, corrupt talaga na artista.

“So lahat ng mga naninilbihan ngayon na artista from Governor V, who happens to be a good friend of mine…

“Si Governor V alam naman natin yung ginagawa niya ngayon mula sa pagka-mayor, governor na siya and tignan niyo yung kinatatayuan niya, malinis, maganda. Kung kaya nilang gawin yun, pwede ko ring gawin yun.

Anong masasabi niya sa mga kritisismong patuloy na ibinabato sa mga celebrity-turned-politicians?

“Sinabi ko na nga, kasi, I think parang it’s unfair to…ihiwalay natin ang mga artista na parang walang kwenta ang mga artista.

“Ang mga nagsasabi kasi naman niyan yung mga kalaban na pulitiko, no.

“Yung mga kalaban, pag sinasabi nila, a walang kwenta ’yan, artista ’yan…ang sinasabi ko dun, ang sagot ko dun, para mong hinusgahan ang sambayanan na wala kayong karapatan lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi tao lang tayo pare-pareho. Para mong sinabing, mangingisda ka lang, wala kang karapatan; magsasaka ka lang, so wala kang karapatan. So mali yun, mali talaga yun.”

Marami ang naniniwalang magulo at madumi ang mundo ng pulitika. Handa na ba si Aga sa ganito?

“They will be, I won’t be. Parang, as dirty as they may get, kung anuman gawin nilang dumi, parang, may pakiramdam ako na wala naman silang maidudumi sa ’kin dahil bukas naman ang buhay ko.

“Like, nakikita niyo naman—kayo sa media, nakikita niyo naman lahat, wala naman akong naitago,” diretso nitong sagot.

LIBERAL PARTY & PNOY. Marami ring nais makaalam kung bakit sa Liberal Party napiling umanib ni Aga?

“Because yung corruption, ano… fighting corruption…parang, kasi you know, half of my life I’ve been doing movies, and I’ve been, you know…

“Maraming gift sa’kin, maraming blessings sa akin. Sinabi ko, the next half of my life, you wanna pay forward, you know, you wanna give back to the Filipino people.

“And, sino yung kasama mo dun? Yung lumalaban sa corruption. Kasi, sinasabi nga di ba, ang Pilipinas, kawawa na talaga tayo kasi lahat ng nakakakuha ng p’westo talaga, kuha lang nang kuha ng pera.

“E kung yung perang yun, dalhin na lang natin sa tao, e di wala ng sakit ng ulo, lahat tayo nakangiti.

“Mahirap, mayaman, lahat may ngiti. Wala na yung mahirap na mahirap, wala na yung mayaman na mayaman, diretso lang tayo lahat,” paliwanag ni Aga.

Lingid sa kaalaman ng marami, at ngayon ay ibinabahagi ni Aga, na siya mismo ang lumapit sa Liberal Party upang umanib sa kanila.

“Ako nag-approach sa kanila. Hindi nila ako kinuha e. Kumatok ako sa pintuan nila, sabi ko, ’P’wede ba ‘ko sa inyo?’

“Ako ang kumontact sa kanila dahil naniniwala lang ako…wala akong ibang kinontact na ibang partido kundi ang Liberal lang, dahil naniniwala ako sa ginagawa ng Presidente natin,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina LP President Mar Roxas at Department of Interior and Local Government Secretary Jessi Robredo raw ang kaniyang nilapitan upang ipaalam ang intensiyon niyang tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal.

CAMARINES SUR. Hindi naman inaasahan ng marami na sa Camarines Sur tatakbo bilang kongresista si Aga.

Paglalahad niya, “E taga-dun naman kami talaga. So, sabi ko, kung meron lang akong tutulungan na lugar, dun na sa pinanggalingan ng mga ninuno ko, ng aking lola, ng aking tatay.

“Plus, parati akong nandun. For the past five, six years, dun ako nagbi-birthday, pumupunta ’ko dun. So, sinisilip ko na talaga yung lugar.”

Ang political clan ng mga Fuentebella ang makakaharap ni Aga sa eleksyon. Handa ba siyang harapin ang mga ito?

“A, yes. Malaki lang sila in terms of, because of, the number of years that they have served.

“But pagdating naman sa gawa, I think people will decide.

“And I’m banking on that. Gagawin ko yung makakaya ko, I will go around and offer…io-offer ko ang pagkatao ko, io-offer ko ang serbisyo ko sa bayan at Partido.”

POLITICAL PLANS. Ang pagiging bahagi ng Kongreso ay nangangahulugang paglikha ng mga batas.

Bakit ito ang napiling pasukan ni Aga sa halip na isang executive position tulad ng mayor?

“Why Congress? Parang, there’s just more I can do. There’s just more I can do, like, especially when I’m here, when I’m in Manila, pag nasa Batasan ako, there’s just more I can do.

“But at the same time, it’s considered…it’s national but it’s local also, ’no? It’s the same thing…

“Parang, my connection sa national government, kaya kong dalhin lahat yun, kaya kong dalhin para sa distrito namin. And I’ll do that,” wika niya.

Isa sa mga malaking plano ni Aga para sa CamSur ay may kinalaman sa turismo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, first and foremost talaga is, I love development. Ang dami kong dinidevelop na mga lugar.

“So, sabi ko, why not do it here? Sa mahirap na lugar…to help them na makaahon sila. Tourism is number one.

“Unang-una, ipakilala ko sa ibang bayan ang Cam Sur. Kasi, pag pinuntahan na ng mga negosyante ang Cam Sur, sinong makikinabang nun?

"Yayaman… lahat ng hanapbuhay na hinahanap nila nandun na dati sa kanila, hindi na nila kailangan umalis pa.”

Kasunod naman daw ng kabuhayan ang edukasyon, kaya’t binabalak rin niyang magtayo pa ng mga paaralan sa nasabing bayan.

Marami man daw plano si Aga para sa Camarines Sur ay ayaw niya munang isa-isahin ang mga ito.

Wika niya, “Marami akong plano…marami akong plano, magagandang plano talaga.

“But sabi ko nga, gusto ko munang itago yun kasi parang I don’t wanna sound like a typical, bagong pasok sa pulitika na magkukwento nang magkukwento ng kung anu-ano…

“Parang, sa ‘kin lang, first thing I wanna do first ay makasama ko lahat ng mga kababayan ko ‘ron…Maibigay ko sa kanila, mailatag ko sa kanila, kung ano yung gusto kong gawin para sa kanila…

“At, hopefully, payagan tayo na manalo, at pag nanalo tayo, then I would…you know…”

Sa tingin ba niya ay malakas ang laban niya sa pagiging kongresista sa Camarines Sur?

“Ayokong isipin na malakas ako. But, sabi nila. We’ve done a lot of surveys already and sa surveys na yun parang tayo yung nakakaangat naman…”

SENATOR? PRESIDENT? Nang tanungin kung iniisip niya ang posibilidad na tumakbo pa sa mas mataas na posisyon sa hinaharap, ito ang sagot ni Aga:

“We’ll have time for that, you know. In time, we’ll see. We’ll see. Sabi ko nga, right now I just want to pay [it] forward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really wanna be a help to the Filipino people. It’s about time na pangarap ko talaga…

“Kasi nakaupo lang ako e, ’no? Sa gilid, nakatingin lang ako na parang naaawa ka sa bansa mo.

“So, parang siguro ngayon gagalaw ako…Sabi ko nga e kung aabot sa pagiging presidente yun, kung gagawin mo yun, e di gawin mo yun, ’di ba?

"Hanggang dulo, bahala na…”

Paglilinaw namin, kinokonsidera ba niya ang pagtakbo sa mas mataas pang posisyon tulad ng senador o presidente?

“Kung aabot ka ro’n, kung aabot ka ro’n, people will allow you and God-willing aabot ka ro’on, then you cannot take that away na parang…

“Ang sa ’kin kasi, right now, I wanna serve the Filipino people, that’s what I wanna do.

“Pag aabot dun, bakit hindi? Why not? Pero malayo pa yun.

“But, you know, what I’m trying to say, kung hanggang saan ka aabot, kung anong kinakailangan para makatulong ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN