Leni Robredo beats Bongbong Marcos in VP race by slim margin

May 27, 2016
<p>Based on the official electoral results, Leni Robredo officially wins the vice-presidential race with a total of 14,418,817.</p>

Tuloy na ang pag-angat ni Leni Robredo sa mga nasa laylayan ng lipunan. 

Mahigit dalawang linggo mula noong #Eleksyon2016, opisyal nang nanalo ang Camarines Sur Third District representative bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas.

263,473 boto lang ang lamang ni Robredo sa kanyang mahigpit na kalabang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang kabuuang boto ni Robredo ay umabot ng 14,418,817; habang si Marcos ay mayroong 14,155,344.

Base ito sa resulta ng official canvassing ng election results sa Kongreso pasado alas-siete ng gabi ngayong Biyernes, May 27.

At gaya ng alam na ng lahat, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang nanguna sa presidential race.

Inabot lamang ng tatlong araw ang bilangan ng 166 COCs.

MARCOS QUESTIONS ALLEGED VOTE-COUNTING IRREGULARITIES. Hindi kaila sa publiko na naging mainit ang labanan sa pagitan nina Robredo at Marcos para sa pagka-bise presidente.

Bago pa man matapos ang bilangan ng boto sa Kongreso ay inalmahan na ni Marcos ang diumano’y naganap na dayaan para sa vice-presidential race.  

Continue reading below ↓

Ito ay sa pamamagitan diumano ng pag-tap sa main server ng Commission on Elections (Comelec).

Kaugnay nito ay kinuwestiyon din ng kampo ni Marcos ang pagbabago ng “script” o computer command sa transparency server Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV)

Aniya, “Note that this change was done not before the elections, not when they were doing the pre-testing, but DURING transmission of results from our canvassing boards nationwide.

“It was after this particular act of computer programming wizardry that votes for this representation started to slow down and the votes for another candidate started to accelerate -- at an unprecedented and linear rate of 45,000 votes for every additional 1 percent of votes counted.

“This is the very same Marlon Garcia who was charged with electoral sabotage for doing the very same thing during the 2013 elections.”

UNDER-VOTING. Ngayong Biyernes, May 27, kinuwestiyon din ng kampo ni Marcos ang diumano’y kahina-hinalang “undervoting” sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Continue reading below ↓

Ayon sa legal counsel ni Marcos na si Atty. George Garcia, tinatayang umabot diumano ng 3.2 million undervotes ang lumabas sa kanilang “internal tally.”

Kinuwestiyon din ng abugado ang laki ng nakuhang boto ni Robredo sa balwarte nito at sa under-votes pagdating sa balwarte ni Marcos.

Ganting-sagot naman ng kampo ni Robredo, hindi umano maituturing na iregularidad ang pagkakaroon ng undervotes o hindi pagboto ng mga botante sa kumakandidato para sa anumang posisyon sa halalan.

Pahayag ng legal counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, “Hindi ‘yan [undervoting] bawal, iregularidad o tanda ng pagkakamali.

“‘Yan ay bahagi ng halalan, di lamang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.

“Pagka sila ay nagkakaroon ng halalan, may mga botante na nag-a-abstain o hindi bumoboto for a particular position.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Based on the official electoral results, Leni Robredo officially wins the vice-presidential race with a total of 14,418,817.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results