Eugene Domingo does “intimate scenes” in both I Do Bidoo Bidoo and Bona

May halong biro at pagmamalaki ang mga salita ni Eugene Domingo sa mga pinaggagawa niya sa bago niyang pelikulang I Do Bidoo Bidoo: “Kumakanta, sumasayaw, nagda-drama, nagko-comedy, nagbo-bold, lahat na!”

Bukod sa pelikula ay mayroon pa siyang theater play na Bona. Ano ba ang motivation niya’t nagagawa niya ang lahat nang ito? “Ang motivation ko talaga ay gutom. Pag gutom ka, talagang ka


Masayang nakipagkuwentuhan si Eugene Domingo sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong July 31, Martes, sa last shooting day ng I Do Bidoo, Bidoo ng Studio 5 at Unitel Pictures.

Kinunan ang ilang mga eksena nito sa Christ The King Church sa may Quezon City.

I Do Bidoo Bidoo, ipapalabas na po ang pinaka-nakakatuwa at pinakamalaking pelikula, movie musical ng taon!” pagpo-promote ni Eugene sa mga nakaharap na miyembro ng media.

DOING IT ALL IN A MUSICAL. Dahil musical, makikita ba ng mga manonood na kumakanta siya?

“Kumakanta, sumasayaw, nagda-drama, nagko-comedy, nagbo-bold, lahat na!” pabirong sabi ng 41-year-old na komedyana.

“Oo, at saka nakakatuwa rito kasi ang husay ng cast nito—Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Sam Concepcion, Tippy dos Santos.

“At ang nagsulat naman at ang nagdirek, award-winning—Chris Martinez!” pagmamalaki ni Uge, na siyang palayaw ni Eugene.

“Malaki ito, masaya ito, at alam naman nating lahat na ang mga kanta ay galing sa Apo Hiking Society.

“Sino ba naman sa Pilipinas o sa buong mundo, ng mga nagkalat na Pilipino, ang hindi nakakaalam ng mga kanta ng Apo Hiking Society?

“Lahat tayo may favorite Apo Hiking Society songs.”

Ano ang motivation ni Uge dahil, kahit anong role ang naibibigay sa kanya, nabibigyan niya ng hustisya ang mga ito?

Matalinhaga ngunit pabirong sagot niya: “Ang motivation ko talaga ay gutom. Pag gutom ka, talagang kailangan maging flexible ka.”

At gaano naman kaya siya kagutom ngayon?

“Malapit na akong mabusog,” sagot ng 2012 Asian Awards at Gawad Tanglaw best actress awardee.

INTIMATE SCENE WITH OGIE. Sa pelikula’y asawa ng karakter ni Eugene si Ogie. Kumusta naman kaya ang “intimate scene” nila ni Mr. Songwriter?

Tumawa muna nang malakas si Uge at saka sumagot: “Nasabunutan ako ni Regine Velasquez, e. Ha-ha-ha!

“Ay, masaya, masaya. Naku, Diyos ko! Ang mga balat namin nagdikitan, wala na kami talagang itinago dito ni Ogie Alcasid!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadala ba siya sa eksena?

“Ngayon, naintindihan ko na si Regine Velasquez,” nakangiting sabi ni Eugene.

Nang tumawa ang press, ang habol nito: “Hindi, hindi. Talagang malakas ang appeal. Si Ogie hindi lang talaga talented kundi kayang-kaya niya lahat."

Bilang Uge, hindi maaaring walang punchline. Sabi nito: “Kinaya ko rin.”

SUPPORT I DO BIDOO BIDOO. Nagpapasalamat naman si Eugene sa mga tumangkilik sa Kimmy Dora 2 and the Temple of Kiyeme.

“Wow, maraming-maraming salamat po sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin na mapaligaya kayo. Salamat sa pagsuporta sa Kimmy 2.

“Eto na naman, give me a chance again, give us a chance again to entertain all of you dito sa I Do Bidoo Bidoo. Gawin po natin itong blockbuster hit!

“Kasi sariling atin ito, e. Pelikula natin ‘to.”

Ipapalabas na sa mga sinehan ang I Do Bidoo Bidoo sa August 29.

NO TV SHOW FOR NOW. Dahil busy sa paggawa ng pelikula at may gagawin pang theater production ng 1980 Lino Brocka film na Bona, wala raw regular TV show muna si Eugene, pero may mga offer.

“Meron, pero ang lagi kong sinasabi, ‘Next year na lamang po.’

“Kasi, a, naka-commit tayo sa theater ngayon, e. Yung Bona para sa PETA [Philippine Educational Theater Association], at isa pang pelikula na para naman…hindi ko alam kung para sa Metro Manila filmfest o kung saan.

“Basta next year po, hopefully, magkaroon na po ako ng sariling TV show. Pagka if schedule permits,” pahayag ni Uge.

INTIMATE SCENES IN BONA. Gagampanan ni Eugene ang isang die-hard fan na nagngangalang Bona sa PETA production ng Brocka classic movie.

Sa pelikula, nagkaroon ng intimate scene ang original na Bona, si Nora Aunor, kay Gardo, ang male starlet character ni Phillip Salvador.

Sa theater version ba ng Bona, magpapa-sexy si Eugene sa eksena nila ng bagong Gardo na si Edgar Allan Guzman?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako, si Edgar Allan Guzman… Abangan n’yo sobra!

“Oo, nakapag-rehearse na kami. Kinakabahan nga ako pag sinasabing, ‘O, dito ano, naka-brief lang siya!’

“’Ay, naka-brief lang siya? Ay sandali, sandali!’

“Ewan ko ba kung bakit ako nalalagay sa ganun? Okie naman, talagang ano lang walang malisya. Istorya lang.”

At tungkol naman sa scenes nila ni Edgar Allan, pag-amin ni Eugene: “Meron dun mga intimate scenes.

“Kapag theater talaga, ipapakita mo yung totoo.

“Sa totoo lang, very realistic.

“At saka si Mother Soxy Topacio kasi, kapag nagdirek, gusto niya talaga, himay talaga—’ang damdamin, saan galing?’ Yung ganyan…

“Kaya ang mapapanood n’yo sa teatro, bukod sa talagang in person kami na talaga yun, halos hubo’t hubad na.

“Kami na yun!” patuloy ni Eugene.

MISSING THEATER. Inamin naman ng komedyante at theater actress sa PEP na talagang na-miss niya ang pag-arte sa teatro.

Aniya, “Yes, na-miss ko ang experience na ito.

“And what’s good about working with theater people and PETA, specifically, is yung nadi-develop yung inyong samahan habang natututunan ninyo kung paano yung pagganap ninyo sa entablado.

“It’s really a collaboration. You are working with a company and pantay-pantay rito.

“Wala ritong sikat, walang superstar. Pantay-pantay kayo rito and you are an ensemble.”

Tatakbo mula August 24 hanggang September 23 ang Bona sa PETA Theater Center.

DIFFERENCE IN PROFESSIONALISM. Sa opinyon niya, ano ba ang pagkakaiba ng propesyunalismo sa pelikula at teatro?

“Kasi, ako, masuwerte ako. Kasi halos lahat professional mga katrabaho ko, e.

“Kasi kung hindi, hindi naman talaga ako tatagal.

“Buti ako, nabiyayaan ako ng mga taong katulad ng dito sa I Do Bidoo Bidoo—Zsa Zsa, Ogie, Gary, napaka-professional lahat.

“Mga walang pasaway o mga pahintay.

“Kasi lahat kami naniniwala na kailangan ng industriyang ito, mga professional na tao.

“So, as much as possible, ibibigay namin kung ano talaga yung ipinagkatiwala sa amin ng mga manonood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN