German Moreno to Nora Aunor: “I love you so much, at wala yung tampo-tampo, medyo nagpapaalala lang naman ako lagi.”

Si German Moreno ay hindi lamang malapit na kaibigan ni Nora Aunor, kundi tumatayo rin din itong ama sa Superstar. Kaya’t sa pagbabalik-bansa ni Nora, hindi kataka-takang magbigay uli ng payo si Kuya Germs sa aktres. Ani Kuya Germs, “Yung pagbabalik niya, gusto ko na maisip na niya na it’s about time to save, for the future na.”


Bumalik na ulit sa bansa ang Superstar na si Nora Aunor noong July 31.

Nagpunta ang aktres sa Amerika upang patingnan ang kanyang lalamunan.

Bago pa bumalik ng Pilipinas si Nora, napabalitang may tampuhan sila ng matalik niyang kaibigan at tumatayo ring business manager na si German "Kuya Germs" Moreno.

Nilinaw ni Kuya Germs ang isyu sa panayam sa kanya ni Dolly Anne Carvajal sa bagong showbiz talk show ng TV5, Ang Latest, noong August 4.

Ayon kay Kuya Germs, “Wala namang tampuhan, lambingan lang ’yan. Kami ba naman ay magkatampuhan pa?”

Pagkatapos nito ay naglabas siya ng kanyang saloobin para sa Superstar.

Ani Kuya Germs, “Alam mo naman, iba ang pagtingin ko kay Guy. Alam mo naman, ’Ney,’ ang tawagan namin...

"Alam mo yung pag-aalala, nandun. Yung pagmamahalan, nandodoon.

“Siyempre, taon na ang binilang, e.

"Yung pagbabalik niya, gusto ko na maisip na niya na it’s about time to save, for the future na.

“Hindi na tayo bumabata, at nakita mo naman ang takbo ng ating showbiz dito sa ating bansa.

“So, ginawa ko na matuto na siya mag-deposit, mag-ipon na. At nagawa ko naman.”


SAVING FOR THE FUTURE. Kilalang galante si Ate Guy kahit noong araw pa.

Tanong ni Dolly Anne kay Kuya Germs, "Ang tungkol sa financial problems ni Ate Guy ay bunga ba ng kanyang hindi pag-iipon? O sa mga taong nakapaligid sa kanya o sa kanyang mga masasamang practices diumano?”

Sagot ng beteranong TV host, “No. Alam mo naman pag tumanggap na siya ng pera.

“A, yung garbo ba na bigay dito, bigay doon, hindi ko naman tinuturuan para magmaramot ano...”

Pero dapat mag-save?

“Oo, dun yung concern ko, lalo na’t may kapatid siya na dapat alagaan pa rin. Ibinibigay din naman niya yun.

“Hindi naman siguro masama yung iniisip ko para sa kanya na... sa kanyang kinabukasan,” saad ni Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONCERNED. Sa huli, may panawagan si Kuya Germs kay Ate Guy:

“Ney, kamusta na? Inaasahan namin sa Oktubre na kakanta ka na.

“And I keep on praying that, and welcome back.

“And I hope din na yung inaasahan ng mga fans mo, na yung TV5 ay gagawa na ng mga matitinding drama...

“Drama [show] para sa iyo, dahil nakakontrata ka naman.

“And I’m sure na yung preparasyon, nandidiyan na.

“I love you so much, at wala yung tampo-tampo, medyo nagpapaalala lang naman ako lagi... alam mo ’yan.

“Alam mo naman, ano, masyado akong concerned sa iyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN