Roderick Paulate on being a mentor in Protégé: “Kung sumikat silang apat, sobra-sobra ang magiging kasiyahan ko dahil may nagawa akong tama para sa kanila.”

Masaya pa rin si Roderick Paulate kahit may hinaharap siyang problema sa kanyang trabaho bilang pulitiko. Sa pag-aartista naman siya bumabawi dahil sa dami ng kanyang projects. Sabi ni Kuya Dick: “Talk show host ako sa HOT TV, nagpapatawa ako sa Tweets For My Sweets, at mentor ako sa Protégé.


Busiest year para kay Roderick Paulate ang 2012 dahil sa sunud-sunod na mga trabaho sa bakuran ng GMA-7.

“Ang sarap maging busy ulit sa television!" sabi ni Roderick sa press launch ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, noong Agosto 5, sa Studio 7 ng GMA.

“Matagal rin akong hindi naging masyadong active, di ba? Gagawa ako ng paisa-isang TV show lang before.

“Para sa akin kasi, tama na muna ang sa isang project ako mag-concentrate.

“Pero this time, tatlu-tatlo agad! Ang sarap ng pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka sa ganitong trabaho.

“At iba-iba ang ginagawa ko. Talk show host ako sa HOT TV, nagpapatawa ako sa Tweets For My Sweets, at mentor ako sa Protégé.

“The more the merrier nga, di ba?

“Kaya again, maraming salamat sa Kapuso network for all these projects.

“Ever since naman, noong ginawa ko ang Rosalinda and then Ang Munting Heredera, hindi sila nawalan ng trabaho para sa akin.

“Kaya maraming, maraming salamat sa kanilang tiwala,” diin pa ni Kuya Dick, ang tawag sa kanya sa industriyang kinalakihan na niya.

MOST DIFFICULT. Sa mga trabaho ngayong pinagsasabay-sabay ni Kuya Dick, pinakamahirap na raw ang pagiging mentor sa Protégé.

Nakasalalay daw kasi ang kinabukasan ng apat na batang napili niyang tulungan patungo sa pagiging artista.

“Sa totoo lang, itong pagiging mentor ang pinaka-crucial.

“Kasi ang maging TV host at komedyante, noon pa natin ginagawa ‘yan, e. Gamay na tayo diyan kahit na nakapikit tayo.

“Kayang-kaya na natin ’yan.

“Pero ang maging mentor sa mga baguhan, first time kong gagawin talaga.

“Para ka kasing magulang na ng mga batang ito habang nasa competition sila.

“Parang mga anak mo na sila na kailangan ng attention mo parati.

“Aalagaan mo sila at huhubugin mo para ma-impress ang mga judges ng Protégé.

“E, nakita niyo naman ang mga judges—sila Joey de Leon, Direk Bert de Leon, Cherie Gil, at si Ms. Annette Gozon-Abrogar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May kanya-kanya silang mga batayan kung ano ba ang papasa sa taste nila.

“Kapag may maling nagawa ang mga mine-mentor ko, ipagtatanggol mo sila hanggang sa makakaya mo.

“Para ka ngang magulang, at nasa kamay mo ang future nilang apat.”

Kahit malalim at matagal na ang experience ni Kuya Dick sa showbiz, hindi pa rin daw siya nakakampante dahil matitindi ang mga kalaban niyang kapwa-mentors.

“Kabado ako talaga—walang biro. Kasi matitindi ang ibang mentors.

“Tulad nila Kuya Ipe, Direk Gina, Direk Ricky, at si Jolina."

Ang tinutukoy ni Roderick ay ang aktor na si Phillip Salvador, ang mga actor/directors na sina Gina Alajar at Ricky Davao, at ang singer/host na si Jolina Magdangal.

Pagpapatuloy ni Roderick, “Kung napapanood ninyo ang mga pinuntahang nilang auditions, lumalabas na ako ang pinakamabait sa kanila!” Pagkasabi nito’y sabay tawa nang malakas ang komedyante.

“Kasi sila, talagang gini-grill nila ang mga humarap sa kanila. Talagang piniga nila.

“E, ako parang ang bait-bait ko. Hindi ako maka-level sa pagiging mahigpit nila.

“Pero sinabi ko naman sa mga protégés ko na pagdating sa mentorship, doon ako magiging strict sa kanila.

“Gusto ko ay yung makikinig sila at lahat ng ituro natin ay isapuso nila.”

STRESSFUL TASK. Aminado din si Kuya Dick na stressful ang maging isang mentor.

“Totoo yoon. Stressful siya kasi nga parang ikaw na rin ang nakikipag-compete sa show.

“Pero kailangan gawin ko ito for these young people who have a dream of making it big sa industriyang ito.

“Nilalagay ko nga ang sarili ko sa lugar nila ngayon. Noong nag-umpisa ako, walang naniwala na magiging artista ako.

“Ang nanay ko lang ang naniwala na puwede akong artista.

“Pero dahil sa tulong ng mga mababait na tao ay nabigyan ako ng pagkakataon.

“I was given a break, at utang na loob ko ‘yan habang buhay ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya it’s my turn naman to share what I have learned and have achieved, sa mga baguhan ngayon.

“Sabi nga nila, paying it back. Isa man sa apat na hawak ko ang sumikat, masaya na ako.

“Kung sumikat silang apat, sobra-sobra ang magiging kasiyahan ko dahil may nagawa akong tama para sa kanila,” sabi ni Roderick.

POLITICAL PROBLEMS. Bukod pa sa pagiging artista ay isa ring public servant si Roderick.

Na-elect siya bilang konsehal sa pangalawang distrito ng Quezon City, ngunit “suspended without pay” ito ng anim na buwan mula July 5.

Tungkol dito, sabi ni Roderick, “Ayokong mag-dwell sa sinasabi nilang negative na nangyari sa akin kelan lang.

“Alam ko naman na may purpose ang lahat ng nangyayari sa buhay natin.

“I am still thankful dahil may nangyari mang ganoon, maganda ang naging kapalit.

“Heto at tatlong shows ang ginagawa ko for GMA-7.

“It’s a blessing para sa akin—negative man ito, para sa akin blessing pa rin iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN