Empress Schuck distributes relief goods to flood victims

Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg">

Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg">

Empress Schuck says that she has not had a boyfriend in her entire life. Asked if she wishes to have one, the Star Magic talent answers: “Minsan naiisip ko, ‘Ano kaya ang magiging buhay ko kapag may boyfriend ako?’ Siyempre, mag-iiba na yun... parang may partner ka na.”


Nagpapasalamat ang model at aktres na si Empress Schuck at ang kanyang buong pamilya na wala silang dinaanang masama nitong nakaraang hagupit ng habagat.

Nakausap si Empress ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikula niyang Guni-Guni, sa Imperial Suites ni Lily Monteverde, kahapon, August 9.

Dito niya naikuwentong mamamahagi silang magkakaibigan ng relief goods pagkatapos na pagkatapos ng presscon.

Ayon kay Empress, “We’re very blessed po na walang nangyari. And kami po, magkikita-kita kami ng mga friends ko, mamimili kami.

“Tini-text ko na rin kasi ang mga friends ko from Ateneo kung ano ang mga kailangan nila.

“At yung dati ko pong school, yung Angelicum College, nangangailangan sila ng volunteers.

“So, tinatanong ko kung ano ang kailangan nila, bibilhin na lang namin. Tapos, pupunta po kami roon."

MOTIVATION. Pag-aalala ang epekto kay Empress ng napanood mga balita tungkol sa pagbaha sa iba’t ibang lugar ng Maynila.

“Yun nga, nakikita ko sa Twitter na walang nangyari sa amin, panood-nood lang, pa-tweet-tweet lang.

“So parang… Kailangan kahit walang nangyari sa atin at kung makakalabas din tayo ng bahay, i-extend na rin natin ang mga kamay natin para makatulong.

“Ako kasi, hindi ako mapalagay na nandoon lang ako. Paglabas kasi ng Commonwealth, hindi siya passable. Ngayon, passable na siya.

“E, yung gustong magbigay ng tulong, hindi sila makaalis. So, sana yung hindi nasalanta, makatulong—kahit konting tulong lang.

“Kasi ako, ang pinakaunang tulong ko, yung sa Red Cross, magdo-donate.

“So, kahit konting tulong lang, magkakatuwang talaga ang mga Pilipino sa ganitong pangyayari.”

Pagkatapos ng kanyang relief operations, balik-pelikula naman si Empress.

Kasama siya sa pelikulang Guni-Guni. Siya ang lumalabas na may third eye at nakakakita ng mga multo.

Kasama niya rito sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

“Ako po si Joanna, ako ang nakakita ng mga multo, ako ang nakakaramdam, ako po yung may third eye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although may iba pa rin na nakakaramdam, pero sila [multo] yung nagpapakita sa akin, nagri-reach out.

“Ako naman, kung gusto ko silang makita o makausap, pwede."

BUSY BODY. Nakagawa na rin si Empress ng ibang horror films, tulad ng Shake, Rattle & Roll at Dalaw.

Ang kaibahan lang, mas marami siyang eksena ngayon.

Tatlong pelikula naman ang ginagawa niya sa kasalukuyan. Ang Amorosa, Lola Basyang, at Tuhog.

At dahil kakatapos lang niya ng Magunaw Man Ang Mundo, wala pa siyang panibagong serye.

Pero makakasama pa niyang muli si Nikki Gil sa flashback scenes ng teleseryeng Apoy sa Dagat.


ZERO LOVELIFE. Pagdating sa lovelife, pinaninindigan ni Empress na siya ay NBSB, na ang ibig sabihin daw ay No Boyfriend Since Birth.

“M.U. [mutual understanding] may ganyan po, noong high school ako. Pero yung official, wala talaga.”

May nanliligaw naman?

“May nanliligaw, pero never ko pa kasing na-experience yung may nagpupunta sa bahay.

“At saka, kapag may nagpapaalam na ganoon, hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko."

Kapag may gustong pumunta, ano ang isinasagot niya?

“Sabi ko, ‘Oo,’ tapos sasabihin nila, ‘Puwede bang pumunta ako?’

“Wala akong sinasabing oo at hindi, kasi hindi ako kumportable sa magiging reaksiyon ng mga tao sa bahay.

“Marami kami sa bahay—nanay at tatay ko, mga kapatid ko.

“Kapag may dumating sa bahay na lalaki, hindi ako kumportable sa magiging reaksiyon nila.

“Natatakot ako. Hindi ko alam kung okay lang sa kanila o baka paalisin nila.

"Hindi ko alam, kaya sinasabi ko, ‘Huwag na lang muna.’”

Hindi ba niya gustong makaranas magkaroon ng boyfriend?

“Minsan naiisip ko, ‘Ano kaya ang magiging buhay ko kapag may boyfriend ako?’ Siyempre, mag-iiba na yun, parang may partner ka na.

“Mga iniisip-isip ko lang, ‘Ano kaya ang feeling ng ganoon?’ Pero, hindi naman siya umaabot sa wini-wish—hindi naman ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON GERALD ANDERSON. Si Gerald Anderson ay na-link sa kanya dati.

Pero ayon kay Empress ay hindi raw talaga niya alam kung bakit.

Sabi pa niya, “Wala po talaga. Lahat kami nagulat, lalo na yung isyu na pumupunta ako sa condo!

“Hindi ko talaga alam, kasi… nakakatawa. Kaya niloloko ko nga si Mama, sabi ko, ‘Baka iniisip ninyo wala talaga, pero meron.’ Baka ganyan…

“Hindi ko po alam kung saan po galing.”

Hindi ba nasira ang friendship nila ni Gerald dahil sa mga isyung ganyan?

Mabilis na sagot ni Empress, “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and hello’ lang kami.”

Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg">


Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg"> Empress Schuck distributes relief goods to flood victims" data-url="https://www.pep.ph/news/35227/empress-schuck-distributes-relief-goods-to-flood-victims" data-desc="Empress Shuck flatly denies rumors linking her to Gerald Anderson: “Wala po kaming friendship. Hindi rin kami friends. Wala talaga. ‘Hi and" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/6bd4fb0f6.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN