Cherie Gil undergoes throat operation; hopes to be well enough in time for musical Nine

Cherie Gil can no longer have shouting matches in her television shows. “Makati na masyado at saka masakit," she says. "So, I think, it’s also I’m doing a lot of soap, and ang role ko ay pasigaw-sigaw. Kaya ’no, iba na ang mga atake ko sa mga roles ko. Wala na yung sigaw-sigaw.”


Nang nakausap ng PEP si Cherie Gil sa gala night ng Protégé: The Battle for The Big Artista Break nung nakaraang Linggo, medyo namamaos pa ang magaling na aktres.

Kararating lang daw niya galing Amerika dahil natuloy na pala ang pagsasailalim niya sa isang throat operation.

Nabanggit na rin ni Cherie minsan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magpapa-opera siya, ngunit naghihintay lang ng downtime sa mga trabaho, liban pa sa lakas ng loob.

Medyo maselan daw ang operasyon, kaya doon na sa Amerika niya ipinagawa.

Matagal na raw niyang balak magpa-opera, at ngayon lang daw natuloy dahil kailangan bumalik ang dati niyang boses, lalo at naghahanda siya para sa isang musical theater.

“Masyado na siyang mababa, and the registration was very weak. Madali siyang mapagod,” pahayag ni Cherie tungkol sa kanyang boses.

“I’m also going to do theatre, if I didn’t go to that operation I would not be able to sing.

“Makati na masyado at saka masakit. So, I think, it’s also I’m doing a lot of soap, and ang role ko ay pasigaw-sigaw.

"Kaya ’no, iba na ang mga atake ko sa mga roles ko. Wala na yung sigaw-sigaw,” patuloy niyang pahayag.

Medyo paos pa raw siya dahil nasa recovery period pa siya pagkatapos maoperahan.

“I had to be quiet for two weeks. Although, hindi ko yata nasundan because I was staying with my kids.

“It’s quite frustrating not to talk, and I stayed there for two months!

"I just arrived three days ago, and because of the change of weather, medyo naa-anxious lang ako na baka hindi ako maging ready for the play, because I’ll be working with new instruments.

"I’m hoping that it will be better in time,” sabi nito.

Bukod sa pagiging hurado sa Protégé ng GMA 7, nakatakdang gawin ni Cherie ang musical stage-play na Nine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagampanan daw niya ang role na ginampanan ni Dame Judy Dench, at meron daw siyang isang song number na gagawin.

Kasama niya rito sina Jett Pangan at Menchu Lauchengco, kaya kailangan makakanta na raw siya pag sinimulan ang stage play.

“Pinangarap ko talaga na kumanta uli. I’ll be doing something unknown for me.

“I’m praying every night na gumaling ako.

“Parang lalaki na raw kasi ang boses ko."

May halong patawa, sinabi nito, “Pag umorder ako ng pizza, sabi sa akin ’Okay sir,’ kasi parang lalaki raw ang boses ko."

Dagdag pa ng aktres na nakilala ng masa bilang "bitchy" kontrabida: "At hindi na raw bitchy ang pagtawa ko. Dapat medyo tumaas nang konti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN