TYPHOON WATCH: Stars enjoin fans to pray for everyone’s safety

Dalawa sa masugid na Twitter users sa showbiz ay sina KC Concepcion (@kc_concepcion) at Anne Curtis (@annecurtissmith), na kasalukuyang ginagamit ang kani-kanilang account para makatulong sa mga sinasalanta ng malakas na ulan.


Nitong mga nakaraang araw, tuluy-tuloy ang buhos ng pag-ulan sa buong Metro Manila.


Dahil dito, hindi maalis sa mga kababayan natin ang mangamba na baka maulit ang nangyari noong 2009, kung saan sinalanta ng bagyong Ondoy ang lungsod.

Kaya naman, panay ang pagbabalita ng iba’t ibang istasyon tungkol sa lagay ng panahon hindi lamang sa NCR (National Capital Region) kundi maging sa ibang bahagi ng bansa na apektado sa bagyo.


Sumali na rin ang stars sa pagtu-tweet at pagre-retweet ng updates. May ilan ding nagsimula nang sumuporta sa mga ino-organisang relief operations.

Narito ang ilan sa aming mga nakalap na tweets mula sa social networking site na Twitter ngayong araw, August 7:

- @annecurtissmith (Anne Curtis): To all my lovely followers lets get together blankets, towels any clothing items that you have to spare and donate them to Sagip Kapamilya.

- @kc_concepcion (KC Concepcion): Ingat kayo na nandito sa Pilipinas... Be alert, be safe, take care... Pray! Calm down and think clearly... Love you all.

- @ogiealcasid (Ogie Alcasid): Father God, we pray that you spare our nation from another catastrophe.

- @pokwang27 (Pokwang): Baha na sa cainta at king’s ville sa Marikina?? Saan ako dadaan going to ABS? :(

- @marieltpadilla (Mariel Padilla): People are texting me asking if I’m safe in the news the baha level in fairview is "lampas tao" I’m safe but I’m not sure my neighbors are ☹"

- @marieltpadilla (Mariel Padilla): Wiltime Bigtime will NOT be live today.pls don’t line up.pls don’t go to novaliches. Just be SAFE! Thank you!!!

- @soKrisme (Kris Bernal): a dark & gloomy sky at 9AM in d morning? this is alarming.. d rain hasn’t stopped & it only gets worse! be safe everyone! magdasal po tyo :(

- @iamsuperbianca (Bianca Gonzalez): friends around the world, please help us pray that the rains here stop. thank you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

- @IAMDerekRamsay (Derek Ramsay): Be safe guys. My prayers are with all of you

- @gellidbelen (Gelli de Belen): we know You have a plan, there is a reason for this. Lord have mercy, pls give us the resilience to overcome this as a nation

- @ConeyReyes(Coney Reyes) Father, in the name of Jesus, please let the rains stop. Have mercy, dear Lord pls keep everyone safe.The babies, elderly, handicapped...

- @maxenemagalona (Maxene Magalona): Grabe yung ulan! Stay safe, everyone!

- @whianwamos (Rhian Ramos): Stay safe, everyone

- @keancipriano (Kean Cipriano): Dasal tayo please. Thats all we can do. Pakikinggan tayo sigurado!

- @chariz_solomon (Chariz Solomon): Patulong nman po kmi makakuha ng help for our relatives in palali st, qc.and lahat po ng tao dun lubog na po sila and hndi mkaalis

- @jimparedes (Jim Paredes) : Rampaging waters of Marikina river look scary"

Manatiling alerto sa mga update tungkol sa lagay ng panahon at inyong paligid. Siguraduhin ding fully-charged ang inyong mga cell phones.

Mangyaring pakatandaan lamang ang mga EMERGENCY NUMBERS na ito na maaring makatulong:

NDRRMC (Disaster): 9111406. 9122665, 9125668

PNP: 117

PAG-ASA: 4338526

MMDA: 136

LOG ON TO TWITTER.COM @MMDA


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN