Dingdong Dantes is thankful Marian Rivera celebrated his birthday with him in Hong Kong

“You deserve all the rest that you need para pagsabak mo sa mga susunod na araw, sa mga susunod na buwan, e energized na energized ka. So, enjoy your birthday and I love you!” says Dingdong Dantes on his message to girlfriend Marian Rivera, who will celebrate her 28th birthday on August 12.


Balik-Pilipinas na kahapon ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes matapos mag-celebrate ng kanilang birthdays sa Hong Kong.

At sa exclusive taped interview sa dalawa ng StarTalk TX pagdating nila sa airport, na ipinalabas din kahapon, August 4, siyempre pa’y kinumusta ang naging bakasyon nila.

“Usual naman, kasi ano naman, madalas naman na nakakasama ako ng family niya and si Dong din naman sa bahay. So, basta masaya kami, nag-enjoy kami doon,” pahayag ni Marian.

Ano naman ang iniregalo niya kay Dingdong na nag-celebrate ng birthday nung August 2?

“Gift? Wala, love lang. Love lang,” sabay-tawa ng aktres.

“Gusto ko lang sa birthday niya, at tapos na, na maging happy siya. At sana nabibigay ko palagi sa kanya yun, di ba?”

Si Dingdong naman, ano ang plano for Marian’s birthday sa August 12?

“Ano, e. Sa Sunday pa ang birthday niya, e. Tsaka hindi ko pa napag-iisipan.

“Pero para sa akin, okey na rin siguro na nakapagbiyahe kami, at saka thank you at binigyan niya ako ng oras na sumama sa amin. So, iyon,” sabi ng kaka-32 years old lang na aktor.

Habang nasa Hong Kong ba ay napag-usapan na ang tungkol sa kanilang kasal?

“A, wala, wala naman kaming napag-uusapang ganun,” sagot agad ni Dong.

“Basta enjoy lang po talaga. Siyempre, minsan lang din mangyari na nakakasama ko yung family ko na kumpleto.

“Kasi madalas e may kanya-kanya rin silang ginagawa. Pero they took time out para samahan ako sa birthday ko.”

Nagbigay naman ng mensahe si Dingdong para sa nalalapit na 28th birthday ng kasintahan.

“You deserve all the rest that you need para pagsabak mo sa mga susunod na araw, sa mga susunod na buwan, e energized na energized ka.

“So, enjoy your birthday and I love you!”

Samantala, nakatuon naman agad sa trabaho si Dong sa pagbabalik niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka tamang-tama yung balik ko ngayon dahil bukas [ngayong araw, Linggo] na yung first live gala ng Protégé.

“So, tamang-tama, sakto, sabak na agad sa trabaho.

“Makikilala na lahat ang top 20 protégés. So, exciting, exciting. Sobrang excited na ako.”

Isa si Dingdong sa hosts ng ng GMA-7 artista search na Protégé: The Battle for the Big Artista Break.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN