JM de Guzman on his courtship of Jessy Mendiola: “Ni-rush ko ang mga bagay at hindi maganda ang kinalabasan sa friendship namin.”

Halos pagsisihan ni JM de Guzman ang madaliang panliligaw kay Jessy Mendiola, pero hindi pa naman daw siya nawawalan ng pag-asa. Sa ngayon, dumadalaw siya sa condo ni Jessy para manligaw, hindi lamang sa dalaga kundi sa ina rin nito. Pagtatapat niya, “Ako po ang pumupunta sa condo nila... umaakyat ng ligaw sa nanay niya.”



Sa The Buzz noong Linggo, August 5, na-corner ang Kapamilya actor na si JM de Guzman para umamin sa tunay na saloobin nito sa Kapamilya young actress na si Jessy Mendiola.

Sinabi kasi ni JM noong guesting niya kamakailan sa Kris TV na mahal na niya ang young actress.

Sa isang taped interview naman, tinanong din si JM kung anong level na ng pagmamahal ang sinasabi niyang iyon.

Ani JM, “Kasi yun nga, yung nagawa niya sa akin bilang kaibigan, parang mako-consider ko na espesyal, e.

“Parang rare for a friend na parang ganoon siya magmahal ng kaibigan.

“Kung totoo man, pero ewan ko, hindi ko ma-explain, e.

“Ang laki ng naitulong niya sa akin without expecting anything in return. Tapos yung pagkakaintindihan namin, hindi pa muna dapat.”

Dagdag pa niya, “Ewan ko, tinamaan ako.”

UNRESPONSIVE. Tinanong din si JM kung sa palagay ba nito, hindi reciprocated ni Jessy ang ipinakikita niyang pagmamahal?

“Tingin ko… ganoon nga. Minadali ko, parang hindi pa tamang oras, hindi pa dapat mag-seryoso.

“Pero yun, ni-rush ko ang mga bagay at hindi maganda ang kinalabasan sa friendship namin.

“Ewan ko, sana hindi ko pa completely nawala yung chance ko.”

JESSY’S SIDE. Nakausap din ng The Buzz si Jessy Mendiola, at tinanong naman ito kung may posibilidad na maging sila ni JM ngayon.

Nangiti si Jessy at sinabing, “Right now… no po.”

Naniniwala si JM na ang talagang dahilan kaya hindi nag-work out ay ni-rush niya ang mga bagay-bagay.

Ayon kay JM, “I rushed things. Meron din akong… bilang tao, meron din akong mga bisyo na hindi niya nagustuhan.

“Pero siya ang may sabi na, ‘O, sa kanya ko natutunan na hindi kailangan yun, makakasira lang yun sa lahat.”

SPOTTED. Sinagot din ni JM ang isyu na diumano’y madalas makita si Jessy sa kanyang condominium.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, nabasa ko rin yung isyung yun.

“At gusto kong i-clarify na hindi po totoo. Ako po ang pumupunta sa condo nila...

“Umaakyat ng ligaw sa nanay niya. And yun lang po, gusto kong i-clarify na hindi po yun totoo.”

Humingi rin ito ng paumanhin sa mommy ni Jessy.

“Sa mommy ni Jessy, ‘Sorry po.’”

HOPEFUL. Sa kabila ng lahat, hindi naman nawawalan ng pag-asa si JM sa panliligaw niya kay Jessy.

Ayon kay JM, “Hindi pa naman tapos ang buhay natin, tapos maliit lang ang mundong ginagalawan namin. So, I’m still hoping.”

Ibig bang sabihin, handa na siyang magmahal?

“Handang-handa na!” mabilis naman niyang sagot.

Handa niyang mahalin si Jessy?

“Ginagawa ko na po,” pag-amin niya.

Pero ang tanong, hanggang kailan niya ito kayang mahalin?

“Hanggang sa mapagod po siguro ‘ko. Napapagod din naman ng kusa ang puso.

“Pero sa ngayon, tingnan natin kung hanggang saan kaya.”

Sa huli, tinanong si JM kung meron siyang mensahe kay Jessy.

“Jessy, sana makatrabaho kita, soon. At good luck sa career.

“And… I love you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN