Manila’s women softball team takes home Philippines’ first Softball World Series title

Sinabi ni Head Coach Ana Santiago (in photo) na nauunawaan ng buong Manila women softball team kung hindi gaanong nabigyang pansin ang kanilang tagumpay. Aniya, “Alam namin na magiging proud ang mga kababayan namin sa atin na nakapagbigay kami ng karangalan."


Matapos ang unos, mayroon na namang dahilan ang mga Filipino upang magdiwang.

Ito’y matapos masungkit ng Manila’s women softball team ang Big League Softball World Series title kahapon, Agosto 9 (oras sa Pilipinas), na naganap sa Kalamazoo, Michigan.

Sabi ng head coach ng koponan na si Ana Santiago sa Spin.ph, isang sports portal, na bago magsimula ang laban ay naibalita na niya sa mga manlalaro ang kalagayan ng bansa.

“Nung nag-meeting kami ng mga bata bago ng championship [game], sinabi ko na medyo hindi maganda ang kalagayan sa Pilipinas.

“Sabi ko sa kanila na, ’Alam ko nagwo-worry tayo sa mga pamilya natin. Pero pagdating sa field, mag-concentrate muna tayo dahil yung laro naman natin, ide-dedicate natin sa mga nasalanta.’”

Nanalo ang Manila’s women softball team laban sa koponan mula sa California sa score na 14-2.

Ito ang pinakaunang Softball World Series title na napanalunan ng Pilipinas, bukod sa pagkapanalo natin sa junior league softball noong 2003.

Ayon sa presidente ng Manila Little League Charter at Manila Councilor Che Borromeo, kapansin-pansin talaga ang determinasyon na ipinakita ng ating mga manlalaro.

“Talagang determined yung mga players. Kahit anong nangyari, determined sila at talagang lumaban.”

Ang Manila Little League Charter ang pangunahing sponsor ng Manila women softball team sa naturang kumpetisyon.

Bagamat hindi nabigyan ng sapat na atensiyon ang panalong ito ng ating koponan, nauunawaan naman daw ito ni Coach Ana.

Aniya, “Alam namin na magiging proud ang mga kababayan namin sa atin na nakapagbigay kami ng karangalan at, kahit pansamantala, malihis yung usapan tungkol sa kalamidad.”

Basahin sa Spin.ph ang mga pinagdaanan ng Manila’s women softball team bago nila makamit ang tagumpay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN