TYPHOON WATCH: More celebrities lend helping hand to flood victims

PEP saw these photos of celebrities who helped each other gather enough relief goods for flood victims. (Clockwise, from top) TV Patrol reporter Gretchen Fullido, Angel Locsin, Iza Calzado, and Kris Aquino after the relief operation in Valenzuela; Raymond Gutierrez asking for more donations and looking for additional volunteers; Isabelle Daza and mother Gloria Diaz with friends who helped in packing relief goods.


Hindi natatapos sa pagtigil ng ulan at paghupa ng baha ang pagtulong ng mga artista sa mga nasalanta ng hagupit ng hanging habagat.

Gamit ang kanilang mga personal account sa iba’t ibang social media sites, tulung-tulong ang mga artista para makaipon ng relief goods at makakuha ng tulong pang-rescue sa mga biktima ng baha sa Metro Manila at ilang probinsiya sa Luzon.

Tulad halimbawa ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Sa ikalawang pagkakataon ay kasama si Kris sa relief operation na isinasagawa ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Kaninang hapon, Agosto 9, ay kasama siya sa pagbisita ng grupo ni PNoy sa isang evacuation center sa Valenzuela City.

Kasama rin sa operasyong ito ang mga kapwa celebrities ni Kris na sina Iza Calzado at Angel Locsin, at ang TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido.

Sa kanyang personal account sa Twitter, pinasalamatan ni Kris ang kanyang mga sponsors, pati na ang mga kaibigang celebrities, tulad nina Anne Curtis at Vice Ganda, sa pagbibigay ng kanilang tulong sa ginagawang relief operation ng Sagip Kapamilya.

Kasama rin si Kris sa pagbisita ni PNoy sa Muntinlupa kahapon, August 8.

May nakakatuwa namang insidente sa relief operation sa Valenzuela.

Muli kasing nagkita si PNoy at ang dati nitong kasintahan na si Shalani Soledad, na konsehala sa naturang lungsod.

(CLICK HERE to read related story.)

KC CONCEPCION. Samantala, ang The X Factor Philippines host namang si KC Concepcion ay patuloy rin ang pag-assist sa mga nangangailangan ng tulong.

Ginamit din niya ang kanyang Twitter account para makipag-coordinate sa mga nagsasagawa ng relief operations, kasama na ang grupong kinabibilangan niya—ang World Food Programme.

Kanina ay nag-post siya sa Twitter ng: "On my way to do work in Caloocan with Team World Food Programme (WFP). God bless the Philippines.♥ @WFP_Philippines @WFP_Asia

Bukod sa pagpapasalamat sa mga tumulong para maisakatuparan ang relief operation ng WFP, may isa ring pakiusap ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya sa Twitter: "May pera daw po ang gobyerno. Sana aftr nito ay unahin nila ang flood prevention solutions. O kahit rainfall-harvesting facilities man lang."

Nakiusap din si KC na sana ay huwag masamain ng publiko ang ginagawang pagtulong ng mga artistang katulad niya.

Aniya, "I wish some of us here on twitter would have the heart to know that this is not the time to bash any celebrities. #atimeforeverything."

JIM PAREDES. Ang miyembro naman ng APO Hiking Society na si Jim Paredes ay nakaisip ng kaiba—at masasabing napaka-selfless—na paraan para makatulong sa mga biktima ng baha.

Kagabi, Agosto 8, binuksan niya ang kanyang bahay para sa mga nangangailangan ng masisilungan.

Sabi niya sa kanyang personal Twitter account: "This is like my Night of Passion. I am housing ppl I don’t know. LOL Seriously, it must be hard for them to ask than for me to say yes."

Nagkuwento rin siya tungkol sa isang bata na kasama ng isa sa evacuees sa kanilang bahay.

Aniya, "It’s been a awhile but ryt now there is a baby in the house! An evacuee from a dpressed area nearby. :--)

"...No matter how I try, the kid won’t respond to me. Me thinks I’ve lost my touch. Feel like a young parent again. LOL"

Ilan pa sa mga artistang napag-alaman ng PEP na naging abala sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng baha ay ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Yeng Constantino.

Ang magkakaibigan na sina Solenn Heusaff, Isabelle Daza at ina niyang si Gloria Diaz, Michelle Madrigal, at Raymond Gutierrez ay sama-sama rin sa pagbabalot ng mga relief goods na ipamimigay.

Pati ang mga Kapatid stars na sina Rufa Mae Quinto at JC de Vera, kasama si Karel Marquez, ay naging bahagi rin ng ilang relief operations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang socialite na si Divine Lee ay nanguna naman sa relief operation sa isang eskuwelahan sa San Mateo, Rizal.

Tumulong sa kanya ang mga kaibigang KC Montero, Rhian Ramos, Ronald Singson, Bubbles Paraiso, Boy 2 Quizon, at ang anak nina Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez na si Juliana.

Target ng grupo nila na makapagbigay ng anim na libong packed goods sa mga taga-San Mateo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN