Steven Silva prefers to have a loveteam partner: “Mas maganda kung may loveteam ka... mas magiging comfortable pa kayo sa isa’t isa.”

Steven Silva, sa pagkukumpara sa kanya sa ibang Kapuso stars: "I’m just trying to do my best, at naka-focus talaga ako sa sarili ko. That’s all I can do. Kapag meron ang iba na bagong project, bagong endorsement, ano’ng magagawa ko doon? But I’m happy also na meron din akong mga upcoming projects."


Halos hindi nagkakaiba ang cast ng youth-oriented series ng GMA-7 na Together Forever at ang pelikula ng GMA Films na Just One Summer.

Isa si Steven Silva na nasa cast ng dalawang proyektong ito, na pinagbibidahan pareho nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

“Yun ang isang maganda dito, palagi kaming magkakasama… sa Just One Summer at Together Forever. So, yun ang masaya dito," sabi ni Steven.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Steven sa taping ng Together Forever, sa Antipolo noong August 2.

Ano ang ginagampanan niyang role sa Together Forever?

“Well, ako si Cholo na isang businessman at may-ari ng food stall sa grocery nila Elmo [Magalona].

“Naging magkaibigan kami ni Janine Gutierrez. So, parang nagkaroon kami ng competition ni Benedict Campos.

“Parang meron kaming contest on who can be better for Janine," paglalarawan ni Steven.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sina Steven at Janine.

“Minsan sa Party Pilipinas, nagkakasama kami, kaya hindi naman at all first time. May time rin na nag-duet kami.

“Nagkakasama rin kami sa mga prod [production numbers] sa Party P so, for me, hindi rin naman bago in terms of work." Ang tinutukoy ni Steven ay ang Party Pilipinas,ang Sunday noontime show ng GMA-7.

Dagdag nito, "And I have fun time working with her."

NO LOVETEAM. Sa ngayon, walang maituturing na ka-loveteam si Steven.

Sa totoong buhay kasi ay ang ka-batch niya sa StarStruck V na si Diva Montelaba ang madalas nakikitang kasama niya.

Sa palagay ba ni Steven ay kailangan na niyang magkaroon ng ka-loveteam?

“I think wala namang masama kung may loveteam, di ba? Siyempre, you can always work with the person.

“At saka, mas maganda kung may loveteam ka. Alam mo kung sino ang partner mo. Mas magiging comfortable pa kayo sa isa’t isa.

“If ever na matuloy rin ang loveteam namin ni Janine, okay sa akin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinasabi naman ng iba na may edge si Benedict Campos kay Steven dahil magkapareha na sina Benedict at Janine sa primetime soap na Makapiling Kang Muli.

Sagot ni Steven dito, “Oo nga, e.

"Pero kahit sa mga online site, like sa Facebook, may mga comments ang mga fans kung kanino sila magsa-side—kung kay Benedict o sa akin.

"Natutuwa rin ako sa mga ganyan."

CAREER OUTLOOK. Dalawang taon na rin ang nakalipas buhat nang manalo si Steven bilang Ultimate Male Survivor sa StarStruck V.

Ano nga ba ang inaasahan niya sa kanyang career?

“Siyempre, every year, parang meron akong bagong goal. Things I want to accomplish.

“This year, meron akong accomplishment... I’ve been part of the musical.

“Ito yung isang bagay na siguro, kung last year pa, baka hindi ko pa kaya.

“Pero ngayon, there’s a musical that I’ve been doing."

Ang tinutukoy ni Steven ay ang Hope For The Flowers na pinagsasamahan nila ni Frencheska Farr.

Dagdag niya, "At itong Just One Summer, first time kong mag-movie.

“At may bagong teleserye rin, pero mag-start pa lang.

"So, I think there are so many things to look forward to now.

“At saka ngayon, mas excited ako to join new shows. Unlike last year, medyo nahihiya pa ako.

“Pero ngayon, I am more excited to be busy. Parang ganoon.

"Tapos yun, tuluy-tuloy rin ang mga workshops namin sa GMA. Meron kaming ongoing workshop.

"At ako naman, I joined the Tagalog workshop.

“Ako, na sa sarili ko mismo ang nagbayad and one-on-one siya. Sa tingin ko, mas nakaka-concentrate ako.

“I think I’m improving in singing, dancing, acting and sa hosting din.

“Sa tingin ko lang, sa time na wala akong project, at least, kapag naka-focus ka sa sarili mo to keep improving, okay rin naman yun,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMPETITION. Natutuwa si Steven na may bago siyang handler sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network, kunsaan siya nakakontra.

At sa naririnig niya, marami namang daw magagandang plano para sa kanya.

“Yung handler ko before, maybe he was busy or anything, pero wala kaming bad blood.

“He’s happy for me, at sabi nga niya sa akin, if I need help I can also ask from him.

"So I think, that’s good, di ba?”

Naikukumpara si Steven sa ibang Kapuso stars, partikular na sa ka-batch niya sa StarStruck V na si Rocco Nacino.

Ano ang masasabi niya rito?

“Ang sasabihin ko doon, hindi naman. Pero siyempre, may kumpetisyon doon.

“Lalo na dito sa showbiz, galing kayo sa isang show tulad ng StarStruck. Pero kailangan mo talagang i-focus ang sarili mo.

“Kapag naka-focus sa iba, e. Ayun, mahirap yun.

“So, I’m just trying to do my best, at naka-focus talaga ako sa sarili ko. That’s all I can do.

“Kapag meron ang iba na bagong project, bagong endorsement, ano’ng magagawa ko doon?

“But I’m happy also na meron din akong mga upcoming projects.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN