Part 1. Maxene Magalona on being single: “Ang dami ko nang napagdaanan and I think I deserve a break, I deserve to have fun and enjoy."

Kakaiba ang papel ni Maxene Magalona sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Isa siya sa mga host ng programa ngunit sa website lamang siya mapapanood. "Yung mapapanod niyo sa online webisodes ko, ito yung mga hindi mo nakikita sa TV, like yung mga behind the scenes," paliwanag ni Maxene tungkol sa kanyang bagong trabaho.


Excited at tuwang-tuwa si Maxene Magalona sa bagong trabaho niya bilang web jock sa website ng reality artista search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Paliwanag ni Maxene sa kanyang role sa Protégé: “Well, kakaiba talaga yung ginagawa ko for Protégé, kasi ako yung first and only web jock in the Philippines.

"Kasi this is the first online show of GMA.

“And yung mga webisodes na ginagawa ko, siyempre ina-upload ito online and doon mo siya mapapanood.

“Pero may mga snippets diyan na mapapanood sa TV and, of course, yung mapapanod niyo sa online webisodes ko, ito yung mga hindi mo nakikita sa TV, like yung mga behind the scenes.

“Tapos as a celebrity, binibigyan ko rin ng tips yung mga manonood, kung sino man yung gustong mag-artista, sinasabi ko sa kanila na, ‘Hindi madaling maging artista! Hindi!’

“So, binibigyan ko sila ng tips.

“And then one time, sumakay ako ng MRT, kasi sinabi ko na kailangan matuto kayong mag-makeup kahit nasaan pa kayo.

“So, pumunta akong MRT and then nag-makeup ako doon habang nakasakay doon.

“Ganun lang, fun-fun lang talaga yung ginagawa ko for the show.

“You can watch it online sa www.gmanetwork.com/protege. So, doon n’yo mahahanap yung mga webisodes namin. Every day, merong updates doon.

“Kaya kanina, umikot-ikot ako sa presscon, pati na rin sa gala night, and I was going around sa backstage.

“Gusto kong ipakita sa mga tao na ‘eto yung mga nangyayari na hindi nakikita sa TV.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa presscon ng Protégé kagabi, Agosto 5, sa Studio 7 ng GMA Network.

ARTISTA COMPONENT. Ngayong napili na ang Top 20 aspirants sa Protégé, may bet na ba siya?

“Siyempre meron, ang cute-cute niya!” sabay tawa ni Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, also with the girls. Lahat sila... actually wala pa akong napipili, e.

“I have yet to see kung ano pa yung kaya nilang gawin at ano yung puwede nilang gawin.

“So, it can’t just be on the looks, kailangan talaga yung may talent.

“Kung yung dating season ng Protégé is singing, this time around, kailangan singing, acting, dancing—all-around.

“And siyempre how to carry yourself and be an artista.”

Bilang matagal na sa industriya, na nagsimulang mag-artista noong bata pa lang siya, ano sa tingin niya ang dapat na katangian ng isang artista?

“Ang pinakaimportante, actually, for me ha, kasi people have a misconception na pag artista, it’s all about the fame, but really, it’s a craft you that have to work on.

“So, kailangan talaga you have to be hardworking. It’s a difficult world to move in.

“Ang advice ko lang talaga is just be yourself. But, at the same time, claim that you’re a celebrity, pero still keep yourself grounded. Yun ang pinakaimportante.

“Kasi, wala kang mararating kung uunahin mo yung ibang bagay, like, iyan gusto mo lang maging sikat, gusto mo lang pag-usapan ka.

“But really, you just have to love what you’re doing, and later on, you will be blessed. Yun lang yun.”

OPEN TO DATING A PROTÉGÉ? Single si Maxene ngayon. Paano kung sa future episodes ay isang male finalist sa Protégé ang magsabi na crush siya at gusto siyang ligawan, magiging open ba siya na i-entertain ito?

“Well, ako, for me, hindi kasi ako naniniwala sa…. well, okay lang naman yung mga panliligaw.

“Pero sa panahon ngayon, it’s about, you know, getting to know people and meeting new people and enjoying each other’s company.

“So, yun, kung meron man, why not, di ba? Getting to you, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto lang daw buksan ni Maxene ang kanyang sarili matapos ang mga pinagdaanan niya sa kanyang lovelife noon, kaya open naman siya sa pakikipag-date.

“Ang dami ko nang napagdaanan and I think I deserve a break, I deserve to have fun and enjoy.

“And I’m really enjoying and having so much fun.

“And you know, depende naman iyan, e, kung date ba iyan, group date, or like for fun lang.

“Hindi mo masabi, e. Sa panahon ngayon, di mo na masabi kung romantic ba iyan.

“Kasi hindi ako assuming, e, ayokong mag-assume na, ‘A, may gusto sa akin ito.’

“Like right now, all I wanna do is just enjoy. And in case meron mang mangyari and sparks begin to fly, why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN