Sarah Lahbati says her Makapiling Kang Muli co-star Richard Gutierrez is her inspiration

“It’s always good to be inspired. Of course, right now I’m inspired. Siyempre, para mas mapagbutihan yung craft,” says Sarah Lahbati about her Makapiling Kang Muli co-star Richard Gutierrez.


Inspirasyon daw ngayon ni Sarah Lahbati ay ang co-star niya sa Makapiling Kang Muli na si Richard Gutierrez.

“It’s always good to be inspired. Of course right now I’m inspired, siyempre para mas mapagbutihan yung craft,” sabi ni Sarah sa taped interview sa kanya kahapon, August 4, ng StarTalk TX.

“Mai-inspire ka dahil makikita mo na kung, alam mo yun, matagal na siya sa showbiz. Ang dami na niyang na-achieve and he’s still humble.

“And kumbaga, yung ugali niya yung gusto pa rin niyang matuto pa,” dagdag pa ni Sarah tungkol sa kasamahan sa Kapuso primetime show.

Ayon pa sa StarTalk TX, todo-asikaso at talagang nakatutok daw si Richard sa kanyang leading lady sa Makapiling Kang Muli.

Kapansin-pansin daw ang sweetness ng dalawa sa set ng naturang primetime series at maging sa Sunday noontime show na Party Pilipinas.

“There are times na dumadalaw siya. Actually, isang time na dumalaw lang siya sa rehearsal dahil malapit lang siya sa GMA nun,” kuwento ni Sarah.

“Kahit sino’ng tanungin ninyo na nakatrabaho niya, masasabi talaga nilang he’s very caring and supportive.”

Patuloy na pagbibida ni Sarah, bukod sa pagiging maasikaso ay very generous din daw si Richard.

May mga regalo bang natanggap siya mula rito kaya niya nasabi itong generous?

Natatawang sagot ni Sarah, “Secret!

“Basta sa taping lagi siyang may dalang food for everyone and sweets, because all the time puyat kami and tired.

“So, kumbaga, ayun, ginigising niya kami sa matatamis na pagkain na dala niya.”

MEETING FAMILIES. Samantala, naipakilala na raw ni Richard si Sarah sa mga magulang nito at mga kapatid.

“I met them at Ate Ruffa’s birthday party. I met yung mga brothers niya and yung sister and they’re all super-kind and friendly,” paglalarawan ni Sarah.

Tanggap rin ba ng pamilya Lahbati si Richard?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They really like Chard.

“Kasi si Daddy, actually, nagkasundo agad sila dahil nanonood siya ng Pinoy Adventures. E, si Daddy, very adventurous and sporty.

“So, nung dumalaw sa taping mga two months ago, ang dami nilang napag-usapaan and nagkasundo agad sila,” kuwento ni Sarah tungkol sa minsang pagdalaw ng ama sa set ng Makapiling Kang Muli.

“And si Mommy na-meet niya rin sa taping and sa ibang mga events and nagkasundo din sila.”

THE “TRUTH” ABOUT THEM. Totoo nga bang ipinagtapat na ni Richard sa kanyang pamilya ang tungkol sa kanila ni Sarah?

“Naku, ano ba yan? Ano ba yang pinagtatapat na yan?” buwelta ni Sarah sa taped interview ng StarTalk TX.

“There’s a right time for us to ano, para sabihin yung kung anuman yun.

“Pero right now I’m not confirming anything and I’m not denying anything.

“But we’re… you know, just enjoying yung work namin, yung pagsasamahan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN