Igi Boy Flores wants to expand acting experience: “Ang dream ko sana, character actor, na kahit anong ibigay, kahit saan.”

Gusto ni Igi Boy Flores na maging character actor. Pero sa usaping puso, gusto rin ba niya ang ka-love team na si Kiray Celis? Posible kayang ligawan niya ito?

“Puwede naman po, pero in the right time po siguro. Posible naman po, hindi naman po maiiwasan. Kung si God naman po, pinili naman po talaga si Kiray as my partner in my life, e di tanggapin po natin."


Sa kiddie gag-show na Goin’ Bulilit unang nakilala si Igi Boy Flores.

At masasabi ngang isa siya sa masusuwerteng graduates ng naturang ABS-CBN show na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Dahil pagkatapos sa Goin’ Bulilit ay nagtuluy-tuloy ang career niya, at naging isa siya sa mainstays ng teen-oriented show na Luv U, na napapanood naman tuwing Linggo bago ang showbiz talkshow na The Buzz.

Kaya tuloy nagpapasalamat nang husto ang teenager sa nangyayari ngayon sa kanyang career.

“Siyempre, po, masaya. Lalo na ngayon, naglalabasan na ang mga talent search, PBB… So, parang, kumbaga sa mga lumang tinapay, bihira na lang yung mahango ulit.

“Kasi once na nagamit ka na, usually hindi ka na nagagamit ulit,” matalinhagang pahayag ni Igi Boy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang sadyain ito sa taping ng Luv U sa Studio 1 ng ABS-CBN nung nakaraang linggo.

Sasabihin daw ng mga tao, “’A, Goin’ Bulilit na ’yang batang ’yan forever.’"

Dagdag nito, "So, natuwa kami na nabigyan kami ng chance ulit.

“Kumbaga, na-re-establish kami as another character sa mga televiewer na bago.

“So, hindi na kami stuck-up sa ‘Uy, si Goin’ Bulilit!’

“Natutuwa naman kami na may mga tao pa rin na nakakaalala sa amin doon. Pero, natutuwa rin kami na nakilala ulit kami sa ibang karakter naman, na bago sa paningin ng mga viewers, pero kuwela pa rin.”

HOPING TO EXPAND. Kilala na nga kasi siya bilang komedyante.

Okey ba sa kanya na tila na-typecast na siya bilang komedyante?

Sa Luv U kasi ay siya talaga ang nagpapatawa.

“Ok lang po sa akin. Kasi, ang dream ko lang naman po talaga, makapagpasaya ng mga tao. Yung nakikita silang nakatawa.

“Kasi, kahit na seryoso ako, sinasabi nila, natatawa sila.

“Pero ako, ang dream ko sana, character actor, na kahit anong ibigay, kahit saan.

“Kung ok lang sana na hindi ako ma-stereotype na, ‘A, si Igi Boy, ganito lang ’yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, gusto kong ma-expand ang mga experiences ko as an actor,” pag-asam ni Igi Boy.

FALLING FOR KIRAY. Sila ni Kiray Celis ang ipinagpa-partner o love team sa Luv U.

Posible kaya siyang magkagusto rito?

“Maganda naman po, mabait,” sabi ni Igi.

Narinig naman ito ni Kiray na malapit lang sa pinag-i-interview-han ng PEP kay Igi.

Hiniritan tuloy si Igi ni Kiray na tumigil sa pang-e-etchos o pagbibiro nito.

Natatawa namang paliwanag ni Igi, “Hindi…kasi, maganda naman talaga ang kalooban niya.”

Seryoso namang tinanong ng PEP si Igi Boy kung puwede nga ba siyang manligaw kay Kiray.

“Puwede naman po, pero in the right time po siguro.

“Posible naman po, hindi naman po maiiwasan.

“Kung si God naman po, pinili naman po talaga si Kiray as my partner in my life, e di tanggapin po natin.

“Pero ngayon po, wala. Barkada, friend, workmate. Sa ngayon po, wala po talaga,” sabi pa ng 17-year-old tungkol sa nararamdaman niya para sa ka-love team na si Kiray.

SHOWBIZ CRUSH. Nang tanungin ng PEP kung sino ang showbiz crush ni Igi Boy, agad niyang sinabing si Maja Salvador.

“Si Maja Salvador po kasi, gusto ko yung simple lang ang looks.

“Ayoko kasi ng sobrang perfect. Kasi kapag sobrang perfect, nakakasawang tingnan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN