Meryll Soriano takes a break from London studies to do indie film with Brillante Mendoza

“Pangarap ko kasi makatapos, so finally… kasi nga, hindi naman madali yung [mag-aral] sa London, dahil mahal nga. So, masaya ako na nakapag-aral ako ulit kasi hindi pa ako nagka-college, e,” sabi ni Meryll Soriano tungkol sa kanyang pag-aaral sa London.


Kasalukuyang nasa bansa si Meryll Soriano para magbakasyon mula sa kanyang pag-aaral sa London.

Sa panayam sa kanya ng Ang Latest ng TV5, kagabi, August 7, masayang ikinuwento ng nag-iisang anak nina Bec-Bec Soriano at Willie Revillame ang tungkol sa kanyang pag-aaral.

“I did the foundation, parang ano lang siya, yung pangsimula.

"And then, yung three years, yun yung B.A. [Bachelor of Arts] course for product design.

“Pangarap ko kasi makatapos, so finally… kasi nga, hindi naman madali yung [mag-aral] sa London, dahil mahal nga.

“So, masaya ako na nakapag-aral ako ulit kasi hindi pa ako nagka-college, e,” saad ni Meryll.

HELPING HER KABABAYAN. Masuwerte ngang masasabi na dahil nakaaangat sa buhay ang ama ni Meryll, kaya nitong tustusan ang di-birong gastos ng pamumuhay at pag-aaral sa London.

Hindi naman nag-aatubili ang aktres sa pagtulong sa ilang mga kaibigan na nais ding mag-aral sa London, sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa mga ito sa kanyang bahay.

Lahad ni Meryll, “Si Patrick Galang kasi, they were there. Si Jerome Lorico, saka si Patrick Galang.

“Si Jerome Lorico did an exhibit sa Philippine Embassy, fashion designer siya.

“And then, si Patrick Galang was also studying in Central St. Martins (College of Arts and Design), kung saan ako nag-aaral.

“So, pinatira ko siya sa bahay ko kasi matagal na rin naman kami magkakilala.

“Siyempre, di ba, I mean, kababayan mo ’yan and kaibigan ko, and then parehas kami ng ginagawa.

“Saka kahit naman sino na kakilala ko at kababayan natin, di ba, any help na puwede mong ibigay, siyempre ibibigay mo.”

TAKING CARE OF WILLIE’S BUSINESSES. Bukod sa kanyang pag-aaral, tumutulong na rin si Meryll sa kanyang ama sa pagpapatakbo ng mga negosyo nito.

Pero hindi pa naman daw ito full-time dahil kailangan niya munang makapagtapos ng pag-aaral.

Paliwanag ni Meryll, “My father kasi plans to let me manage yung mga properties niya, yung mga businesses niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And gusto ko lang munang tapusin yung pag-aaral ko before I really concentrate on that.”

INDIE MOVIE. Habang nakabakasyon, magiging abala naman siya dahil malapit nang simulan ang indie film na ididirek ni Brillante "Dante" Mendoza.

Kasama si Meryll dito, at makakasama naman niya sina Dennis Trillo at Baron Geisler.

Paglalarawan ni Meryll sa pelikula, “This is very different, kasi it’s a different kind of set-up and style of filming, so hindi siya yung typical na nakikita natin.

“Para siyang documentary, so it’s very different, it’s very challenging at the same time. But then again, I’m very excited.

“It’s an honor to actually work with this really, really well-acclaimed director,” papuri pa nito sa Cannes Filmfest best-director awardee na si Brillante Mendoza.

LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, inamin ni Meryll na mayroon siyang idini-date ngayon, pero ayaw na niyang pag-usapan pa ito.

“I’m seeing somebody but, you know, I just… it’s just a private thing,” sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN