Protégé mentor Phillip Salvador wants to instill discipline in his protégés from Mindanao

Ito ang paalala ni Phillip Salvador sa kanyang mga napiling protégés: “Yun ang gusto kong ituro sa apat na protégés na napili ko from Mindanao—yung disiplina. I want them to know that I am a strict disciplinarian, at kung magkamali sila, pagagalitan ko sila. Pero kapag maganda ang ginawa nila, makakarinig sila ng magandang mga salita sa akin."


Nang tanggapin ng award-winning actor na si Phillip Salvador ang pagiging mentor sa reality search ng GMA-7 na Protégé: The Battle For The Big Artista Break, sinabi nitong ipapakita niya ang kanyang pagiging disciplinarian.

Alam daw niya kasing hindi basta-basta ang pagpasok sa mundo ng showbiz.

Sa sarili na rin niyang experience nanggaling ang paniwalang ito.

Nang siya ay nagsisimula, marami raw siyang pinagdaanan, at nagsimula talaga siya sa ibaba. Kinailangan daw niya talaga ang disiplina sa personal na buhay upang umangat sa showbiz.

At hanggang sa makilala na siya bilang isa sa pinakamahusay na aktor ng Pilipinas, hindi raw nawala ang disiplina na natutunan niya noong nagsisimula siya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yun ang gusto kong ituro sa apat na protégés na napili ko from Mindanao—yung disiplina.

“I want them to know that I am a strict disciplinarian, at kung magkamali sila, pagagalitan ko sila.

“Pero kapag maganda ang ginawa nila, makakarinig sila ng magandang mga salita sa akin.

“Nagsimula rin ako sa wala. Nangarap akong gumanda ang buhay ko.

“I worked hard for it, at kung anuman ang narating ko ngayon, it is because of the people who helped me at sa mga naituro nila sa akin.

“Yun ang gusto kong i-share sa kanila at isapuso nila.

“Also, I want them to learn respect. Respeto sa mga nakakatanda sa kanila sa industriyang ito.

“Kahit sino pa ang makilala nila, they have to show respect.

“Huwag nilang alisin yung ’po’ at ’opo’—that is a sign of respect sa ating lahat.

“Kaya sinabi ko nga sa mga protégés ko na kung meron silang gustong malaman or itanong, huwag silang mahihiyang iparating sa akin.

“Sa contest na ito, ako ang tatay nila. Sila ang mga anak ko.

“Pamilya kami sa pagkakataong ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP si Phillip sa press launch ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, noong August 5 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

SERIOUS MENTOR. Sa auditions na ginawa sa Mindanao ay ipinakita na ni Phillip ang kanyang pagka-seryoso bilang mentor.

Kung kailangan daw niyang magalit sa mga hindi seryoso sa auditions ay pinapagalitan niya ang mga ito.

Kahit na nakakapagod nga raw ay tinapos ng Makapiling Kang Muli star ang trabahong tinanggap niya.

“First time ko kasing ginawa ito and, honestly, nakakapagod talaga siya.

“Pero noong makita ko ang maraming nag-audition na mga bata, ramdam mo na lahat sila ay pinapangarap magkaroon ng pagkakataon na makarating ng Manila and to make it big.

“Like any auditions, may mga hindi seryoso—yun ang mga napagsasabihan ko. Hindi kasi laro-laro ang trabahong ito, e.

“Pero may mga nakikita kang buong puso ay ibinibigay nila sa auditions pa lang.

“Dun ako natutuwa, dahil alam nila ang gusto nila at handa nilang gawin ang dapat para sa ikagaganda ng kinabukasan nila,” saad ng multi-awarded actor.

PHILLIP’S PROTÉGÉS. Kinilala ni Phillip ang bawat isang protégé na kanyang pinili—sina David John Llanas, Apple Vega, Ruru Madrid, at Steffi Pacheco.

Nagulat nga siya na may kanya-kanya silang mga kuwento na pampelikula.

“I really want to get to know them. Gusto kong malaman kung bakit nila gustong pasukin ang pag-aartista.

“Si David, naging biktima ang pamilya nila ng Bagyong Sendong [sa Cagayan de Oro].

“They lost everything noong binaha ang bahay nila at umasa lang sila sa mga relief goods na nakukuha nila.

“Ipinangako niya sa sarili niya na tutulungan niyang bumangon ang pamilya niya.

“And he sings very well. Pero nakikita ko sa mga mata niya na he can be a good actor someday.

“Si Apple, she’s a registered midwife pero kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para makatulong agad siya sa family niya. Maganda siya at puwedeng artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When the audition was held sa Davao, umutang pa raw siya ng pamasahe to get to the audition.

“Naging worry lang niya ay kukulangin ang pamasahe niya pauwi dahil eksakto lang daw ang pera niya. Paano pa raw siya kakain.

“Si Steffi, napansin ko agad ang mga mata niya. Puwede siya sa drama.

“Makulay din ang buhay niya. Her father is a taxi driver.

"Kung anu-ano rin ang pinasok niyang trabaho. Naging labandera pa nga raw siya para may kitain lang siya.

“Si Ruru ang pinaka-privileged sa kanilang apat. May kaya ang pamilya pero he wants to make it on his own.

“He has the potential to be a matinee idol.

“He’s also the youngest at 14 years old, pero matangkad siya at artistahin na ang hitsura niya.”

SPEAK IN TAGALOG, PLEASE. Isa lang daw ang request ni Kuya Ipe sa kanyang mga protégés: huwag silang mag-usap sa Bisaya.

“I told them na if they want to make it, kailangan matuto silang magsalita ng Tagalog na diretso.

“Marunong naman silang mag-Tagalog, pero maririnig mo pa rin ang puntong Bisaya. Para mawala iyon, they have to communicate in Tagalog.

“Kapag nag-uusap na silang apat, kailangan Tagalog para maintindihan din sila ng mga kasama nila sa Protégé quarters.

“Parati nilang kausapin ang mga kasama nila para mahasa ang dila nila sa Tagalog.

“Importante na matuto sila na mag-Tagalog nang tama dahil pagdating sa acting challenge, dun mate-test ang galing nila sa pananalita nang malinaw.”

BATTLE OF THE MENTORS. Handa na ring makipagtuos si Phillip sa ibang mentors ng Protégé na sina Jolina Magdangal (Visayas), Ricky Davao (North and Central Luzon), Gina Alajar (South Luzon), at Roderick Paulate (Mega Manila).

“Hindi lang ito kasi laban ng mga bata kundi pati rin kaming mga mentors.

“Siyempre, may kanya-kanya kaming mga protégés at may kanya-kanya kami ng style sa pagturo sa mga batang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung tama ang mentorship mo sa kanila, hindi ka mapapahiya sa mga gagawin nila.

“Kaya hindi lang may the best protégé win—may the best mentor win din ang labanan dito,” sabi ng aktor na naging bida sa napakaraming pelikulang iconic na ngayon.

Kabilang dito ang Bona, Kapit sa Patalim, at Jaguar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN